Together

726 27 4
                                        

“Tito Lance naman eh! I don’t want to eat veggies!” Makulit na sabi ni Marcus.

“Ay ano ba Marcus! Kailangan mo ‘to para lalo kang pumogi. Atsaka Tita Lenny ang itawag mo sa akin, hindi Tito Lance. Kadiri kang bata ka.” Mataray na sabi ko habang pilit na sinusubo yung broccoli sakaniya.

“Eh boy ka po kaya like me. Why would I call you Tita Lenny?” Naka-pout na tanong iya.

Enebe, ang cute cute ng batang itu! Kamukhang kamukha niya ang daddy niyang si Papa Karl~

“Eh kasi I’m pretty. Hala you eat na bago pa magalit ang mommy mong chaka.”

“Baka gusto mong itago ko lahat ng make-up mo. Umayos ka diyan Lance Fernandez.”

Napa-irap lang naman ako at hinarap ang mangkukulam na nagsalita. Kaimbyerna. Ako na nga ang nag-aalaga ng anak niya eh. Hmp.

“Excuse me lang ateng, Lenny ho hindi Lance.”

“Mommy!” Bumaba si Marcus mula sa upuan niya at sinalubong si Jo.

“Why aren’t you eating your veggies? Diba sabi ko sayo, dapat kumakain ka ng gulay para lumaki ka?” Paglalambing niya sa anak niya.

“I ate a lot naman na po eh mommy. Can I go outside and play na po?”

 

Napangiti naman siya at ginulo ang buhok ng kaniyang anak. “Sige na nga. Mag-iingat ha? Huwag mang-aaway.”

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti na din dahil sa aking nakita. Napailing naman ako at humarap ulit sa may kainan. Ay ano ba yan! Nagiging tomboy ako dahil kay Jo eh.

Binatukan naman ako ni Jo at umupo sa aking tabi. “Hoy Lance, baliw ka na ba? Kinakausap mo nanaman yang sarili mo.”

 

Inambahan ko naman siya ng sampal. Lechon na babae ‘to! Pano kung masira ang beauty ko dahil sa ginawa niyang pambabatok? Baka hindi na ako pakasalan ng gustong gusto kong Guess model.

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon