"Sir?" - tinignan ko si Chase dahil parang wala lang tong ginagawa hindi man lang ilayo saakin itong tatay ni Cloude.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagluwag ng yakap nito, pero hindi pa rin siya lumalayo sa akin. Bakit pakiramdam ko nababasa yung braso ko, Is he crying? Dahil naka offshoulder ako nararamdaman ko ang pag basa nito.
"Sir is there something wrong?" lumayo na ito at tumalikod, tumingin ako kay Chase nagkibit-balikat lang ito.
"I'm sorry for what happened, I just remembered something" tumingin ito sa akin at ngumiti, I smiled, ngayon tama nga ang hinala ko umiiyak siya, Anthonette ba ang name ng asawa nya at nakita nya ito sa akin.
"It's nothing, sorry rin po kung hindi ko naiuwi si Cloude kagabi, dahil po siguro sa pagod ng bata nakatulog na ito" umiling lang ito.
"Thank you for taking care of my son, bro?" tumingin ito kay Chase "I'm sorry" tumango lang si Chase bilang sagot at nagtuloy-tuloy na ito palabas, napanguso na lang ako parang wala siyang kasama, basta nya nalang ako iniwan dito.
Napatingin ako sa taong tumikhim "Ay, naku sorry po" nag peace sign nalang ako. Aalis na sana ko ng maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko.
"Sorry for what happened and thank you" ngumiti ako sakanya.
"No worries po, next time po sana pupunta-puntahan ko na si Cloude dito, if okay lang po? nakita kong lumungkot ang mukha nito, may nasabi ba akong mali?
"Aalis na kami, we need to move on dapat itatak na namin na hindi na siya babalik kahit kailan, mahirap man para sa amin pero kailangan, nasanay na kami nandito ang asawa ko, kaya hirap kami ni Clou na kaming dalawa na lang" he smiled pero hindi ito umabot sa mga mata nya, napatitig ako duon, napaka gandang mata.
Nagulat ako ng bigla nalang bumusina si Chase ng sunud-sunod, inulit nanaman ang ginawa niya kanina. Tumingin ako sa tatay ni Cloude "We need to go Mr. Kym" nag bow ako at patakbo ng umalis sa mansyon ng mga Kym.
Pumasok ako sa kotse na hini-hingal, tumingin ako kay Chase ng masama "What?" nakakabwisit sya buti natagalan sya ni Natalie na ganyan sya jusme! Inirapan ko nalang siya.
"Ilang oras ang biyahe?" tanong ko, para maready ko ang laway ko siguradong aamagin to, bakit kasi dito pa ko pina-upo edi sana kausap ko si Manang.
Hindi ako sinagot ni Chase at nakatuon lang ang tingin nito sa daan, kung nakakapatay lang ang tingin kanina pa sigurado patay tong damuho na to, sobra na sya, bipolar bwisit!
"Hija anim na oras, pero dahil iba ang sasakyan ang dala ni Zachary" hindi pa man tapos magsalita si Manang sumabat na agad.
"4 hours is enough" kanina tinatanong ko hindi sumasagot, ngayon naman nagsasalita si Manang dun sumabat, alang galang.
Inirapan ko nalang sya, apat na oras akong ngangabels dito, ito naman kasing katabi kong to, hindi nakakausap ng maayos. Napailing nalang ako, nakapag-asawa ko ng may bipolar.
DALAWANG oras na simula nung umalis kami may dalawang oras pa ko na magiging tahimik, nagugutom na ako. Gusto ko man kumain ayoko naman gisingin si Manang para ikuha ako ng pagkaen, tumingin ako kay Chase nagdadrive ito pero naka kunot ang noo. I sighed, gutom na talaga ako.
"What's wrong Lil?" tumingin ako kay Chase na nakasimangot, nakita kong tumingin siya saakin saglit pero binalik rin ang tingin sa daan.
"I'm hungry Chase" he sighed, huminto ang sasakyan nakita kong bumaba ito, sinundan ko nalang siya ng tingin, I smiled.
"Thank you" sabi ko pagkakuha ko sa binibigay ni Chase, it's my favorite spaghetti, chicken at hotdog. Hinid naman ito ang dala ni Manang sa basket nya dahil nakita ko kanina na puro rice, ulam, bread saka softdrinks ang nandun.
BINABASA MO ANG
I'm Only his Secret Wife (Slow Update)
RomanceThe man forced to marry the woman he did not love because of his inheritance. "No matter what has happened. No matter what you've done. No matter what you will do. I don't love you." - Chase Zachary Scoth ang lalaking pilit lumalayo sa babaeng patul...