Xairene's POV
[Kinabukasan]
Para akong zombie na naglalakad papuntang Room namin.
Oo,sanay akong mapuyat pero ugh! Iba ngayon. Napuyat ako dun sa sinabi ni King.
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh! Bahala ka name nga sa buhay mo!"
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh! Bahala ka na nga sa buhay mo!"
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh! Bahala ka na nga sa buhay mo!"
"Arghhh!!" Biglang sabi ko sabay sabunot as buhok to.
"Hoy Xai! Ayos ka lang?!" Biglang tanong ni Maxima.
Tinignan ko muna siya bago sinagot.
"Hindi. Hindi ako OK!" Sabi ko sabay naunang maglakad sakanila.
"Luh. Anyare dun?!
"Ewan."
Rinig kong bulungan nung dalawa.
Di ko na sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Oo nga pala. Kung itinatanong into kung ano ang nangyari sa laban kagabi ayon,walang natalo at walang nanalo. Bakit? Kasi hindi naman natapos ang laban. Agad kaming umalis ni Zeke ng hindi pa natatapos ang laban kaya naging ganun ang resulta ng laban namin.
Maya maya lang din nakarating na kami sa Room.
Dumiretso agad ako sa upuan ko. Napatigil lang ako ng makita ko si Nerd.
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh! Bahala ka na nga sa buhay mo!"
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh! Bahala ka na nga sa buhay mo!"
Waaah!! Naalala ko nanaman yung kagabi.
"Kunwari wala kang narinig Xai. Kunwari." Bulong ko sa aking sarili habang nakapikit at umiiling iling pa.
"Hoy flat! Ayos ka lang?" Napatigil ako sa pag-iiling at dahan dahan nagmulat at tumingin sa pinanggalingan ng boses na yun.
Napatitig ako sakanya at biglang nag flashback ulit yung sinabi niya kagabi.
"Wag ka namang ganyan oh! Nagseselos na nga ako kung umasta ka diyan! Arghh!Bahala ka nga sa buhay mo!"
"Hoy!"
"HOLYSHITS!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Ano bang problema mo at nanggugulat ka?!" Sigaw ko kay Nerd.
"Wala akong problema. Baka ikaw meron. Kanina ka pa nakatitig saakin. Ganyan na ba ako kagwapo? Hahah" sabi niya habang tumatawa.
"Yabang!" Sabi to at naupo na sa tabi niya.
"Di nga. May problema ka ba? Parang wala ka sa sarili eh." Sabi niya pa.
"Wala. Ayos lang ako. Wag mo na akong intindihin." Sagot ko naman sakanya.
"Eh nag-aalala nga ako sayo tas di kita iintindihin? Baliw ka ba?" Seryoso niyang sabi kaya napatingin ulit ako sakanya.
Lintek na puso. Ambilis ng tibok.
"Anong sabi mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala! Tsk." Sagot niya at tumingin nq sa unahan habang ako nakatitig lang sakanya.
BINABASA MO ANG
Carmen University (COMPLETED)
Action"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." WARNING: Unedited. Maraming grammatical errors. Date Started: March 27, 2017 Story End: September 1, 2017