Chapter 18: Drugs?

3.6K 95 5
                                    


Chapter 18: Drugs?


*Kinabukasan*


Xairene's POV


Late na kaming nagising. Sa sobrang pagod at nangyari kahapon nakalimutan ng i'alarm yung orasan. -.- Tssk.


Naglalakad na kami sa Hallway pero mukhang may nangyari dahil ang mga studyante ay di magkanda-ugaga.


Alas otso na at ganitong oras nagsisimula na ang klase pero dahil sa dami ng studyante sa labas mukhang walang klase.


"Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Ty pero niisa walang sumagot sakanya.


"Grabe yung nangyari sakanya noh?"


"Oo nga eh. Ambait bait niya pero pinatay"


"Sino kaya ang may gawa nun?"


Yan ang maririnig mong bulungan sa paligid.


Patay? Sino?


Nagkatinginan kaming lima. Nilapitan ni Lindsey yung nag-uusap sa tabi namin at tinanong.


"Ahm. Excuse me? Pwedeng magtanong?" Sabi ni Lindsey dun sa dalawa.


"Ano po yun?".sabi nung isang babae. Pasalamat siya di siya sinagot ng 'Nagtatanong kana diba?' -.-


"Ahm. Ano yung pinagkwe-kwentuhan niyo? Anong patay?" Tanong niya dun sa dalawa.


"Ah yun po ba? Si Tricia Martinez po na Grade 8 student natagpuang patay sa may CR ng Girls." Kwento naman nung isang babae.


Nagulat kami sa narinig namin.


Paanong nangyari yun? Nakakasama palang namin siya nung araw na yun?


"Nasan na ngayon ang bangkay niya?" Tanong pa ni Lindsey.


"Nandun pa sa pinangyarihan ng krimen. Kaninang 7:45 lang din kasi natagpuan ang walang buhay niyang katawa kaya hanggang ngayon iniimbestigahan pa" sagot naman nung isang babae.


"Ganun ba? Sige salamat" paalam ni Lindsey dun sa dalawang babae sabay lapit saamin.


"Damn! Parang kahapon lang kasama natin siya sa clinic at ngayon mababalitaan nating patay na siya?!" Gulat na komento ni Lindsey.


"Tara. Puntahan natin ang pinangyarihan ng krimen." Sabi ko sakanila at naglakad na papunta sa CR ng Girls at sumunod naman sila..


Pagdating namin dun nakita namin na maraming tao kaya nakipagsiksikan pa kami para lang makapunta sa unahan.


Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon