Chapter 34

2.8K 63 13
                                    


One week passed and ngayon ang araw ng labas ni Tita sa ospital. Napatingin ako rito ng tawagin nya si Tito habang nakanguso. I smiled ng lumapit sakanya ang kanyang asawa na kumakamot ng ulo. 



"I want ice cream hon" sabi ng ginang. Umalis si Tito ng nakabusangot simula kasi ng nagising si Tita ay lagi na itong nanghihinge ng kung ano-ano at minsan ay hindi naman nya kinakaen para syang naglilihi. Napailing nalang ako sa naiisip ko, mukang hindi si Caden ang bunso. I giggled  kaya napatingin saakin si Tita.



"Here po Mom" abot ko sakanya ng apple na pinabalat nya nagcrave daw kasi sya dito. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa napangiti nalang ako dahil bumalik na ito sa dati nitong sigla, okay na rin sya at hilom na rin ang mga sugat na natamo nya sa nangyari. Nakaready na rin syang umuwi ang totoo ay nung nakaraan nya pang gustong umuwi pero hindi pumayag si Dr. Carter at si  Tito at dahil dun lahat ng gustuhin ni Tita ay kailangan bilin o gawin ni Tito. Dahil kung hindi ay magwawala ulit ito at pipilitin na umuwi.



Umupo ako sa sofa na kaharap nya tumingin ito saakin ng nakangiti "Your necklace is beautiful bagay sayo, you look more gorgeous with that" napahawak ako dito at naalala ko si Caden. Nalungkot ako bigla ng maalala ko nung umalis ito ay hindi nya alam ang nangyari sa kanyang ina hanggang ngayon na lalabas na ito, dapat ba ay sabihin ko kay Tita na umuwi ang kanyang bunsong anak at gusto syang makita at maakap "Lilian anak, what's wrong?" umiling ako at tumayo para abutan pa sya ng isa pang apple.



"Mas okay na po ba ang pakiramdam nyo ngayon Mom?" tumango naman ito at tinignan ulit akong mabuti ni Tita pero hindi na tulad kanina dahil iba na ang expression ng mukha nito, nailang naman ako bigla kaya tumingin nalang ako sa pintuan.



"Kamusta kayo ni Zachary, inaway ka rin ba nya because of what happened" tumingin ako rito at umiling I smiled para malaman nyang okay kami ni Chase.



Simula kasi nung araw na hinatid ako ni Caden sa company nakita ko agad sya sa lobby nun na nagmamadali and iyun na rin ang huling kita ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung nasaang lupalop ba sya ngayon. Naaalala ko tuloy yung gabing pinaghirapan ko para reviewhin lahat ng papers na binigay nya and the worst thing buong araw ako naghintay sa kanya para madiscuss lang pero walang Chase Zachary na nagpakita.



Dahil one week na rin ang lumipas inayos ko nalang lahat ng iniwan nya saakin. Kaya heto ako ngayon naaalagaan at nababantayan ko si Tita ng maayos. And nagprisinta na rin si Charles na sya muna rin ang bahala sa company ni Chase alam nya na rin na nasa hospital si Tita kaya siguro ay ganun siya sa akin.



Nakailang beses ko rin syang kinulit para sabihin saakin kung nasaan si Chase. Pero laging ngiti at lagi nyang sinasabi na hindi nya alam. At kahit alam nya raw hindi nya sasabihin saakin, masyado ko lang raw miss si Chase kaya lagi ko itong hinahanap.



"Isang linggo ko na rin po siyang hindi nakikita at nakakausap mas okay na rin po siguro yun nang hindi po kami mag-away" tumingin ito nang may pagtataka kaya tumayo ako at lumapit sakanya "bakit po Mom may problema po ba?" she sighed at parang may inaalala.

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon