Take a Chance on Me

635 19 7
                                        

“Haaaaay.”

“Maka-bugtong hininga ka naman ateng. Ano ang problema?” Sabi sakin ni Carla, kaibigan ko.

“Kasi naman, hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdaman si Carlo.” Malungkot na sabi ko dito.

“May saltik nanaman siguro kaya hindi ka man lang matawagan. Hayaan mo nalang siya.”

Nagpout lang naman ako at niyakap ang Rilakumma kong stuffed toy.

“Nakakainis ka talaga Carlo, kapag ikaw may iba ng babae puputulin ko talaga ang lahi niyo.” Sabi ko dun sa stuffed toy ko.

“Baliw ka na talaga, Candy. Matulog ka na nga lang.” Sabi ni Carla sabay patay ng ilaw.

--

“Oy Candy, tawag ka ni sir. May papagawa ata sayo.” Tawag sa akin ng isa kong kaklase.

Hindi naman na ako nagtanong pa at dumiretso nalang sa may faculty. Nadatnan ko si Sir Versoza kasama si Chance ang captain ng varsity dito sa aming university.

“Pinapatawag mo daw po ako Sir.” Magalang na sabi ko.

“Ah! Miss Versoza, kanina pa kita hinihintay. I’d like you to meet Chance Kinoshita ang magiging kasama mo sa pagplano ng nalalapit na event ng university natin.”

Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi ni sir. Seryoso ba siya? Ako na isang ubod ng tamad na estudyante ang gagawin niyang planner ng napakaimportanteng event ng school?

“Sir, matanong ko lang po. Naka-drugs ka po ba?”

Marahan naman akong binatukan ni Sir Versoza dahil sa aking tanong. “Baliw ka ba? Ikaw, kung hindi lang kita kapatid kanina pa kita napagalitan.”

Inismiran ko naman siya at napakamot sa aking batok. Brutal din ang lalaking ‘to eh. Bakit pa kasi sa lahat ng tao, siya pa ang naging homeroom teacher ko? Tss.

“Ano ba kasi ang kailangan kong gawin ha?” Pagtataray ko dito.

“Simple lang naman. Kapag naging success ang ginawa niyong event ay 99 na ang buong klase niyo sa homeroom at kapag hindi, magpapublic service kayo.”

Nalaglag naman ang panga ko dahil sakaniyang sinabi. Alam niya namang pa gang buong klase na ang usapan, hinding hindi ako makakahindi sa lahat ng inuutos niya. Ugh. Demonyito talaga ‘tong kapatid ko.

“Leche ka. Kung hindi lang para sa mga classmates ko, hinding hindi ko ‘to gagawin!” Pabulong na sabi ko sakaniya dahil baka marinig ako ng ibang teachers.

Ngumiti naman siya ng napakalapad at binigay samin ni Chance ang dalawang portfolio mula sakaniyang lamesa. “It’s settled then. See you a month from now. Enjoy.”

EXO One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon