Chapter 40

892 20 2
                                    

Weeks past and nandito nanaman ako sa bench ng hospital kung saan ako tumambay nung panahon na nahospital si Tita Stacey dahil kay Chase.



Mga panahon na hindi ko malilimutan habang buhay, dun ko narealized na pag may mahal ka na higit pa sa buhay mo, magkakaroon ka ng lakas ng loob para saktan ang damdamin ng babaeng hindi ka kinalimutan kahit kailan at ang babaeng tiniis ang lahat para sa anak nya.


Napapikit nalang ako dahil pag naiisip ko yung araw na yun nalulungkot ako dahil dun ko nakita na mas mahal ni Chase si Natalie kesa sa Mother nya, dahan dahan akong dumilat dahil nakarinig ako ng ambulansya, napatingin ako sa emergency.



Two days na kami dito because of what happened to Dad, lumabas lamang ako para makalanghap ng sariwang hangin ayoko kasi makita si Daddy sa ganun kalagayan, okay naman na raw ito pero gusto pa ng doctor nya na magstay pa sya dito para masure yung condition ni Daddy



Ang bilis ng panahon dahil bukas na ang party na gagawin para maipasa kay Chase ang pagiging CEO ng Empire Company and also me ipapakilala ako bilang COO pero parang ayoko sana pumunta dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Daddy at ayoko magkaroon ng gulo dahil sa iniisip ni Chase na gagawin pero dahil wala na kong choice at nangungulit si Daddy na dadalo ito dahil baka raw ito na ang huli na makikita nya pa ang lahat lahat



Ayoko marinig ang pamamaalam na sinasabi nya kaya wala na kong nagawa kundi sumang-ayon sa gusto nya dahil tama naman ito baka huli na talaga, napailing nalang ako mabigat pa rin sa dibdib pag iniisip ko iyun,  dahil ayoko rin mapagod ito wala na kong magagawa kundi ang pumunta rin kasama sya, mas magiging panatag rin kasi ako pag nakikita at katabi ko si Daddy, alam kong magiging safe ito kapag magkasama kami.



Pumikit ako at dinama ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking balat, two days na rin akong walang tulog kahit sabihin ng doctor ni Daddy na okay na ito at wala ng problema ay hindi pa rin mawala ang takot sa puso ko ayoko mangyari na natulog lang ako at pag gising ko wala na si Daddy, nadala na ko sa nangyari bago ito mahospital



Dahil hanggang ngayon ay sariwa pa sa ala-ala ko ang mga nangyari nung araw na yun


Nung panahon kasi na yun ay nagkakasiyahan ang aming pamilya kasama ang pamilya ni Chase dahil na rin sa unang taon namin ni Chase bilang mag-asawa, kung tutuusin ay nalimutan ko na ito dahil sa mga nangyayari kung dati ay excited at nasasabik ako sa first anniversary namin ngayon nalimutan at parang wala nang sabik sa aking puso sana ganun rin kadali ang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya at kahit sya alam ko at ramdam ko na wala naman syang pakielam doon ni hindi ko nga alam kung naalala nya eh 



Nung oras na yun ay sinuprise lang kami ng aming magulang kaya dun ko lamang naalala, nung nakita nga namin na may gaganapin na kasiyahan ay ayaw sana namin at gusto na namin ipatigil dahil hindi ko pa kayang makisalamuha kasama sya, at ngumiti na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa, pero wala na rin kaming nagawa dahil nakahanda na iyun ayoko naman makasakit ng damdamin ng mga taong malapit saakin kaya hinayaan ko nalang hindi naman ako tulad ni Chase na kayang saktan mga magulang nya

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon