(Arasso Zero-oppa. Dito na ako titira sa bahay ni Shawn. Makakauwi ka naman sa kasal namin diba?)
Napakamot naman ako ng ulo at uminom sa aking tasa.
"Yuki, your wedding is like 5 months from now. Huwag ka naman masyadong atat."
(Eh kuya naman! Ang kj mo. Wala ka lang kasing girlfriend. Tss. Di mo pa palitan yung first love mo. Diyan ka na nga.)
"Oy Yu--" napa-sigh nalang ako at inilapag yung cellphone ko sa may lamesa.
Tignan mo 'tong kapatid ko, siya na nga nang-indian nung nakasakay nako ng eroplano siya pa ang magagalit dinamay niya pa yung first love ko. Tss.
Atsaka, ano nga bang mapapala ko kung magkagirlfriend ako ha? Eh pahirap lang kaya yan sa buhay.
Andito ngayon ako sa Paris. Si Yuki kasi, tumakas sa flight eh di nagchange course ako. Mas gusto ko ata dito kaysa sa London. Ewan ko. Ramdam ko lang.
"Uhm excuse me, I don't understand any of these." Napatingin naman ako dun sa babaeng nagsalita na kasalukuyang kausap nung waiter.
"Pas l'anglais." Sabi naman nung waiter.
Napakamot nalang ng ulo yung babae at napatakip nung menu sa mukha niya. Natawa naman ako at tumayo mula sa aking kinauupuan.
"Need some help?" Nakangiting sabi ko dito.
Gulat naman siyang napatingin sa akin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Umupo ako dun sa bakanteng upuan sa harap niya at kinuha yung menu.
"Deux cafés s'il vous plaît et deux tranches de gâteau au fromage aux bleuets." Baling ko dun sa waiter.
"Oui monsieur." Nagnod 'to at umalis na.
"Amazing. Akalain mong nag-fefrench ang poging 'to." Rinig kong bulong nung babae.
So Pilipino din siya katulad ko? At ano daw? Gwapo ako?
"Alam mo, uso ang magsabi ng thank you."
Nagulat naman siya sa sinabi ko at napanganga.
"Pilipino ka din?!"
"Obvious ba? Nagtatagalog nga eh." Natatawang sabi ko sakaniya.
"Buti naman at may nakilala akong pinoy dito! Grabe halos lahat sila hindi marunong mag-english." Naka-pout na sabi niya sa akin.
Magsasalita pa sana ako ng dumating na yung waiter at hinatid yung order namin.
"Merci." Sabi ko dito sabay nagnod.
Umalis naman na siya at ibinalik ko na yung tingin ko kay... Uhh. Sino na nga ba siya?
"Ano ngang pangalan mo?"
"Ako ba? Uhm. Ako si Era, pero ang pagbigkas ay Aira. Haha. Ang gulo ba? Ang landi ng mga magulang ko eh. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Ako si Zero." Sabi ko sabay kain nung cheesecake.
"Taray. Hindi pinag-isipan ang pangalan. Hahaha." Pang-aasar niya habang kumakain.
Inismiran ko naman siya at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
"Bakit ka nga pala andito sa Paris?" Biglang tanong ko sakaniya.
"To move on..." Simpleng sabi niya.
Napatango naman ako at tinanong nalang siya ng ibang bagay. Alam ko naman kasing wala ako sa posisyon para tanungin siya tungkol dun.

BINABASA MO ANG
EXO One-Shots
RomanceA compilation of Exo One-shots that are inspired by different songs.