Chapter 38

3K 55 10
                                    

Hindi pa man kami nakakarating sa bahay ay malayo palang natatanaw ko na si Tita and Tito sa harap ng gate ng bahay namin ni Chase. Nakakatuwang isipin na may mga tao pa rin na kahit hindi mo kaano-ano ay napakabuti at nagmamalasakit pa rin sa amin.



I looked at Dad at ganun nalang ang ngiti nito habang nakatingin sa magulang ni Chase, tulad ko matagal rin nilang hinihintay si Dad dahil wala rin silang balita dito, siguradong nasabi na ni Chase ang kalagayan ni Daddy sa mga ito.



Pagkababa palang namin ay agad na yumakap si Tita kay Daddy napangiti nalang ako dahil ganun nalang sila kaclose, lumapit ako kay Tito at humalik sa kanyang pisnge nagulat nalang ako ng inakap rin ako nito and he whispered na magiging okay rin ang lahat.



"So what happened to you kumpadre? Looks like you're too busy that's why you forgot to eat" natatawang biro ni Tito, kita ko naman ang biglaang pagtakip ni tita kay tito pero hindi naman sya pinansin



"Masyado nga kong naging busy at hindi na nakakaramdam ng gutom pero wag kang maingay kumpadre dahil nagdidiet lang ako" pagsakay ni Daddy sa biro ni Tito nagderetso ako sa kusina kukuha muna siguro ko ng makakaen nila lalo ni Daddy dahil siguradong napagod ito sa biyahe



Kinalabit ko si Rio dahil tahimik lang ito, tinuro ko ang kusina at ngumiti sa kanya siguro ay naiintindihan nya kaya tumayo na siya at sabay na kaming nagtungo sa kusina. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay amoy na amoy ko na ang mabangong niluluto nito, amoy palang ay alam mo ng masarap itong nilulutong ulam ni Nanay mukang hindi ko na kailangan magluto dahil naunahan na ko nito.



Pagkapasok ko sa loob tama nga ako na ang mabangong amoy na yun ay galing sa niluluto ni Nanay, nakatalikod ito kaya siguro hindi nya naramdaman ang pag pasok namin ni Rio, ngumiti ako at dahang dahang lumapit dali-dali ko syang inakap dahil sa tagal na rin namin magkasama parang sya na ang naging magulang ko sa isang taon na lumipas napakarami na naming naging memories na akala mo ay totoong tunay nya kong anak, naramdaman kong nagulat pa ito pero bandang huli ay hinawakan na rin ang kamay kong nasa tiyan nya.



"Ikaw talagang bata ka" umalis ako sa pagkakayakap kaya humarap na ito sa akin "kamusta? nakatulog ka ba ng maayos?" lungkot na sabi nito at hinawakan ang aking pisnge ngumiti lang ako at tumango, 2days rin kaming nawala sa bahay.



"Okay lang po ako Nanay, at pipilitin ko pong mas maging okay pa" tumingin lang kami sa pintuan ng kusina ng marinig namin ang paghikab ni Chase narinig kong tumawa ng mahina si Nanay kaya napatingin ako dito at kita ko nalang ang pag iling nito, tinignan ko si Chase at ang pagsubsob nito sa lamesa pagod na ito pero hindi ko man lang sya narinig na dumaing.



Nanguha ako ng tubig at nilapitan sya, sasamahan ko muna siguro ito at hahayaan ko muna sigurong makipag-usap si Dad kila Tita dahil alam kong pag pinilit ko lang syang patulugin ay maiinis lang ito dahil ang sabi nya ay malakas sya at wag isipin na manghihina sya dahil lang sa sakit nya

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon