Don't Go

476 19 26
                                    

“Mukhang solo flight ka ata ngayon ah Shawn.” Tanong ni Zero, ang kaibigan kong may-ari ng Labels.

“Wala eh. Kasal na sa nag-iisang babaeng minahal ko yung kasama ko lagi.” Natatawang sabi ko.

“Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng sayo? Para naman hindi ka mamatay ng maaga niyan dahil sa dami ng alak na lagi mong iniinom.”

“Kung pwede lang diba? Kaso wala pang dumadating eh.”

Napailing nalang naman si Zero at tinapik ang aking balikat. “Dadating din siya dude. Hintay ka lang.”

Tumango nalang naman ako at nagpatuloy sa pag-inom. Isang buwan na ang nakakalipas simula ng magpakasal sina Mark at Maica at hanggang ngayon, ito parin ako sawing sawi sa pag-ibig. Ang lakas din ng tama ko sa babaeng iyon. Akalain mo, si Shawn Hernandez na nagpapaiyak ng madaming babae ay ginawang ganto ng isang tao? Nakaka-gago man pero totoo. Minsan na nga lang ako magmamahal, ganto pa.

“O’nga pala dude, aalis ako next Friday baka pwede naman ipabantay ko sayo yung kapatid ko? Wala kasing maiiwan sakaniya eh. Hindi pa naman sanay yon na mag-isa.”

Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi niya. “Ano ako? Baby sitter? Hanggang kailan ka ba mawawala ha? Ilang taon na ba yang kapatid mo?”

 

“Edad talaga ang agad na tinanong mo noh? Twenty four na siya, two years younger sa atin. Huwag na huwag mong papatulan kundi mapuputol ko yang future mo. Dalawang buwan lang ako mawawala at gusto ko sa pag-uwi ko, siya parin ang kapatid na kilala ko.” Babala nito sakin.

Napairap nalang naman ako at tumango nalang. Baliw talaga ‘tong si Zero. Siya na nga ang hihingi ng pabor sa akin, siya pa ‘tong magbabanta. As if naman na magugustuhan ko yung kapatid niya eh ang tanda na nga hindi pa sanay mag-isa. Tss.

--

“Oh Shawn, ito ang kapatid ko. Tandaan mo ang pinag-usapan natin.”

Tinignan ko yung babaeng kasama niya mula ulo hanggang paa at halos mamatay ako sa kakatawa. Paano namang hindi eh ang baduy baduy niya! Alam niyo yung mahahabang skirt tapos naka-medyas pa siyang mahahaba at putting rubber shoes na parang forever mo ng hindi nilabhan? Tapos yung buhok niya parang hindi manlang nadaan ng suklay sa loob ng sampung taon. Para siyang si Sunako.

“Hoy Shawn! Tumigil ka nga diyan. Huwag mong tatawanan ang kapatid ko! Hindi mo alam ang pinagdaanan niya.” Inis na sabi sa akin ni Zero.

Tumango naman ako at tumigil sa pagtawa. “Oo na. Sige na, makakaalis ka na. Ako ng bahala sa kapatid mo.”

Bago siya umalis ay binalaan niya ulit ako for the nth time. Nang makaalis na siya ay sinara ko na yung pinto at hinarap ang katapid niya. Para naman akong nagka-mini heart attack ng makita ko siyang nakatingin sa akin.

“Pwede ba, huwag mong gawin yan. Aatakihin ako sayo eh. Ako nga pala si Shawn, Yuki ang pangalan mo diba?” Nakangiting sabi ko sakaniya habang inaalok yung kamay ko for a hand shake pero hindi niya ito tinanggap kaya napakamot nalang ako sa ulo. Pahiya ako dun ah. Tsk tsk.

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon