Chapter 35

2.8K 66 10
                                    


One year passed napakabilis ng panahon 2 weeks from now one year na kaming naglolokohan ni Chase. I smiled dahil hindi na ito ganun katulad ng dati nung una ay nakakapanibago pero dahil matagal na rin ay nasanay na ako.



Hindi na sya yung Chase na masungit at busangot pagmagksama o nakikita nya ko, nagbago ang lahat ng nagkaayos sila ni Tita. Siguro ay thankful lang ito ng dahil kasi saakin ay nagkausap sila ng masinsinan ng kanyang ina nagkapatawaran at ngayon wala na silang problema. Ang kay Tito nalang ngayon dahil hindi nagbago ang pakikitungo ni Chase sa Daddy nya gusto ko man sabihin sakanya na nagsisisi si tito sa nagawa nyang pagsisisi dito pero alam ko na hindi ito papakinggan ni Chase at baka mag-away lang kami.



Okay na rin ang kalagayan ni Tita ngayon, napakasigla at mas naging masaya sya ngayon, tatlong lalaki nalang ang natitira sa kanya kaya siguro ay ayaw na ayaw nya na nagkakaproblema ang kanilang pamilya. Nakakatuwa rin dahil naging mas maingat si Tito at Chase kay Tita kaya tulad nung panahon na nahospital sya hanggang ngayon ay sunud-sunuran si Tito sa lahat ng gusto ni Tita.



And simula nung bumalik si Caden sa New Zealand hindi na ito umuwi sa Skype ko nalang ito nakikita at nakakausap sa isang taon na yun ay nagbago nanaman ito dahil minsan nalang sya tumawag at mangamusta. Ganun rin sya sa family nya minsan nga ay tinatanong nalang sakin ni Tita kung nakakausap ko si Caden dahil hindi na nga ito tumatawag. Nalulungkot man ako pero iniisip ko nalang na siguro ay busy lang ito at maraming ginagawa.



Si Natalie naman ganun pa rin sila pa rin ni Chase, minsan sa bahay namin sya natutulog syempre katabi si Chase edi kung saakin yun tumabi baka magkaroon na ng World War III. Jusme kasi hanggang ngayon ay todo ang irap nito sa akin pero hindi na sya tulad ng dati na maiinis ka nalang sa mga pinagsasabi and ang nakakatuwa ay pag nagsungit sya saakin nagagalit si Chase and magwawalk out nalang ito. Pero alam ko naman kahit ganun si Chase sa kanya magtampo man ito ay susuyuin nya pa rin.



Si Chase napakasaya ko, sobra saya ko sa isang taon na okay kami minsan nagkakainisan pero sa bandang huli ay aamuin ako nito. Tingin ko nga ay tumaba na ko dahil lagi itong nag-aaya magdinner at lagi akong may pasalubong na mga favorite ko like chocolate cake, strawberries at iba pa. Pakiramdam ko nga totoong asawa ko na sya sa pinaramdam nya saakin sa buong taon. At masisisi nyo ba ko kung sabihin kong mahal ko na sya ngayon at takot na akong mawala sya saakin kahit alam kong panandalian lang ito gusto ko parin maranasan na mahalin ng isang Chase Zachary Scoth, nung una ay pinipigilan ko naman talaga dahil ayoko sa bandang huli ay magsisisi ako pero sobra ang pagmamahal nya napakasarap sa feeling, ibang iba na ang kasama kong Chase. Hindi ko ma explain pero napakasarap at napakagaan sa pakiramdam. 



Ako naman 3 months na akong nandito lang sa bahay. Pinatigil na ako magtrabaho ni Tita baka raw kasi kaya hindi ako nabubuntis ay dahil masyado akong napapagod sa trabaho. Pero ang totoo ay hanggang ngayon walang nangyayari saamin ni Chase. Minsan nga naiisip ko anakan nalang kaya ako ni Chase para hindi na kami maghiwalay okay lang naman siguro yun dahil mag-asawa kami pero, ayoko maging unfair sa kanya. Okay naman na kami at iyun ang mas mahalaga saakin kahit minsan nasa isip ko na magsiping na kami. Pagnaiisip ko yun ay natatawa nalang ako masyado kasi syang yummy hindi ko mapigilan.


Si Daddy, si daddy ang inaalala ko hindi ko na ito nakakausap at hindi na rin ito nagpaparamdam sakin, gustuhin ko man syang makausap pero lagi ang secretary nya ang nakakausap ko. Nakakainis man pero mas inaalala ko si Daddy gustong gusto ko sya makausap at gusto kong malaman mismo sa kanya na okay sya dahil lagi sinasabi ng secreatry nya na okay lang ito at busy lang talaga sa trabaho. Pero hindi ganun si Daddy dahil hindi nya kong kayang tiisin isang taon ko syang hindi man lang nakikita oh nakakausap sobra kong nag-aalala ayoko man mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasan.


I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon