“Lou, it’s time to go.”
Napatingin ako kay mama at tumayo sa aking kinauupuan. Ngayon ang araw na pinakahihintay naming lahat.
“Kaya mo ‘to Lou. Andito lang kami ng daddy mo, okay?”
“I know. Thanks mom. Let’s go, I’m ready.”
Dahan-dahan namin tinahak ang pinto palabas ng bahay. Hinawakan ni mama ang kamay ko kaya binigyan ko nalang siya ng isang ngiti at sumakay na kami sa may kotse.
Habang papalapit kami sa simbahan, mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Paano ko siya haharapin? Kinakabahan na ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang araw na ‘yon.
Flashback
“Will you marry me, Lou?”
Napatakip naman ako ng bibig at isa-isang kumawala mula sa aking mata ang mga luha na patuloy lang sa pag-agos sa aking pisngi.
Tinango ko ang aking ulo kasabay ng pagsabi ng matamis na oo.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya at pinunasan ang aking mga luha.
“Shh. Don’t cry. Ang pinaka-ayaw ko ay yung makita kang umiiyak.” Mahina niyang sabi habang yakap yakap ako.
“Baliw, tears of joy ‘to noh!” hinampas ko ang dibdib niya at siya’y niyakap pabalik.
“I love you, Lou.” Kasabay ng mga salita na ‘to ay binigyan niya ako ng isang halik sa aking noo.
“I love you too, Carlo.”
Hindi ko akalaing, dadating ang araw na ‘to kung kailan malapit na namin maabot ang pangarap naming magsama habang buhay.
End of Flashback
“Lou, andito na tayo.” Mahinang sabi ni mama.
Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at nakita ko kung gaano karaming tao ang naghihintay sa akin sa labas ng simbahan. Mas lalo akong kinabahan.
“Mauna na akong baba. Hintayin ka nalang namin sa loob anak.” Hinalikan ni mama ang noo ko bago pa lumabas ng kotse.
Pagkababa niya ay sinalubong na siya agad ng magulang ni Carlo. Napahawak nalang ako sa aking dibdib dahil nakaramdam ako ng sobrang kaba. Kaya ko ba talaga ‘to?
Napapikit nalang ulit ako at nagbalik tanaw.
BINABASA MO ANG
EXO One-Shots
RomanceA compilation of Exo One-shots that are inspired by different songs.
