Chapter 18- Part II (Past)

3.6K 86 11
                                    

"What happened?" tumingin ito sa akin. Kakaalis lang ni Nanay Helen at dinalan niya kami ng pagkaen dito mukha mahaba-haba pa ang kwentuhan namin.

"Bakit Chase?" kumunot lang ang noo nito "ano nanaman Chase?"

"What did you say to Nanay?" umiling ako "don't fool me Lil"

"Wala naman talaga may tinanong lang ako girls talk" kumuha lang ito ng tinapay "nasan na pala ulit tayo?"

"Nasa San Isidro" at kumagat siya sa tinapay.

"Chase hindi naman iyun, yung pinag uusapan natin bago dumating si Nanay" nagtaas baba lang ito ng balikat "kwento kana dali" kumuha rin ako ng sandwich at lumapit sakanya "tagalog lang ulit ah" bulong ko sa kanya.

"My brother died because of me" tumigil ito at uminom "car accident, I admit that's my fault" ininom niya lahat ang laman ng baso sa isang inuman lang "so don't worry it is not your fault"

"Chase bakit?" ngumiti lang ito at yumuko.

"Kasalana ko, THIS IS ALL MY FAULT, MY FAULT, MY FAULT, F*CK" tumayo na ako at inakap siya.

"Chase tama na please, tama na, hindi mo naman kasalanan yun" umiling-iling lang ito pero ramdam kong basa na ang braso ko, Chase I'm sorry.

Napapikit nalang ako, dahil bumabalik sa isipan ko kung gaano sabunutan ni Chase ang sarili nya, ayoko siyang nakikitang nasasaktan at sumisigaw, nasasaktan ako, nasasaktan ako, hindi ko alam kung bakit? Pero sobrang sakit nung makita ko ang mukha niya kanina, naninikip ang dibdib ko.

"F*CK THIS LIFE" hinagod-hagod ko ang likod niya, dahil mura siya ng mura.

"Chase stop okay! stop!" tumigil ito at lumayo saakin kaya tumayo ako pero hindi pa ako nakaka-upo ng hatakin niya ako palapit sakanya at sumubsob siya sa tiyan ko.

"Kung hindi ko pinilit si kuya na turuan ako magdrive hindi mangyayari yun" hinawakan ko ang buhok niya at dahan-dahang sinuklay ng mga daliri ko "napakasakit, masakit isipin na ng dahil saakin namatay ang taong napakahalaga sa akin"

I remain silent gusto kong ilabas niya ang nararamdaman niya, siguradong matagal na niya ito kinikimkim.

"Pinilit ko siya kahit ayaw niya, kung sana hindi ko na sya pinilit sana kasama ko pa siya, masaya kami ngayon sa mga buhay namin, masaya kami kasama yung mga taong mahal namin, pero sabi nga nasa huli ang pagsisisi"

"Sana masaya sya kasama ka" pinilit kong tignan ang picture ni Matthew.

Matt dahil sa pagkawala mo, sobrang nasaktan ang kapatid mo alam ko naririnig mo sya kung paano nya sisihin ang sarili nya dahil sa pagkamatay mo. Matt please tulungan mo sya hupain mo yung nararamdaman niyang lungkot at pagsisisi alam ko simula nung mawala ka hanggang ngayon dala-dala nya pa rin ang bigat ng pagkawala mo.

"Since nung mawala sya sa buhay ko, sa buhay namin" huminto siya at lalo akong inakap "hindi na ko kina-usap ni Dad, lagi niyang sinisisi saakin ang pagkawala ni kuya, alam ko naman yun na ako ang may kasalanan pero palagi nalang pinamumukha sakin ni Dad na nawala ang isa niyang anak dahil pinatay siya ng sarili niyang kapatid"

"Sobrang sakit, doon ako nagsisisi na bakit hindi ako ang namatay, kasalanan ko naman eh, dapat ako nalang hindi si kuya na walang ginawa kung hindi ang sundin lahat ng gusto ko. Iniisip ko nga kung ako ba yung namatay ganun din kali siya..silaa?" umiling ito "buhay nga ako ganun na sila saakin paano pa kali kung mamatay ako siguro masaya pa sila"

"Chase huwag mo sabihin yan, anak ka pa rin nila" tumawa ito

"Hindi ko nararamdaman Lil" huminto ito saglit pero nakayakap pa rin siya.

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon