Chapter 32: Plan

3.5K 91 1
                                    


Chapter 32: Plan

Xairene's POV

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Shaira kina-umagahan.

"OK naman na. Salamat ah,siguro kong wala kayo,wala na siguro ako." Sabi niya.

"Ano ka ba wag ka ngang magsalita ng ganyan. Nandito lang naman kami para tulungan ka eh." Nakangiting sabi ko sakanya.

Nandito parin kami sa dorm nila Nixon pansamantala. Maya maya pa ay dumating na sila Brendon,Tyler,Maxima,Lindsey,Nixon,Zeke at Pierce.

"Yo." Bati ni Tyler.

"Kamusta ka na,Shaira?" Tanong ni Lindsey.

"OK na ako." Nakangiting sagot naman nito.

Maya maya pa ay tumawag na nga si Daddy.

"Ngayon tayo magpa-plano kung paano natin mahuhuli si Mr.Black." bigla siyang napabaling kay Shaira "Sino naman siya?" Tanong pa niya.

"Siya si Shaira Flores dad,pinsan ni Tricia Martinez yung namatay na studyante dito." Sabi ko sakanya.

"Anong nalalaman mo iha?" Tanong ni dad sakanya.

Bumuntong hininga muna si Shaira bago nagsalita.

"Nakita ko kung sino ang pumatay sa pinsan kong si Tricia at alam kong nakita rin siya ni Kyle Mikael; kaklase ni Tricia pero nung araw na sasabihin na ni Kyle kay Xai ang nalalaman niya ay namatay rin agad ito. Yung taong pumatay kay Tricia at Kyle Mikael ay iisa. At yung taong rin yun ang kumuha saakin sa dorm kagabi at dinala sa administration office upang turukan ng droga." Paliwanag niya.

"Sino ang taong pumatay kela Kyle at Tricia at ang taong may gawa niyan sayo?" Seryosong tanong ni Nixon kay Shaira.

Pumikit saglit si Shaira at sabay sabing "Si Kane Starr. Ang kanang kamay ni Zeke Black." Sabi niya at tinignan ako sa mga mata habang sinasabi niya yan.

"WHAT?! Si Kane? Imposible! Hindi niya magagawa yan! You've got to be kidding me!" Hindi makapaniwalang sabi ni Zeke.

"Pero yun ang totoo Zeke! Siya mismo ang pumatay sa pinsan ko at kyle! Sila rin ang may pakana ng ama mo sa paggawang pagsugod kay Maxima sa C.R ng girls! Silang dalawa ang may kagagawan dahil mag kasabwat sila ng anak niya!" Sigaw ni Shaira na siyang nakapag-patigil kay Zeke.

"W-what?! A-anak?" Gulat at hindi makapaniwala si Zeke sa narinig. Maging gami ay ganun rin.

"OO! Anak ni Roberto Black si Kane Starr sa labas!" Sigaw pa ni Shaira.

"No! Walang anak sa labas si Dad! Wala! Wala!" Sigaw ni Zeke at agad na lumabas ng kwartong yun. Tinawag pa namin ang pangalan niya pero hindi na siya lumingon pa.

"Ang gulo na!"

"Supeeer!"

Rinig kong sabi ni Maxima at Lindsey. Nilapitan naman ni Brendon si Shaira. At lumapit naman saakin si Pierce.

Kausap na ngayon ni Nixon si Daddy para sa plano.

"Agent Dark,ingatan mo ang anak ko kung hindi,patay ka saakin!" Pananakot ni Daddy kay Pierce.

"Agent Eagle naman,syempre iingat ko ang babaeng 'to!" Sagot naman ni Pierce kay Daddy at niyakap pa ako ng bahagya.

"Siguraduhin mo lang yan!" Sabi pa ni Daddy.

"Opo,daddy!" Natatawang sabi pa ni Pierce kay Daddy.

Sasagot pa sana si daday pero biglang nawala sa linya.

Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon