Chapter 29: The Truth (Part I)
Xairene's POV
"Handa na ba kayo?" Tanong ko kela Maxima habang nag-aayos kami ng gamit.
"Yes!" Sabay na sagot nilang dalawa.
"Tara na. Naghihintay na yung dalawa dun." Sabi ko sakanila at agad na lumabas ng dorm at sumunod naman sila.
Pagdating nga namin sa likod ng Bldg A. ay nandoon na si Brendon at Tyler.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko dun sa dalawa.
"Hindi naman." Sagot ni Brendon.
"Tara na." Aya Ko at agad na sumakay sa kotse.
Pagdating sa Arena as usual,marami nanamanf estudyante slash gangsters ang manunuod ng laban ng Dark Phantom at Bloody Warriors.
Isa rin kasi itong laban na ito ang pinaka-hihintay ng lahat dahil ngayon magkakatunggali ang dalawang malalakas na grupo at ito rin ang una nilang paghaharap sa Arena kaya talagang inaabangan ito ng lahat.
Pumasok na kami sa loob ng Arena at syempre ayan nanaman ang sigawan.
"DARK PHANTOM! DARK PHANTOM! DARK PHANTOM!"
"KING! KING!"
"PHOENIX! PHOENIX!"
"DARK PHANTOM!"
Sigawan ng mga taga-hanga ng Dark Phantom. At syempre di diyan magpapatalo ang mga taga-hanga ng Cold Bloody Warriors.
"BLOODY WARRIORS! BLOODY WARRIORS! BLOODY WARRIORS!"
"FIRE! FIRE! FIRE!"
Wala pa man ang mga maglalaban e ganyan na kaingay ang mga manunuod.
"Oh! EndMira yan diba?"
"Oo! At yang nasa unahan ang Leader nila. Siya si Queen!"
"Whoa! Queen? Bagay sila ni King!"
"Oo nga eh! Waaah!"
Bigla akong napatigil sa paglalakad at napatingin dun sa dalawang babae.
Tinignan ko sila ng masama at napayuko naman sila.
"Sorry Queen!"
"Sorry po Queen!"
Paumanhin nung dalawa. Tinignan ko lang sila at agad na ding pumasok sa loob.
Pagpasok namin agad silang napatingin sa gawi namin.
"ENDMIRA! ENDMIRA! ENDMIRA"
"Queen!"
Sigawan nila ng makita kami. Agad kaming umupo at tumingin sa paligid.
"Wala pa ang Dark Phantom ah." Sabi ni Brendon.
"Oo nga eh. At wala parin ang Bloody Warriors" sagot naman ni Maxima.
"ANDYAN NA ANG COLD BLOODY WARRIORS AT DARK PHANTOM!" Rinig kong sigaw nung isa sa mga manunuod.
Napatingin naman kami kung nasaan ang dalawang grupo. Naglalakad sila papunta sa gitna at ng makarating ay may pinag-usapan pa silang kung ano.
"DARK PHANTOM vs. COLD BLOODY WARRIORS! SIMULAN NA ANG LABAN!" pagkasabi nun ng Announcer ay yun narin ang naging hudyat na nagsimula ang laban ng dalawang grupo.
Masasabi kong magaling pareho ang dalawang grupo pero mapapansin mo ang pagigibg balisa ni Zeke o ni Fire habang nakikipag-laban.
Bigla naman akong napa-isip habang tinitignan siya. Parang may mali.
Masyadong mainit ang laban sa pagitan ng dalawang grupo,akala mo ay parehong may ipinaglalaban.
Pero biglang nagulat ang lahat ng biglang tumakbo papalayo si Zeke palabas ng Arena. Akala kasi ng lahat ay susugod ito kay King pero hindi,dahil tumakbo nalang ito papalayo.
Pero mas lalo pang nagulat ang lahat ng biglang sumunod si KING kay Zeke.
"Anong kayang nangyayari?"
"Bakit biglang tumakbo si Fire at sumunod naman si King?"
Yan ang maririnig mong bulongan sa loob ng Arena.
Sobrang gulat ang lahat dahil sa nangyari.
Bigla naman akong napa-isip.
Bakit balisa si Zeke?
Bakit bigla siyang tumakbo paalis ng Arena habang naglalaban sila ng Dark Phantom?
At panghuli,bakit sumunod sakanya si King?'Hindi kaya...'
Bigla akong napatayo saaking naisip.
"Queen? Saan ka pupunta?" Tanong ni Brendon pero di'ko yun sinagot.
"Tara." Sabi ko sabay takbo palabas ng Arena at sumunod naman sila kahit nagtataka.
"Saan ba kasi tayo pupunta,Xai?" Takang tanong ni Tyler.
"Basta." Sagot ko at nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa Bldg. E.
"Shh." Sabi ko sakanila ng makita ang 2 TRUCK na pumarada sa may likod ng Administration Building.
"What the!" Bulong ni Maxima ng makixa ng makita ang mga ibinababang kahon papasok sa Admin's Office.
"Anong laman ng nga kahon na yan?" Bulong ni Lindsey.
"Drugs" sagot ko.
"What?!/Ano?!" Gulat na bulong ko.
"Mga high quality drugs ang laman ng mga kahon na yan. At mamaya lang din ay dadalhin na nila ang mga yan sa Bldg E kung saan magaganap ang page-experimento." Paliwanag ko sakanila.
"Mamaya na natin pag-usapan ang mga ganitong bagay. Sa ngayon,manmanan muna natin sila sakanilang mga ginagawa." Sabi naman ni Brendon kaya natahimil narin kami.
Patuloy lang kami sa pagmamanman sakanilang ginagawa ng bigla naming makita si Zeke!
"Dad! Anong kahibangan ba itong ginagawa mo?!" Sigaw ni Zeke sa ama.
"Kahibangan ba ang tawag dito? Ha?! Anak kita kaya dapat ay tinutulungan mo ako!" Sigaw naman ni Mr. Roberto Black o kung tawagin sa paaralang ito na 'Admin'.
"Tinutulungan?! Ha! Dad,kahit kelan HINDI KITA TUTULUNGAN sa mga gawain mong ganito! Wala akong ama na DRUG ADDICT! At wala akong ama na kagaya mo. Hindi na kita kilala Dad!" Sigaw pa ni Zeke.
'Tama yan'
"Wala akong anak na kagaya mo! Sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang Mommy at Kuya mo dahil wala kang pakinabang!" Sigaw pa ni Admin.
"Yun na nga dad eh! HINDI SANA MAMAMATAY SO MOMMY AT DADDY KUNG HINDI DAHIL SAYO!" sigaw pa ni Zeke pero nagulat nalang ako ng bigla siyang sinapak ni Admin!
"TOTOO NAMAN DIBA DAD?! HINDI SILA MAMAMATAY KUNG HINDI MO SILA PINABAYAAN! WALA EH,PINABAYAAN MO SILA SA KAMAY NG MGA KAAWAY MO SA DRUGS NA YAN! NI HINDI MO NGA SILA NAGAWANG ILIGTAS EH! PINABAYAN MONG GAMITIN ANG KATAWAN NILANG EXPERIMENTUHAN!" umiiyak nang sabi ni Zeke sa Ama niya.
"WALA KANG GINAWA DAD! PERO BUTI NALANG AT DUMATING SI MR. ALMIR BRINT KAYA NAKAMIT YUNG HUSTISYA NILANG DALAWA. PERO IKAW? WALA! AKALA KO MAGBABAGO KA NA PAGKATAPOS NG NANGYARI,PERO NAGKAMALI AKO, DAHIL HANGGANG NGAYON PARIN PALA GINAGAWA MO PARIN ANG GINAGAWA MO DATI! Kaya Dad,hinding hindi ako gagaya sayo! Hinding hindi!" Umiiling pang sabi niya at umalis sa harapan ng kanyang amang hindi makapag-salita.
Alam ko pati rin sila Brendon,nagulat dahil sa nangyari at nalaman nila. Ako rin naman e, nagulat dahil sa mga narinig at nalaman ko lalo na at narinig ko ang pangalan ng Daddy ko.
"Pero buti nalang at dumating si Mr.Almir Brint kaya nakamit ang hustisya nilang dalawa"
"Pero buti nalang at dumating si Mr.Almir Brint kaya nakamit ang hustisya nilang dalawa."
Umuulit-ulit ang mga katagang yan sa aking isipan..
-------------------------*
PLEASE DO VOTES, COMMENTS AND FOLLOW! :)
- Tim <3
BINABASA MO ANG
Carmen University (COMPLETED)
Action"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." WARNING: Unedited. Maraming grammatical errors. Date Started: March 27, 2017 Story End: September 1, 2017