“Hoy Shawn at Mark kailan niyo ba balak magpakasal ha? Hindi pwedeng habambuhay kayong nagbabar.” Puna samin ni Lance.
Kasalukuyan kaming andito ngayon sa dating tambayan ng barkada. Ako, si Shawn, si Lance at si Drew.
“Hanggang sa hindi pa dumadating ang katapat ko.” Seryosong sabi ko at inabot ang baso ng alak na nasa harap ko.
“Asus. Dumating naman na siya nuon diba? Pinakawalan mo lang.” Pabirong sabi ni Shawn.
Hindi ko naman na siya pinansin pa at tumayo na mula sa aking kinauupuan.
“Oh Mark, san ka pupunta?” Tanong ni Drew sa akin.
“Uuwi na ako. May meeting pa kasi bukas sa kompanya.” Walang ganang sabi ko.
“Ingat dude. Mamaya eh may makasalubong ka nanamang chicks eh hindi ka na umuwi.” Natatawang sabi niya.
Inismiran ko naman siya at binatukan. “Kung ano-ano yang inisip mo. Sipain kita diyan eh. Tss.”
Tumawa lang naman siya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang umalis. Leche. Kahit kailan talaga panira ng gabi yung Shawn na ‘yon. Paano ba kami naging close ng taong yon? Tss.
Kasalukuyan akong nagdadrive sa madilim na kalsada ng biglang may tumakbo na babae mula sa kung saan. Agad-agad kong tinapakan yung preno, muntikan ko ng masagasaan yung babae kung hindi ako naging maagap.
Dali-dali akong bumaba sa kotse at lumapit sakaniya.
“Miss? Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko dito.
Sa pag-angat ng ulo niya, biglang tumibok ng mabilis ang puso kong matagal ng tumigil.
“T-ulungan mo ako…” Yun lang ang nasabi niya at nawalan na siya ng malay.
Agad ko naman siyang sinalo at hinawi ang buhok na nakatakip sakaniyang mukha. Nakaramdam ako ng sobrang awa kaya naman dinala ko siya agad sa loob ng aking sasakyan.
Bago ko paganahin ang makina ng sasakyan, napahawak ako sa aking dibdib.
“Bakit ganto kabilis ang pagtibok ng puso ko?” Tanong ko sa aking sarili.
--
“Shalahmaht shalagah at—“
“Please. Lunukin mo muna yang kinakain mo bago mo ako kausapin.” Naiinis na sabi ko sakaniya.
Tumango naman siya at nginuya ang pagkain na nasa loob ng kaniyang bibig. Napairap nalang ako at napahawak sa aking sentido.
“As I was saying, salamat at tinulungan mo ako. Hindi ko na siguro alam ang gagawin kung nahabol nila ako.” Nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
EXO One-Shots
RomanceA compilation of Exo One-shots that are inspired by different songs.