Malamang nagtataka kayo kung bakit ito ang titulo ng kabanatang ito, sasabihin ko sa inyo, pero ipangako niyong lalakasan ang inyong loob sa pagbabasa. Kung hindi niyo kakayanin ang emosyonal na babasahin, ipinapayo kong magbasa na lang kayo ng horoscope sa tabloid. Okay na? Sige Tuloy…
Merong mga bagay na dumadating sa buhay ng nag-iibigan na kailangan nilang harapin. Aminin nating lahat, ang ‘umasa’ ang pinakamahirap na pakiramdam…dahil hindi mo alam kung magagalit ka o malulungkot (huminto ka dito sa parteng ito, at namnamin mo ang mga salitang ito: “Magagalit ba ako o malulungkot kung sakaling PINAPAASA LANG ako?”
Inihahalintulad ko ang ‘pritong sile’ sa kadalasang pagmamahal ng estudyanteng babae sa kanyang nobyo. Madalas, ang reklamo ng mga lalaki ay ang ganitong klaseng pag-ibig na binibigay ng babae. Ano ba yung pritong sile? Imagine mo na lang na kunwari lalapit ang GF mo, tuwang tuwa at may ibibigay daw sayo, KAININ MO DAW. Dyaran! Pritong Sile! Ikaw kakainin mo ba?
Pwede mo naman kainin ang sile, siyempre mahal mo eh, kahit maanghang gagawin mo, pero……’masasaktan ka’. Ouch!
Madalas kasi may mga bagay na GUSTO ang mga babae na hindi maintindihan ng lalaki (mahirap intindihin ang babae). Ang mga babaeng estudyante dahil ‘bata’ pa sila (at kadalasan mas matured sa lalaki ang pag-iisip) nag-eexpect ng malaki sa kanilang kasintahan. Nag-eexpect sila na kainin yung pritong sile, na sa totoo lang ay ayaw gawin ng mga lalaki.
Halimbawa: Natanong mo na ba sa iyong sarili kung gusto ba ng BF mo na LAGI mo siyang hinahanap at alam mo dapat kung nasaan siya? Natanong mo na ba sa sarili mo, kung gusto niyang maglaro ng computer games pero ikaw LAGI mo siyang pinipigilan? Natanong mo na ba sa iyong sarili kung gusto ng BF mo na lagi mo siyang kinukurot, pinipingot, binabatukan sa harap ng mga friends niyo? (na KUNWARI under mo siya).
Kung ang sagot mo ay hindi pa, puwes ngayon isipin mo, baka hinahainan mo na siya ng special na ‘fried pepper’. Karamihan sa pinagtatalunan ng mga estudyanteng magkasintahan ay ang pagiging demanding ng isang partido. Puro kahilingan ang isa, ang akala niya ay CUTE iyon tingnan at nararapat niyang gawin, dahil siguro pakiramdam niya isa siyang ‘prinsesa’. Sa totoo lang, ang relasyon ay hindi dapat one-sided. Kung meron kahirapan dumadating - kailangan yan pinaghahatian, at kung meron kang gagawin na ‘kaya’ mo naming gawin- do it yourself. Para yang rules sa exam: “Bring your own ballpen”.
Isang halimbawa ng paghahain ng ‘pritong sile’ ay itong totoong pangyayari na ibabahagi ko sa inyo:
May magkasintahan na na-obserbahan kong masyado silang sweet sa isa’t isa. Cute silang tignan, masarap silang picturan at lagyan ng design na ‘puso as frame’. Kung may mananalo man ng Love team of the year – sila na (muntik na kaming magka dyabetis sa kakatitig lang sa kanila…haha, ganon sila kasweet). Ngunit lumipas ang masalimuot na pasukan at klase. Unti-unting nagbago ang lahat. Ang dahilan ng lalaki ay napapagod na daw siya (sa isip isip ko, kung mahal mo yung tao di ka mapapagod). Ang dahilan ng pagkapagod ni lalaki: Ang inspiration (inspirasyon) niya naging perspiration (pagpapawis) niya: “Nasasakal na daw siya”.
Napag-alaman ko na lang na ang babae pala ay mahilig humiling sa kanyang nobyo, sa tingin niya kasi ‘Okay lang’ ito. Sa simula ng kanilang pagsasamahan, laging lalaki ang nagpapa-ubaya, laging lalaki ang nagsasakripisyo sa kanilang samahan. Napa-isip akong muli, ang dati pala namin nakikitang magandang pagsasamahan ay isa lamang huwad. Kung baga sa alahas, pwet lang ng baso. Ganito pala ang klase ng relasyon na nakikita natin na madalas ‘SWEET to the bones’. Ang isang partido pala ay pilit itong pinapaganda na ang resulta ay siya na mismo ang nasasaktan ng todo-todo (Kung meron kang nakitang mag BF-GF at yung tipong magugulat ka na lang: “HIWALAY NA SILA?!, malamang… Pritong sileng pag-ibig.
Huwag kayong matuwa mga lalaki, dahil ang susunod kong ibabahagi ay masakit din natin kadalasang ibinibigay sa babae. Oo, inaamin ko, naghain na rin ako ng ganito…ang tawag dito ay “Isang Mangkok na hangin”.
(Itutuloy...)
BINABASA MO ANG
STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)
Umorismo"Isa akong guro na nais 'i-describe' ang mga nakikita kong pag-iibigan (*buntong-hininga*) ng mga estudyante..."