Chapter 33

3K 63 8
                                    


Lumabas ako sa kwarto kung saan andun si Tita, bibili muna siguro ako ng pagkaen. Napatingin ako sa bintana at hall way, wala ng tao masyado na rin kasing gabi at lahat ng pasyente at mga nagbabantay ay siguradong mga nagpapahinga.



Napatingin ako sa relo ko it's already 11:09 in the evening I think I need to eat and rest for a while. Paliko na sana ko ng makita kong parating ang doctor na kapatid ni Tita. Ngumiti ito saakin and I smiled back. 



"Here, eat this I know you're tired of what happened but I think you need to rest and talk to your husband" He handed me a coffee and burger.



"Thank you so much Doctor Carter" ngumiti lang ito at medjo inayos ang kanyang salamin.



"Sasabihin ko nalang kay Kuya na pinauwi na kita para makapagpahinga ka" pagtapos nitong magsalita ay dumeretso na sya kung saan ako galing. Napangiti nalang ako at nagderetso na patungo sa labas.



Siguro naman ay may makukuha pa kong taxi sa oras na to. Pagod na rin ako at medjo hindi na rin ako comportable sa aking suot. I sighed hindi ko alam kung anong aabutan ko sa bahay at hindi ko alam kung aabuta ko ba si Chase doon.



***************

Mag 12 midnight na nung makarating ako sa bahay buti nalang may mga mababait pang tao dinagdagan ko na rin ang binayad ko kay Manong sa kabutihan nya. Dapat ay uuwi na ito pero siguro nakita nya ko na wala na kong masakyan kaya sya na mismo ang nag approached sakin para isakay ako.



Tinignan ko ang hawak kong pagkaen hanggang ngayon ay wala itong bawas malameg na rin ang kapeng dala-dala ko. Napapikit nalang ako hindi ko alam kung bakit pero ang bigat bigat ng aking pakiramdam.



Tinignan ko ang bahay madilim na ito. Siguro ay tulog na rin si Nanay hindi ko na sya aabalahin pa kinuha ko ang susi sa pouch ko paglapit ko ay  hindi pala sarado ang pintuan. Nagtataka man ay pumasok pa rin ako sa loob.



Kita ko ang liwanag na nanggagaling sa kusina at sa lalaking nakadukdok sa tabi ng pintuan nito "Chase" I whispered.



Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi naman magulo ang buong buhay. I sighed nang makita na naparaming can ng beer "Chase are you okay?" tumingin ito sa akin at kahit medjo madilim kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.




"Let's go you need to rest" kinuha ko ang kamay nya pero inalis nya lang ang pagkakahawak ko at tumayo na. Pagewang gewang ito sa paglalakad gusto ko man syang alalayan alam kong hindi siya papayag. Pumasok nalang ako sa loob ng kusina at kumuha sa kabinet ng garbage bag. Lilinisin ko muna siguro ang mga nagkalat na beer.

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon