Christmas Day

416 18 11
                                        

“John, bibili lang ako ng ice cream ha?”

 

Tinignan ko si Chan at tumango nalang. Lagi talaga ang tiyan niya ang iniisip niya. Asan ba si Rei? Mukhang kanina pa siya nawawala ah.

“Kita nalang tayo mamaya.” Nakangiting sabi niya sa akin.

Hindi ko naman na siya pinansin at pumasok na sa loob ng memorial. Nadatnan ko si Chloe na nakaupo sa tabi ng puntod ni Lucas habang hawak hawak ang litrato nito.

“Andito ka na pala John. Halika, tabihan mo ako.” Pag-aaya niya sa akin ng makita niya ako.

Tinapik niya yung space sa tabi niya at agad naman akong umupo dito.

“Ang bilis ng panahon noh? Tatlong taon na rin.” Halos pabulong na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko naman yung kamay niya at hindi na nagsalita. Alam ko naman na wala akong masasabi para pagaanin ang loob niya eh. I’m a man of few words, because everytime I open my mouth, kung ano-ano ang lumalabas dito.

Hinaplos niya yung litratong hawak niya at ngumiti. “Magiging ninong ka na, Lucas.”

Maski ako ay napangiti dahil sa aking narinig. Sino bang hindi kung malaman mong buntis na ang iyong asawa? Nakaka-overwhelm diba?

“Kanina lang namin nalaman kaya hindi pa namin alam kung anong magiging gender. Sana babae noh? Para itutulad ko sayo, lagi kong nilalagyan ng make-up ang pagmumukha.” Natatawang sabi niya.

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi ni Chloe. Nakakainis naman oh, ako ang tatay pero sa iba gusto maging kamukha? Eh di ano ng nangyari sa sarili kong anak?

Napatingin sa akin si Chloe at nakita niyang nakasimangot ako kaya naman pinisil niya ang aking ilong.

“Selos ka naman? Imaginine mo nga kung naging babae ka, hindi bagay. Kaya naman si Lucas nalang ang magiging kamukha para maganda kasi pag lalaki, sayo magmamana ng kagwapuhan.” Paglalambing niya.

“Eh gusto kong maging ikaw ang kamukha ng magiging anak natin kung babae, para naman kasing ganda mo.” Seryosong sabi ko sakaniya.

Namula naman ang kaniyang mga pisngi dahil sakaniyang narinig kaya binigyan niya ng isang mahinang sampal ang aking pagmumukha.

“Ano ka ba. Mamaya bumangon si Lucas dahil sa selos.” Pagbibiro nito.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na tumayo mula sa aking pagkakaupo.

“Bahala ka na diyan! Lalabas na ako.”

Pinalo niya yung tiyan ko at tinignan ako ng napakasama. “Ang duwag mo talaga kahit kailan! Bahala ka na nga diyan.”

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon