Chapter 9

3.9K 81 1
                                    


Nung makarating kami sa bahay, tinignan ko agad ang kotse nya, nakahinga ako ng maluwag jusme akala ko katapusan ko na. Naku buti nalang wala siya dito. Nasan naman kali sila ng girlfriend niyang bruha? Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.


Binuksan ko ang pintuan ng backseat at dahan-dahang kinuha si Cloude, buti nalang wala dito si Chase baka hindi pumayag na dito to matulog, pero sabi niya pwede naman ako magdala ng lalaki dito diba, sasabihin ko nalang na boyfriend ko to, pero hindi napaka child abuse ko naman ata niyun baka ipakulong pa ko nun ah!


Pagkapasok namin sa loob, patay na ang ilaw pero yung ilaw sa kitchen ay bukas pa, nakakapagtaka man pero binalewala ko nalang, nasa pangatlong hagdanan na ko ng makarinig ako ng kaluskos sa kusina napahawak ako mabuti kay Cloude , juicecolored takot pa naman ako sa mga multo, wag nyo naman ako takutin wala pa naman si Chase.


Hahakbang na sana ko ng makarinig ulit ako ng kaluskos at mga yabag ng paa, aruu jusko pinasok na ata kami ng magnanakaw. Dahan-dahan ako bumaba sa hagdan takot man ako pero kaya ko to dahan-dahan ako humahakbang palapit sa kusina, patay ba ang aircon nitong bahay pawis na pawis na ko. Buti hindi nagigising si Cloude. 


Dahan-dahan lang nang makarating ako sa pintuan ng kusina, onti-onti ko itong binuksan. Ay walang tao, ano ba yan pumasok pa ko sa loob ganun pa rin naman ang ayos, walang nawala, pumunta ko sa ref dahil masyado kong kinabahan doon, nanuyo ang lalamunan ko.


Refreshing gosh! Sarap ng tubig, nabibigatan na ko kay Cloude "SINO KAYO? MAGNANAKAW JUSME CHASE! CHASE! CHASE! ASAN KANA BA? TULUNGAN MO KO" 


"Naku ija pasensya kana, hindi ako magnanakaw" hinawakan ako nito sa braso ko, kaya napadilat ako "katulong ako dito, pasensya kana umihi kasi ako, pasensya kana talaga" I nodded masyado akong natakot. Naramdaman kong gumagalaw si Cloude nagising ata ito sa pag sigaw ko kanina, kaya hinele ko siya para makatulog ulit.


"Pasensya na rin po kayo, hindi ko po kasi alam na may kinuhang katulong si Chase. Pasensya na po talaga" she smiled a genuine smile at tumingin kay Cloude.


"Napaka gwapong bata, ikaw ba ang asawa at ito na ba ang anak nyo ni Zachary ija?" I shooked kita kong nawala ang mga ngiti niya.


"Pero ako po yung asawa, eto po si Cloude hindi po namin anak" tumingin siya sa akin, narinig kong umiingit si Cloude "Sorry po, pero akyat ko na po ang bata nahihirapan na po siguro siya sa pwesto niya" she nodded at dahan-dahan na kong lumakad pero bago pa ako makalabas tumingin ulit ako sa matandang babae, I mouthed Sorry, ngumiti ito at tumango.



PAGKARATING ko sa kwarto hiniga ko na si Cloude inayos at tinaggal ko na ang sapatos nito, kinuha ko ang laptop ko pagkabukas ko palang nito puro misscall at messages galing kay Caden sa Skype, hindi ko muna binuksan ang mga message nya, masyado akong pagod ngayon hindi ko na sya kayang kausapin, tinabi ko ang laptop at nagderetso na sa banyo, ginawa ko na ang lagi kong ginagawa bago matulog. 


Hihiga na sana ko ng mapatingin ako kay Cloude I smiled at lumapit ako sakanya I hug him "malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na darating sa buhay mo, andito lang si ate" I kissed him on his cheeks "goodnight Cloude" and I closed my eyes.

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon