Part 13: "Ang Pag ibig ay hindi Magagalitin, o Mapagtanim sa Kapwa"

34 0 0
                                    

In English love is not easily angered, it keeps no record of wrongs"

Siguro alam na nating lahat ang payo ng mga matatanda : 'Ang babae hindi yan pinapaiyak, minamahal yan...' Maganda sana ang payong ito, kung gagawing pangako, mas mainam! Kaso, may kasabihan: 'Ang pangako ay napapako', hindi natutupad.

Makikita sa mga magkasintahan ang ganitong sitwasyon, may isa sa kanila ang laging magagalitin o matampuhin. Normal lang naman talaga sa tao ang magalit, lalo na sa magkasintahan, hindi yan mawawala. PERO, Kung mahal mo ang isang tao, hindi mamumutawi sayo ang pagkamuhi, kahit magkamali siya – mapapatawad mo siya (hirap magmahal no!). Sabi nga nila ang pagmamahal daw ay sakripisyo, ito na yun! Ang sakripisyong hinihintay ng lahat: ang pagkakamali ng mahal mo at PAGPAPATAWAD mo dito.

Ipapakita ko sa iyo ang ilang problema at sitwasyon (ng magkasintahan) na nagpapagalit sa estudyanateng babae o sa lalaki at solusyon dito:

Problema # 1 : Nakalimutan ng BF/GF ang anniversary niyo.
Gatong: "Grabe nakalimutan niya! How dare him/her! Minsan na nga lang yang event na yan kakalimutan pa... eto pa, kung yung anniversary nga nakakalimutan, pano pa kaya yung iba pang events sa buhay niyo!"
Solusyon: Patawarin mo.

Problema # 2: Binato ka ng unan, saktong tumama sa mukha mo.
Gatong: 'Hala! Sobra yun! Nambabato? Sa simula unan lang ibabato sa iyo, pano pa kaya kapag mag asawa na kayo, ano na lang ang lilipad diyan sa mukha mo?'
Solusyon: Patawarin mo.

Problema # 3: Tinawag kang "GODZILLA' dahil inaasar ka.
Gatong: Manlalait siya. Masakit ang tawaging Godzilla. Monster kaya yun. Nagbubuga pa ng apoy, baka ang nasa isip niya nagbubuga ka ng 'bad breath'.
Solusyon:  Patawarin mo.

Problem # 4: Hindi ka nilibre ng pamasahe.
Gatong: Minsan na nga lang kayo lumalabas, hindi ka pa makuhang i-libre. Tsk tsk. Kuripot...
Solusyon:  Patawarin mo.

Ultimate problem: Kinuha niya ulit ang cell number ng 'Ex' niya.
Gatong: ' Aba! Aba! Ayan ang malupit. May GF/BF na, nakuha pang manlandi sa iba?
Solusyon: Kausapin mo at itanong ang dahilan. Patawarin mo.

At kung anu-ano pang bagay na nasaktan ka?  Patawarin mo.

Hindi ko sinasabing magpakamartir ka... hindi na kailangan ng panibagong Jose Rizal, at hindi na kailangan ng People Power sa EDSA para humarang sa mga gumugulong na tanke. Ang ibig sabihin lang niyan ay patawarin mo siya sa 'maliliit' na bagay na hindi naman dahilan upang tuluyang masira ang pagmamahalan niyo

Kung ang tanong mo eh : "PAANO KUNG MALALAKING BAGAY ANG NAGAWA NIYA AT NASAKTAN KA NG TODO TODO?" (ayan ha! nakacapslock para sa iyo, alam kong ayan ang susunod mong itatanong...)
Katulad ng nakalagay sa 'Ultimate problem' sa taas, ang kailangan mong gawin ay 'kausapin mo'. Magkaroon kayo ng pagkakaintindihan. Huwag ka magpadalosdalos lagi at magagalit ka. Madalas, ang 'hindi pagkakaunawaan' ang problema ng magkasintahan at masosolusyunan lang ito sa pamamagitan ng masinsinang pag-uusap.

Halimbawa (Yung Ultimate Problem sa itaas):

May pagkakataon talagang magkita kayo muli ng 'Ex' mo or 'ex' ng kasintahan mo. Kadalasan kung sa school, mahirap, dahil para kang tinotorture (tinutusok yung puso mo, masakit yun!) . Nakakailang iyon sa simula. Pero eto...Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa 'ex' dahil nakakahawa ang galit. Hindi mo maaalis ang 'dating' ugnayan nila/niyo sapagkat naisulat na ito sa buhay mo/niya. Kung pipilitin mong kagalitan ang 'ex', dadaloy ito sa isip mo, sa kaibigan mo at pati na rin sa pamilya mo. Ang pagkamuhi ay parang lason na unti unti kang uubusin.

Pano kung nakita mong kinuha ng GF/BF mo ang number or nakita mo silang nag-uusap?
Kausapin mo pagkatapos ng palitan nila ng number or pag-uusap nila, at kung may TIWALA ka sa kanya, seryoso kang 'magtanong'.

May magkasintahan na kasing nagkagalit dahil dito. Kinuha yung cell number ng dating 'ex' girl friend, nagkagalit ang magkasintahan at nag-away sila ng todo. Yun pala, kinuha lang ang number dahil meron silang 'group presentation' at kailangan nila yun sa school.

Huwag ding magtatanim ng sama ng loob: "Huwag bitter" ika nga nila. Huwag kang 'ampalaya' na sobrang pait ang lasa... Patawad ka ng patawad, tapos babalik-balikan mo? Wala rin kwenta iyon! GALIT KA PA DIN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon