Chapter 49

499 17 15
                                    

Pababa palang ako ng makarinig agad ako ng tawanan sa kusina. Napatingin ako sa labas ng makitang napakalakas ng buhos ng ulan. Tinignan ko ang oras it's already seven in the morning pero kung titingin ka sa labas ay akala mo mag gagabi na dahil sa sobrang dilim ng kalangitan dulot ng walang tigil na pag-ulan



Lumapit ako sa pinto papunta sa garden at isinara ito humahampas na ang mga glass dahil sa sobrang lakas ng hangin 




"Mommy" napatingin ako kay Faith na pababa na habang nag kukusot ng mata dali dali akong lumapit dito at binuhat nasa kalagitnaan palang ito ng hagdanan dahil tamad na tamad itong maglakad


"Why did you wake up so early Faith?" she hug me and sighed hinagod ko ang likod nito at dahan dahan na kong bumaba



"I can't sleep mom" hinagod hagod ko nalang ang likod nito pagkapasok palang namin ng kusina ay tumingin agad sa amin ang tatlong tao habang mga nakangiti




Nararamdaman ko na ang pagbigat ng hininga ni Faith pero nawala ng magsalita si Tita Stacey hindi ako sanay sa presence nilang mag asawa lalo nat pakiramdam ko ay hindi pa kami okay



"Good morning Lilian" lumapit ito saakin at sinilip si Faith "Good morning sweetie" kinuha ito saakin ni Tita agad agad naman itong sumama hindi man lang ako nakabati ng maayos



Tinignan ko si Daddy at lumapit para humalik, umupo ako katabi ni Daddy na kaharap si Tita na buhat buhat si Faith kahit bumabagyo na ay nagawa pa rin nilang magpunta dito ganyan ba sila kasabik sa apo pero kung tutuusin ay may anak na si Chase at Natalie na dapat nilang pag tuunan ng pansin 



Naramdaman ko ang paghawak ni Daddy sa kamay ko kaya tinignan ko ito umiling lamang ito at ngumiti, ngumiti nalamang ako pabalik kahit saglit palang kami nagkakasama ni Daddy ay alam na alam nya na ugali ko 



"Pasensya na hija kung sobrang aga namin itong mommy mo ay hindi makatulog kagabi nya pa gusto pumunta at makasama ang mga bata" humikab ito at tumingin sa dalawa "kung tutuusin ay hindi na ko nakatulog dahil ka da pipikit ako ay gagalaw ang Mommy mo at babanggitin ang pangalan ng mga bata" ngumiti lamang ako kay Tito na ngayon ay masayang nakatingin sa dalawa



Nakakapag taka sa sobrang tagal kong nawala ay iba na ang ugali ni Tito nakangiti na rin ito dati ay parehong pareho sila ni Chase na hindi mangiti ganun na pala talaga ako katagal nawala 5 years napakarami  ng nagbago


"Magandang umaga Lian" ngumiti ako kay Ate Linda at kinuha ang pagkain na dala-dala nito para kay Faith




"Ako na po, sumabay na rin po kayo saamin mag almusal" nahihiya itong umiling kaya nag tatakang lumapit ako dito at hinawakan ang kanyang pisnge para macheck kung masama ang pakiramdam nito



"Pasensya na Lian, okay lang ako pero si Erica kasi ay may sakit ngayon sumaglit lamang ako para mapaghanda kayo" si Erica ang kababatang kapatid ni Rio na naging kaibigan na rin ng kambal



"Okay lang ba na ako na ang magpakain kay Faith hija?" tinignan ko si Tita pero hindi ko ma explain kung bakit ganun ang kanyang mga mata dapat ay masaya sya dahil hawak nya na si Faith bakit malungkot pa ito


I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon