"Chase!" pumasok ako sa kwarto nya pero wala sya, hindi ko naman napansin na lumabas sya.
Ang aga ko pa naman magising para sabay kaming mag-almusal sayang naman niluto ko. Pababa na ko ng hagdanan ng makita ko si Niel na papasok ng kusina.
"Niel! Niel!" huminto ito at tumingin saakin.
"Is there something wrong?" umiling ako at lumapit sakanya.
"Hinahanap ko kasi si Chase alam mo ba kung nasan sya?" he nodded sabay turo sa labas.
"Ah nasa labas sya, thank you" lalabas na sana ko ng magsalita sya.
"Hindi, umalis sila" umalis? Hindi man lang nya sinabi na aalis sya.
"Sino kasama nya? Si Nanay ba?" umiling ito. At doon ko nakita si Nanay Helen na papasok sa loob, sinong kasama ni Chase.
"Si Claire ang kasama nya, don't worry hindi lang naman sila dalawa kasama din si Tricia" ganun, tumango nalang ako at nauna nang pumasok sa kusina.
"Niluto mo to?" tumango ulit ako bigla nalang ako nawalan ng gana.
"Pa-almusal ah sakto pala, kaya papunta na ko rito kanina para maki meryenda eh" ngumiti nalang ako.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang nangunguha siya ng plato na gagamitin nya.
"Here, let's eat sasabayan na lang kita"
"Thank you" nanguha na siya ng pagkaen, para syang balew kumaen. Npakagat labi nalang ako dahil sunud-sunod na ang subo nito akala mo mauubusan na sya.
"Ah! Niel dahan-dahan lang" tumayo ako at nanguha ng tubig at strawberry yogurt.
"Eto oh tubig, maghinay-hinay ka lang naman" tumango lang ito.
ILANG MINUTO rin ng matapos na siyang kumaen, naka tingin lang ako sakanya para syang PG (patay gutom).
"Tara?" tumingin ako sakanya ng may pagtataka "alis tayo igagala kita, huwag kang mag-alala dito lang tayo sa hacienda" tumango nalang ako kesa nandito ako at mag-isa.
Nilahad niya sa akin ang kaliwang kamay nya, ngumiti muna ko bago ko ito tinggap. Sabay kami lumabas.
"Nanay?" tawag ko kay nanay helen ng makita ko itong may dala-dalang dahon ng saging.
"Oh hija" sinundan ko yung tinitignan nya at nakatingin siya sa kamay namin ni Niel, kaya walang pag aatubiling hinatak ko ang kamay ko.
"Ah ano Nanay, igagala raw po ako ni Niel, pasabi nalang po kay Chase na umalis po ako" ngumiti ito at tumango.
"Nataniel ingatan mo yan" Niel nodded para syang aso na walang tigil sa pag tango.
"Una na po kami Nay, salamat po" hinatak ko na si Niel.
ILANG SAGLIT LANG nang may maaninag ako na kabayo malapit sa puno ng mangga. Tumakbo ako para makita ito ng mas malapitan pa.
"Wow!" naramdaman kong katabi ko na si Niel.
"Her name is Alisha" ngumiti ito pero bakit ganun ang lungkot nya "regalo ng Daddy ko nung nag birthday ako 7 years old, before sila mawala ni Mommy" Niel hinawakan ko ang kamay nya.
"Baka makita tayo ni Zachary niyan" tumawa ito pero hinampas ko lang sya sa braso.
"Samantalang kanina ikaw yung nakahawak sa kamay ko, tapos ngayon may nalalaman ka pang ganyan" tinalikuran ko sya "OA mo" sabay irap kahit nakatalikod ako sa kanya, dahan-dahan na rin akong naglakad palayo sa kaniya, narinig ko pa syang tumawa "TADO KA!" sigaw ko rito pero lalo lang lumakas ang tawa nya. Kahit medjo malayo na ko dinig ko pa rin tawa nya. Ano bang nakakatawa dun.
BINABASA MO ANG
I'm Only his Secret Wife (Slow Update)
RomanceThe man forced to marry the woman he did not love because of his inheritance. "No matter what has happened. No matter what you've done. No matter what you will do. I don't love you." - Chase Zachary Scoth ang lalaking pilit lumalayo sa babaeng patul...