So Cold

772 27 17
                                    

“The number that you have dialed is out of coverage area. Please try your call again later.” I sighed when I heard the operator’s answer for the nth time.

Nilapag ko yung cellphone ko sa may lamesa at pumunta sa may bintana. Kasalukuyang umuulan ngayon sa labas kaya napayakap nalang ako sa aking sarili.

“Karl, asan ka na ba?”

Nagring yung cellphone ko at dali-dali itong kinuha. Umaasang si Karl ang nasa kabilang linya. Sinagot ko ito at hindi nga ako nagkamali.

“Hello Karl. Ano—”

 

“Denise, hindi ako makakauwi mamayang gabi. I have to go to our family house. May kailangan kasi akong gawin.” Walang gana niyang sabi.

“A-ah. Ganon ba? Osige. Paki sabi nalang kina daddy at mommy na kinakamusta ko sila.” Pinipilit kong maging masaya ang tono ko dahil ayokong mapansin niyang umiiyak na ako.

“Okay. Good bye.” Magsasalita pa sana ako ng patayin na niya yung tawag.

I sighed and just wiped my tears away. Kahit ano namang iyak ang gawin ko, hindi niya ako maririnig diba?

Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na ng kwarto.

“Kailangan ko na pong umuwi, daddy and mommy. Pasensya na po at hindi daw po makakauwi si Karl.”

Nakita ko namang lumungkot ang kanilang mga mukha pero nagawa parin nilang ngumiti sa akin.

“Ganon ba hija? Si Karl talaga. Ikaw nalang ang bahala sa anak namin, Denise.” Sabi ni daddy sa akin.

Nagnod nalang naman ako at lumabas na ng bahay. Kahit na malakas ang paghagupit ng ulan, hindi ko ito inintindi at nagsimula ng magmaneho pauwi.

Pagkadating ko sa bahay ay wala akong nadatnan kundi ang dilim na sumalubong sa akin. Napabugtong hininga naman ako at binuksan ang ilaw. As the lights turned on, the first thing I saw was our wedding picture. We were a perfect couple once but everything changed.

Umakyat ako sa kwarto namin at nagpalit na ng pantulog. Kinuha ko yung unan sa aking tabi at ito’y niyakap. Ito ang pumapalit sa mga yakap niya tuwing wala siya.

Hindi ko nanaman napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Agad ko naman ‘tong pinunasan at ipinikit na ang aking mga mata. There’s only one thing that I could do to ease the pain, and that is to close my eyes and hope that when I open it, he’ll be by my side.

--

I woke up around 7 in the morning because I felt a hungry. The morning was a little bit chilly so I decided to wear my hoodie and went downstairs. Dumiretso ako sa may kusina at naglabas ng pwedeng lutuin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng bumukas yung front door. Agad-agad ko namang pinatay yung stove at tinignan kung si Karl yung dumating. Napangiti naman ako ng nakita ko siya.

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon