Please play the video before you read this. Thank you. :)
--
Another day, another day I decided to
Waste away and contemplate how
Everything has changed.
“Em, ako ng magbubuhat ng bag mo.” Sinubukan kong kunin mula sayo yung gamit mo pero inilapit mo ito sayo.
Binigyan mo ako ng isang malungkot na ngiti. “Ako ng magbubuhat nito, Chan. Kaya ko naman eh.”
Nauna kang naglakad kaysa sakin. Napabugtong naman ako dahil dito. We used to walk together while our hands are locked together.
“Em! Wait up!” Mabilis kitang nahabol dahil mahaba ang aking mga biyas.
Hinawakan ko ang iyong balikat at ika’y hinarap sa akin. Nang magtama ang mga mata, halos manlumo ako sa lungkot na aking nakita.
“Tell me, Em. Ano ba ang problema mo? Bakit bigla-bigla ka nalang umaakto ng ganito?”
Hinawakan mo ang aking mga kamay na kasalukyang naka-hawak sa iyong mga braso. Dahan-dahan mo ‘tong tinanggal at yumuko nalang.
“I’m sorry, Chan.” These three words are the reason why my world crashed.
“B-bakit ka nag-sosorry, Em? Wala ka namang nagawang mali ah.” Pinilit kong maging masaya ang aking tono pero hindi ko nagawa. Masyado akong nasasaktan dahil sa mga sinabi mo.
“It’s just… Ugh. I’m sorry, Chan. We’re over, goodbye.” Tumakbo ka palayo sa akin hanggang sa nawala ka na sa aking paningin.
Napa-hawak nalang ako sa aking dibdib at naramdaman ang pagkirot ng aking puso. Ang sakit talaga, lalo na kapag iniwan ka ng babaeng iyong pinakamamahal.
--
A month went by, a month that I can’t describe,
A month I’ve been trying to push aside and forget in time,
And now we are inches away, but we’re miles apart.
“Chan! Paki-tawag naman si Em oh. Kailangan ko kasi ‘tong tulong niya dito sa experiment namin.” Paki-usap sa akin ni John.
Binaba ko naman yung binabasa kong libro at napa-tingin sayo. Kasalukuyan kang naglalaro sa cellphone mo habang naka-suot ang earphones mo sa tenga mo.
Napa-tingin naman ako kay John at binigyan niya ako ng isang ngiti. Maski siya may pinagdaraanan ngayon, wala na kasi si KitKat sa tabi niya. Matagal na siyang iniwan.
Iniyos ko ang suot kong salamin at tumingin sa iyo. Marahan kong tinapik ang iyong balikat. Inangat mo naman ang ulo mo at tinanggal yung earphones mo.
BINABASA MO ANG
EXO One-Shots
Storie d'amoreA compilation of Exo One-shots that are inspired by different songs.
