Chapter 13: Basketball

3.9K 112 0
                                    


Chapter 13: Basketball


*Kinabukasan*


Matapos ang nangyari kagabi nakapag-usap usap narin kami kung ano ang pwede naming gawin kapag dumating ang araw ng laban namin ng Cold Bloody Warriors.


Naglalalad na kaming lima papuntang room ng bigla naming makasalubong si Zeke kasama ang mga kagrupo niya..


Muntik na kaming matawa ng makita ang mukha niya na puro sugat at band aid dahil sa naging laban nila kagabi ng Rebel Blood. Kung mapapansin niyo siya lang sakanilang grupo ang bubog dahil ang iba sakanila ay sugat at pasa lang pero yung kanya hindi..


Tsk. Kelan kaya matututo ang taong 'to? -.-


"Ow. Nandito pala ang mga 'Losers!' " sabi niya at nagtawanan sila ng mga kagrupo niya. Kamai pa talaga ang 'Losers' huh? *smirk*


"Pfft. Kung 'Losers' kamj ano namang tawag sainyo? WEAK?!" sagot ko na talagang pinagdiianan ang salitang 'Weak' na siya namang ikinatigil nila sa katatawa kaya kami naman ang natawa.


"Anong sabi mo?!" Galit na tanong niya.


"Ahh? WEAK?!" Sabi ko ulit kaya lalo kaming natawa ng mga kasama ko. Para na siyang dragon na umuusok ang ilong at tenga sa galit.


Akmang sasapakin niya ako ng biglang may nagsalita..


"Anong nangyayari dito?" Tinignan namin kung sino ang nagsalita.


"Pres." Sabi ni Zeke sakanya.


"Anong nangyayari dito?" Tanong niya ulit habang tinitignan kami pero tinignan ko lang siya.


"Tsk! Pwede ba Nixon? Wag kang mangialam dito?!" Galit na sagot naman ni Zeke kay Nixon..


"Mangingialam ako kung kelan ko gusto. Isa pa ako ang SSG President sa paaralang ito." Seryosong sagot naman ni Nixon sakanya.


Tahimik lang kami nila Brendon na nakatingin sa kanilang dalawa.


"Wala akong pakealam kung ikaw ang SSG President! Dahil ako naman ang anak ng admin ng paaralang Ito!" Galit na sagot naman ni Zeke. Tsk. Kayabang. -.-


"So? Wala rin naman akong pake." Sagot naman ni Nixon at tinignan kami.


"Kayo naman. Magsipasok na kayo. Malapit ng magsimula ang klase." Sabi niya samin.


"K." Maikling tugon ko sakanya at umalis na kasama sila Tyler.


"Grabe! Antapang talaga ni Nixon! Akalain mong kayang sagot-sagutin ang anak ng admin?" Bilib na sabi naman ni Lindsey. -.-


"Tsk. Ano pang silbi ng pagiging SSG President niya?" Komento naman ni Maxima.


Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon