Chapter 12: Rebel Blood Warriors

3.8K 114 1
                                    


Chapter 12: Rebel Blood Warriors


Xairene's POV


Habang nasa kotse di ko maiwasang mapangisi.


"Tsk. Ganun talaga siya katatag huh? Talagang hinamon niya pa tayo." Sabi ko sakanila.


"Kaya pa. Bugbog na nga siya kanina at ngayon hinahamon ka pa! Grabe lang!" Komento naman ni Maxima kaya napailing nalang ako.


"San mo nga pala nalaman na may Arena dito?" Biglang tanong ni Lindsey kaya nilingon ko siya.


"Narinig ko dun sa dalawang babaeng nag-uusap kanina kaya tinanong ko kung saan kaya eto.." sabi ko naman sakanya..


"Ano pa bang matutuklasan natin sa paaralang ito? Parang marami pang misteryong nakatago.." sabi naman ni Brendon.


Natahimik naman kami.


Tama siya. Ano pa bang meron sa paaralang ito?


"Tara na nga. Baka may makakita pa sa atin dito." Aya naman ni Tyler kaya pinaandar na ni Brendon ang kotse.


Habang nasa kotse di ko maiwasang mapaisip..


'Bakit kapag may laban lang ang Rebel Blood at Dark Phantom tsaka lang lumalabas si 'King'? Sino nga ba si King?'


Yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko..


Napabalik nalang ako sa dati ng biglang mag preno ng malakas si Brendon kaya napatingin ako sakanya..


"Bakit? Anong problema?" Nagtatakang tanong ko.


"May biglang humarang sa daan eh. Di ko alam kung ano o sino." Sabi niya kaya napatingin ako sa labas at may nakitang mga motor kaya walang pagdadalawang isip na bumaba ako at sumunod naman sila..


Nilapitan ko ang mga may ari ng motor habang nasa likod ko parin sila Brendon kaya nakilala ko kung sino ang mga may ari ng mga Motor..
"Rebel Blood" sabi ko ng tuluyan ng makalapit sa pwesto ng Rebel Blood.


"Anong problema?" Tanong ko sakanila.


"Ahm. Wala naman Miss Ganda" sabi naman ni Slate o Black Satan.


Tsk. Wala naman palang problema eh anong ginagawa nila diyan? -.-


"Kung ganun pwede bang umalis na kayo diyan sa daan? Nakaharang kayo eh" sagot ko naman. Mukhang nagulat sila sa sinabi ko..


"Ang sungit mo naman Queen" sabi naman ni Jax o Skull pero tinignan ko lang siya habang nakataas ang isang kilay.


"Sabi ko nga masungit ka" pahabol pa niya..


"Queen.King. Naks! Bagay. Di mga 'tol?" Nanunuyong sabi naman ni Blaze o Phoenix kaya tinignan ko siya ng masama.


"Ops! Joke lang Queen. Hehe" sabi naman niya agad.


"Whoa! Ang gaganda naman ng kasama mo Queen! Hi Angel! Hi Evil!" Nakangiting bati naman ni Darius kela Lindsey pero di siya pinansin ng dalawa.


Sus. Pigil na pigil na ang dalawang yan..


Bigla naman akong napatingin kay Nixon o Prince at King na parehong nakatingin sakin. Tch. Anong problema ng dalawang 'to? Bat ganyan sila makatingin sakin? -.-


Mukhang napansin nung dalawa na nakatingin ako sakanila kaya agad silang nag-iwas ng tingin..


Binalik ko nalang ulit ang tingin ko kila Phoenix..


"Kung wala naman pala kayong problem a pwede bang padaanin niyo na kami? Nakakaabala na kayo eh." Sabi naman sakanila ni Brendon..


Nagkatinginan muna sila bago gumilid kaya sumakay na kami sa kotse at pinaandar na ito ni Brendon.

Maya maya lang din ay nakarating na kami sa dorm na para bang walang nangyari..

Nag-ayos na kaming tatlo nila Maxima bago tuluyang natulog..


Pierce's POV


"Grabe mga 'tol! Ang ganda talaga ni Queen!" Sabi ni Blaze na parang pumupuso pa ang mata. Yak!


Nakatingin lang ako sa dinaanan ng Kotse ng EndMira di ko alam kung bakit.


"Hoy! 'Tong dalawang 'to *turo kay nixon at saakin* kanina ko pa kayo napapansin na nakatingin kay Queen! Gusto niyo ba siya?!" Tanong ni Darius samin ni Nixon kaya sabay kaming napatingin at napasigaw..


"Hindi ah!" Sabay na sigaw namin at nagkatinginan pa kayamagtawanan sila..


"Haha! Eto naman mga 'to di na mabiro.Pfft." natatawang sabi ni Darius.


"" sabi naman ni Slate kaya lalo silang nagtawanan.


Tinignan ko lang sila ng masama kaya natahimik sila..


"Ehem! Tara na nga uwi na tayo" si Jax habang pinipigilan ang matawa.


"Mabuti pa nga. Bago pa magpalit anyo yung dalawa diyan. Haha." Natatawang sagot naman ni Blaze.


"Mga g*g*!" Sigaw ko sakanila pero nagtakbuhan lang sila habang tumatawa.


Napabaling ang tingin ko kay Nixon na tulala parin. -.- Ano bang nangyayari sa taong 'to? -.-


"Hoy! Tara na! Sigaw ko sakanya kaya napatingin siya saakin.


"Tara" aya niya sabay naunang umalis at iniwan ako. Tsk. Tinignan mo yun. Iniwan ako. Parang wala nanaman sa sarili. -.-


Sumunod narin ako sakanila at umalis na pabalik ng dorm...


------------------------------*

VOTE,COMMENT,SHARE, and BE A FAN! :)

Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon