Say Something

485 20 9
                                    

"Kamusta ka na?"

 

"Sa totoo lang po, hindi parin po ako okay hanggang ngayon."

Nakita ko naman siyang napangiti ng malungkot at iniyuko ang kaniyang ulo.

 

"Dalawang taon na rin ang nakakalipas hijo, bakit hanggang ngayon hinihintay mo parin siya?"

 

"Mahal ko po ang anak niyo. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na bubukas ulit ang kaniyang mga mata." Seryosong sabi ko dito.

"Paano kung sa pag gising nito, may iba ka na? Tingin mo ba hindi siya masasaktan?"

 

"Yan po ang nag-iisang bagay na hindi ko magagawa sayong anak, ang iwanan siya."

 

"Ikaw na mismo ang nagsabi niyan. Aasahan kita, Lucas."

Tumayo na siya mula sakaniyang pagkakaupo at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman akong mag-isa at tinignan ang babaeng naka-higa samay kama.

Dahan dahan akong lumapit dito at hinalikan ang kaniyang noo.

"Handa akong maghintay, Chloe." Bulong ko sa tenga nito.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng na-coma si Chloe ng dahil sa isang aksidente.

Flashback: 2 years ago

"Yah! Tumayo ka na nga diyan, Lucas."

 

"Sampung minuto pa." Kinuha ko yung unan at tinakip 'to sa aking tenga.

 

"Lucas naman eh. Hinihintay na tayo nina mommy."

 

Umupo naman ako mula sa aking pagkakahiga at kinusot kusot ang aking mga mata.

 

"Oo na po madam. Gising na po."

 

Nakita ko naman siyang napangiti kaya ganon na din ang ginawa ko. Hinila ko siya papunta sa akin at niyakap.

 

"Lucas!" Suway nito sa akin.

 

Natawa lang naman ako at binaon ang aking ulo sa kaniyang balikat.

 

"I love you so much, Chloe." Mahinang sabi ko dito.

 

Humiwalay naman siya sa akin at nakita ko ang sobrang kasiyahan sakaniyang mga mata.

 

"I love you too, Lucas."

 

Hahalikan ko na sana siya ng bigla niyang hinarang yung palad niya sa aking labi.

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon