Chapter 26

2.8K 74 2
                                    

Pagkagaling ko sa company nila Chase dumeretso na ko pauwi, I think I need to rest for now, need ko rin makausap si Daddy kung ano ang nangyayari. Hindi ko man lang malaman kung bakit ganito ang nangyayari.



"Nay wag nyo na po gawin yan" parang nagulat pa ito ng makita ako. Naabutan ko kasi itong nagwawalis ng bahay



"Napaka aga mo namang umuwi hija" lumapit ako sa kanya at kinuha ang walis at dustpan na hawak nito. Tinabi ko ito sa gilid at hinawakan ang kamay nya



"Dapat po ay nagpapahinga nalang kayo Nay, wag nyo pong pagudin ang sarili nyo, siguro po ay sasabihin ko kay Chase na manguha na po kami ng kasambahay para naman po kahit papaano ay hindi na po kayo kumikilos dito sa bahay" ngumiti ito at umiling



"Andito naman ako hija kaya nandito ako ay para tulungan kayo at maging kasambahay nyo" hinawakan ko ang braso nito at sabay kaming pumunta ng kusina. Yung mga katulad ni Nanay ay dapaat hindi na nagtatrabaho



"Ilang beses ko po bang sasabihin Nay na hindi kayo kasamabahay sa bahay na ito" pinaupo ko sya at dumeretso sa ref, nagsalin ako ng tubig sa baso at inabot dito "pamilya po namin kayo ni Chase Nay kung tutuusin nga po ay kayo ang magulang namin sa bahay nato kaya wag nyo pong sasabihin na kasambahay lang kayo" kinuha ko ang phone ko I dialed Chase number. 




"Hija akoy mamalengke muna" tinignan ko si Nanay at binaba ang phone ko hindi kasi ito sinasagot ni Chase. Ngumiti ako dito tama dahil wala naman akong gagawin sa araw na to dapat ay samahan ko si Nanay sa pamamalengke para hindi na rin sya ganun mahirapan




"Magpapalit lang po ako Nay, sasamahan ko po kayo" umiling iling ito at kinuha na ang basket na gagamitin niya pamalengke. Ibig sabihin ayaw niya kong makasama sa pamamalengke nya



Kahit isang beses ay hindi pa ako nakakapunta sa palengke dahil ayaw ni Daddy, gusto ko rin naman makita ang palengke sa personal nadadaanan ko lang kasi ito pero hindi naman ako bumababa



"Dito kana lang hija mabilis lamang ako doon, ano pala ang gusto mong ulam para sa pananghalian?" tanong nito sa akin eh! gusto ko pa naman sumama pero si Nanay ay ayaw akong isama



"Kahit ano po Nay, gusto ko pa naman sumama para kahit papaano po ay makapunta ako doon, pero mag-iingat po kayo" tumango na ito at umalis siguro ay kailangan na rin namin ng driver para kung sakali na mamalengke o may pupuntahan si Nanay ay may kasama ito. Kaya I dialed Chase number again.



Ilang ring lang ay sinagot na rin nito "what do you want?" tanong nito sa nakakatamad na boses. Tss! Bwisit sya 

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon