Chapter 31

3.3K 77 11
                                    

Pagdating namin sa bahay ng mga Scoth mga maids ang nakita kong nag aabang sa amin. Gising na rin naman si Tita pero hindi ito nagsasalita. Nung tumingin ito sa akin ngumiti sya at sumandal sa mga balikat ko.



"Can you sleep with me Lilian?" tinignan ko ito akala ko ay nagbibiro lang pero hindi "when I have a problem Liliana is always with me, she's always at my side at hindi sya aalis hanggat hindi ako nagiging okay" she sighed tumigil na rin ang sasakyan nauna kong lumabas at pinagbuksan si Tita.



"Let's go inside Mommy" hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob "Nasan po si Dad? Mom" umiling lang ito at nagderetso na kami pataas kung saan nandoon ang kwarto nya. 



Pero imbis na sa kwarto nila kami pumunta ay sa ibang kwarto. Dahil na rin may pangalan ang kwarto ay nalaman ko na iyun ang kwarto nila. Nadaanan na rin namin ang kwarto ni Chase, ni Caden at kwarto ni Matthew.



Nakakalungkot siguro dito, kung dati completo sila at masa-saya ngayon kasi ay ang bawat anak nila ay may kanya-kanya ng buhay, wala na rin si Matt. Tinignan ko si Tita malungkot pa rin ito ako rin naman malulungkot kung sa malaking bahay na ito silang dalawa nalang na mag-asawa ang nandito.



Huminto kami sa harap ng pink and violet na pintuan hati ito ng kulay napagandang pagmasdan nakakagaan ng pakiramdam I love color pink "Come here Lian, this room is for me and your mom Liliana" I looked at Tita sa sinabi nya dahil nga bata palang ako nung nawala si Mommy sa amin ni Dad hindi ko man nalaman kung ano ang mga favorite nyang kulay.



Pagpasok namin sa loob bigla nalang ako naluha puro picture nila Tita at Mommy "hija I know you miss your Mom, I miss her too" binuka nya ang kanyang mga braso at hindi na ko nahiya na yakapin si Tita "I always remember your Mom with you, lahat ng katangian mo ay nakuha mo sa Mommy at Daddy mo and I'm thankful of that" hinagod nya ang likod ko.



Dahan dahan akong kumalas kay Tita at ngumiti. Napakabait nya kaya pala ganun nalang sya kamahal ni Chase kahit pinilit syang ipakasal sakin nila Tita "close na close po pala kayo ni Mommy nakakatuwa pong malaman na kahit sobrang tagal na pong wala ni Mommy pero nanjan po kayo at patuloy syang inaalala" ngumiti ito sa akin at kinuha ang isang photo album.



Binuksan nya ito at napangiti ako ng makita ko si Dad at si Mom na mga dalaga at binata pa "Second year high school kami ng magkakilala kami ni Scarlo, Liliana at Ako" nilipat nya ang page "nagkagusto ako sa father mo mapapansin mo naman na sobrang gwapo nya diba?" tumango tango ako totoo naman na sobrang gwapo ni Daddy nung kabataan nya hanggang ngayon naman.



"Naging magkaklase kami kaya lagi kaming magkakasamang tatlo, dahil sa groupings nabuo ang pagkakaibigan namin. I don't forget when your father approached me and he said she like Liliana, on the first place I think he love me but I'm wrong" Tita Stacey smiled "naging tulay pa ko sa pagmamahalan ng mga magulang mo Lian, you know what napapangiti nalang ako pag naaalala ko yung mga panahon na yun, kung hindi rin dahil kay Scarlo hindi ko makikilala si Zachary" nilipat nya ulit ang page yung mother ni Natalie.



"Mom? Kilala nyo rin po si Mrs. Carter?" she nodded



"She's Zachary bestfriend" she sighed "nung pinakilala ni Scarlo si Zachary saamin dun rin namin nakilala si Cynthia dahil sa lagi silang magkasama ni Zachary at nagiging malapit na rin kami sa kanila, naging magkakaibigan kami, sobrang saya iyun ang nararamdaman namin" she stopped at bigla nalang syang nalungkot dahan dahan niyang binuksan ang isa pang page. 



Picture ni Tito Zachary na naka akbay kay Tita Stacey at si Cynthia yung mother ni Natalie nakahawak lang ito kay Tito Zachary masaya silang tatlo "Kayo na po ni Daddy Zachary dito Mom?" umiling ito 



"Looked at this picture Lian that day your mother say yes to your father, kaya ganyan sila sobrang saya nila, kami kasi ni Zachary ang naghanda ng lahat para mapasagot ang mommy mo alam mo bang napakapihikan ng mommy mo" hinawakan ko ang picture ni Mommy napakaganda nya.



Sinara ni Tita yung photo album kaya napatingin ako sa kanya, nakapikit na ito "Nasira ang friendship namin ni Cynthia nung sinagot ko si Zachary, we didn't know that Cynthia loves Zachary" humiga ito at hinatak ako "Ganito kami ni Liliana" ngumiti nalang ako at umayos ng higa naka dress kasi ako eh.



"Nung nalaman nya yun, nagalit samin, lalong lalo na saakin kada makikita nya kami ni Zachary lagi nya sinisigaw ang salitang mang-aagaw. One time nga gusto ko na makipaghiwalay kay Zachary dahil sa ginawa sa akin ni Cynthia, pinahiya nya ko sa lahat ng students even sa teacher isinigaw nyang pokpok ako at gold digger" nagflashback lahat saakin ang sinabi ni Tita kanina kaya ba ganun ang sinabi nya kay Mrs. Carter.



"Yung kanina I didn't want to hurt her ayoko naman sabihin sa kanya yun eh, kahit ginawa sa akin ni Cynthia yun dati hindi ako nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa kanya iyun kasi ang turo ni Liliana" umayos ako ng upo napansin kong tumingin sakin si tita at umupo na rin.



"Ahm Mom? Naguguluhan po kasi ako kaya po ba hindi nyo pinayagan si Chase saka po si Natalie kasi magpinsan po sila?" hinawakan nito ang buhok ko at dahan-dahang hinahaplos.



"My brother marry Cynthia dahil sinabi nyang buntis sya at ang batang dinadala nya ay sa kapatid ko, hindi ako naniwala, tumutol ako lahat ginawa ko wag lang matuloy ang kasal nila but in the end natuloy pa rin" nalungkot ito siguro ay ayaw nya lang masaktan ang kapatid nya kaya pilit nyang wag ipakasal ang dalawang ito.



"Si Natalie ay hindi anak ng kapatid ko, pagkagraduate namin ng college yes hija kahit galit sa amin si Cynthia natuloy pa rin ang pangarap namin na makagraduate sa iisang university. Pagkatapos ng graduation namin matagal syang nawala ang balita namin nag abroad raw"  tumayo ito at kinuha ang isang picture frame kung saan kumpleto pa sila at masasayang nakangiti.



"Kinasal kami ni Zachary, ganun rin ang magulang mo nauna nga lang ako nabuntis at iyun ay si Matthew mag 2 years old na nun si Matthew ng malaman naming buntis ako kay Chase Zachary" ngumiti ito ng mapait napakarami ko pang gustong malaman.



"Umuwi si Cynthia at may kasamang batang babae na mas matanda kay Matthew nung isang taon. At iyun ay si Natalie sinabi nya sa amin na si Zachary ang ama nito" napakagat ako ng labi ibig sabihin hindi magpinsan si Chase at Natalie kundi magkapatid. 



"Pero sa bandang huli nalaman namin na hindi ito anak ni Zachary, yung tinik sa puso ko nawala dahil sa nalaman namin na yun, yung Mommy at Daddy mo kahit kailan ay hindi kami iniwan ni Zachary lagi sila nagbibigay samin ng advise para gumaan ang loob namin" inakap nya ko.



"Tapos ilang buwan lang lumapit saakin ang kapatid ko at sinabi nyang may nabuntis daw sya, dahil nga sa busy sa trabaho ang kapatid ko wala na syang time para mag hanap ng babaeng papakasalanan nya, kaya nung sinabi nya yun tuwang tuwa ako pero nawala rin yun nung pinakilala nya saakin ang babae" umakap sya saakin  ng mahigpit "si Cynthia sya ang babaeng nabuntis ng kapatid hindi ko alam kung sinasadja nya lahat pero hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ayokong magalit ang kapatid ko sa akin" hinagod ko lang ang likod ni Tita narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Tito Zachary



"Ibig po bang sabihin kahit sino po sa inyo ay hindi relatives ni Natalie" tumango ito nakakagulat nga lang na malaman na mas matanda pa pala si Natalie saakin hindi ito halata sa kanyang mukha.



"Yes and sobrang tagal na rin nun, naiinis nalang ako ngayon dahil pati ang anak nyang babae ginagamit nya para mapalapit kay Chase, I don't know kung paano sila nagkakilala" tinignan ko si Tito dahil nakatingin lang ito kay Tita



"Come here honey" biglang nagtatakbo si Tita paakap kay Tito marami man nangyari sa family nila pero stay strong pa rin sila.



May gusto pa sana akong itanong kay Tita tungkol kay Chase siguro ay sa susunod nalang, hindi na rin kaya ng utak ko lahat ng nalaman ko.





Everything that is past is either learning experience to grow on, a beautiful memory to reflect on, or motivating factor to act upon.





__________

Eyafats...

I'm Only his Secret Wife  (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon