Whisper of Hope

759 26 15
                                        

“Jo, let’s end this.” Nabigla naman siya sakaniyang narinig at napatingin sa akin.

“B-bakit? May mali ba akong nagawa, Drew?” Napabugtong hining ako dahil sakaniyang tanong. I know she’s serious but I don’t feel the sincerity from her question.

“It’s just – I know you’re deeply in love with him. I know that you’re in love with Lance.”

Hindi naman siya nakasagot at nayuko nalang. I smirked and stared at the sky. I knew it, na kahit ako ang kasama niya, ibang ang laman ng kaniyang pag-iisip.

“Pero mahal rin naman kita, Drew.” Mahinang sabi niya.

Mahina akong napatawa at tinignan siya. I held her shoulders and looked straight at her eyes.

“You don’t love me, Jo. You’re just trying at isa pa, you can’t love two people equally. Si Lance, siya ang laman ng puso mo. Siya ang lalaking mahal mo.”

Nagsimulang tumulo ang luha mula sakaniyang mga mata. I wiped them away and kissed her forehead.

“It’s time for you to face the truth. It’s time for you to be happy once and for all.” Nakangiting sabi ko sakaniya.

She slowly nodded her head and hugged me tight. I smiled and hugged her back as she continues to say the words “Thank you”.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha mula sakaniyang mga mata. “Thank you, Drew. Thank you for choosing to let me go.”

“Yan naman ang palagi kong ginagawa eh, I’m the one who always lets go. Wala ni isa sakanila ang nagsasabi na ipaglaban ko sila.” Nakangiting sabi ko sakaniya.

Marahan niyang hinampas ang aking balikat at hinawakan ang aking kamay. “Dadating at dadating din siya, Drew. Ginagawa niya na lahat ng makakaya niya para lang mahanap ka. Impossible as it may sound, but the truth is she’s already on her way.”

I chuckled because of what she said and stared back to the sky set upon us.

“Sana nga, Jo. Sana nga makilala ko na kung sino siya.” Mahinang bulong ko.

--

Years have passed simula nung i-let go ko si Jo and to tell you with all honesty, I’m still hurting. Minahal ko ng sobra si Jo, higit pa sa pagmamahal ko sa ibang tao pero kailangan ko siyang i-let go dahil alam kong magiging masaya siya sa piling ng ibang tao. Sa piling ni Lance, ang best friend ko.

May masama man kaming nakaraan dati ni Lance ay okay na kami ngayon. I was the very reason why Christine left him at the altar. But Christine and I didn’t work out. Iniwan niya rin ako kaya nakilala ko si Jo.

At first biro-biro lang para sa akin si Jo at nung araw na nahuli niya akong may kasamang ibang babae, dun ko nalaman kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. Kaya ko siya binalikan. But I was already too late. Iba na ang tinitibok ng puso niya, which struck my heart and left it with a deep scar.

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon