Chapter 8- The Little Boy

4K 76 0
                                    

Five minutes lang nakarating na ako sa ice cream parlor dito sa loob ng village namin, bago pa ko makapasok pinagbuksan na kuyang guard ngumiti ako rito at nagpasalamat, pagkapasok ko sa loob napatingin ako sa batang lalaki na hirap na hirap umupo sa upuan, lumapit ako sa bata at ako na ang nag-upo sakanya nagulat pa ito dahil sa biglaang pag-angat niya, ang cute.

"Thank you" huwow ang cute cute, ang sarap kuritin ng cheeks.

"Your welcome little boy, may kasama ka ba? Puwedeng dito nalang ako bibili lang ako ice cream?" he nodded

Lumapit na ko sa cashier na nakatingin rin sa bata na tinulungan ko "Ate isa nga pong Chocolate Mudslide" yieeh na inggit ako doon sa kinakaen ng bata eh it's a dark chocolate ice cream with swirls of heavenly marshmallow. Nang makuha ko na ang order ko, lumapit na ako sa bata.

He smiled at sino ba ko para hindi ngumiti sa cute na bata na to kaya ngumiti rin ako pabalik. Tumingin ulit siya sa ice cream, he looked sad. At doon ko lang napansin na wala pang bawas ang ice cream niya.

"Okay ka lang ba?" he looked at me "hindi mo pa kasi ginagalaw ang ice cream mo" he remain silent. Lumapit na ko sakanya.

"Hey! Smile, you know what your so cute" tumango ito, hindi man lang nagpakipot "ngiti kana" ngumiti ito pero hindi abot sa mata hindi tulad kanina "do you have a problem pwede mong sabihin saakin, don't worry hindi ko ipagkakalat" umiling ito. Umayos na ko ng upo sigurado hindi niya sasabihin saakin.

"My mom died a week ago" nagulat pa ako dahil sa pagsasalita nito kaya pala ganun nalang siya kalungkot "when my mom was alive we always here, it is her favorite ice cream" tinignan ko siya maiiyak na ito.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin ito saakin kitang-kita ko na sandali nalang iiyak na ito "let's go to the park" tumango ito, tumayo na ko at inaantay ko siyang tumayo pero nakatingin ito sa ice cream.

Tumingin ako sa cashier "Ate dadalin muna namin tong ice cream, babalik ko nalang ang lalagyan" pumayag naman ito kaya, kinuha ko na ang kamay ng bata at kinuha ang ice cream nya at ice cream ko.

Naglakad lang kami at iniwan ko na muna ang kotse ko sa store. Nakatingin lang ako sa bata hindi ito kumikibo, kaya hinayaan ko naang nakatingin lang siya sa ice cream niya. I see myself in him ganito rin ako when my mom died. Kung maari nga lang hindi na ko magsasalita dahil hindi ko kayang kumausap ng iba, kahit si Daddy hindi ko kinakausap.

Nandito na kami sa park "sa swing tayo" hinawakan ko ang kamay nya "upo kana, dito natin kainin ang ice cream ok lang ba?" tumango lang ito. I sighed naiintindihan ko naman siya, umupo ako sa swing at inilibot ang aking paningin, iilan nalang ang tao at puro magkarelasyon ang nakikita ko at mag-asawang tuwang tuwa habang pinapanood nila ang kanilang mga anak na nagslide.

I miss Mom "you know what" kita ko sa peripheral vision ko na tumingin ito saakin kaya tumingin rin ako sakanya at ngumiti "when my mom was still alive. We are always here, it's our favorite place" tumingin ako sa langit. Mom I know nakikita mo ako at itong batang ito. Nakita kong tumingin din siya sa langit, hanapin nyo ang Mom niya at sabihin nyong napaka swerte niya kasi may anak siyang napaka gwapo. I smiled

"When I was 4 years old when my Mom died because of Cervical Cancer, simula nung mamatay siya lagi rin ako nandito at walang kinakausap, I always cry because I remembered her, tulad mo lagi ko siyang naiisip" tumingin ako sa bata at hinawakan ang kamay niya.

 "Kainin mo na yang ice cream mo, as you said it's your mom favorite ice cream, so when you eat that smiled okay? because I know your Mom is sad because she see her little boy sad, gusto mo ba yun?" umiling ito nakita kong kumuha na ito ng ice cream napangiti ako ng makitang habang sinusubo niya ito ay umiiyak siya. Masyado pa siyang bata para maranasan ito.

Alam ko na ang sakit na dulot nito kaya ayoko mangyari sa iba ang nangyari sa akin pero sino ba naman ako, tao lang ako at hindi Diyos para diktahan ang bawat nangyayari sa buhay ng isang tao. Kumain na rin ako ng ice cream. Tumingin ulit ako sa bata kumakaen na ito habang nakangiti hindi tulad kanina.

"What's your name?" napatawa ako dahil punong puno ng chocolate ang gilid ng mga labi nito.

"Cloude Ezekiel Mendoza-Kym I'm 4 years old half filipino and half korean" Ah kaya pala ganun yung isa niya pang surname. I smiled ang cute niya kasi, kita ko na sa mga mata niya na ayaw niya malungkot ang kanyang Mommy kung nasaan man ito "how about you ate what's your name"

"My name is Scarlette Lilian Villarin" nag aalinlangan pa ko kung sasabihin ko ang Scoth oh hindi na, I decided na huwag nalang, mahirap sabihin ang apilydo na yun, masyadong famous eh "and I'm 22 years old, you can call me Ate" ngumiti ito

"Ate Lian, your so kind Ate Lian, can I hug you Ate?" I nodded ibinaba nito ang hawak na ice cream glass ganun rin ang ginawa ko.

I open my arms para mahug nya ko mabuti, he hug me. Napatawa ko dahil parang wala lang ako kayakap dahil sa medjo payat lang ito at hindi naman ganung katangkad.

He sniffed, kaya nataranta ako he's crying I gosh hindi ako ang may kasalanan kung bakit siya umiiyak "My dad is always drunk when he come home" hinagod ko ang kanyang likod "he always ignored me" I hug him tight. Ganitong-ganito rin ako dati gusto ko palaging umiyak. Naaawa ako sakanya. My tears fall naaalala ko ang nakaraan na lagi nalang nagpapa-alala sakin na kami nalang ni Dad ang magkasama at kahit kailan hindi ko na maakap at makaka-usap si Mommy dahil wala na siya.

Mga ilang minuto pa kaming ganun, hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang paghinga nito, siguradong natutulog na ito. Nilipat ko ang ulo niya sa kabilang braso ko at hindi nga ako nagkakamali natutulog na ito.

Binuhat ko siya pabalik ng ice cream parlor, mabigat man pero hinayaan ko nalang hindi ko naman siyang pwedeng iwan sa park mag-isa. Nakita ko na ang kotse ko hirap na hirap na kinuha ko ang susi sa bulsa ko, ang dami kong dala I pressed the key fob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kotse ko, inilapag ko si Cloude sa back seat. Kinuha ko ang ice cream glass sa hood ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng store. Lumapit ako sa cashier.

"Miss ito na yung glass, thank you" ngumiti ito

"Naku! Wala po yun Madam, thank you rin po" tatalikod na sana ko ng maisip ko si Cloude

"Miss about kay Cloude?" tumingin ito saakin na may pagkalito "Ahm! Sorry about sa bata kanina" nagbago ang mukha nito siguro naalala nya na "Nasa kotse ko kasi siya at natutulog, hindi ko alam kung saan siya nakatira" 

"Ah Madam kasi po hindi ko rin po alam kung saan nakatira yung bata, simula po kasi na lumipat sila sa village na to, lagi na po silang pumupunta ng Mommy at Daddy niya dito. Pero nung nakaraan linggo po nalaman ko nalang po na namatay yung Mommy niya kaya siya nalang po palagi ang pumupunta rito yung bata po" huminto ito at parang may tinitignan sa labas "pag sumapit na po ang 7 ng gabi pumupunta na po rito ang bata, ganung oras po kasi sila pumupunta dito, pero nung mamatay nga po yung Mommy ng bata hanggang sa magsara na po kami nandito pa rin po yung bata"

"Sino yung nagbabantay sakanya dito?" nakita kong bumuntong hininga siya.

"Yung Daddy niya po, kada oorder po yung bata hindi na po namin pinababayaran kasi binayaran na po ng Daddy niya, kaya hinahayaan po naming umorder ng umorder ang bata" I nodded hindi naman pala pinapabayaan si Cloude ng Daddy niya.

Lumabas na ako at pumasok sa kotse it's already 9:22PM, siguro naman puwede ko na muna siyang iuwi, masyado na ring gabi baka hinahanap na ko ni Chase. Ay yung phone ko, aruy juicecolored, naiwan ko paktay ako nito.



When I call you answer immediately

Paulit-ulit itong umiikot sa isip ko.





________________________

To be Continued...

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon