Part 3: "Ang Tsismis at Break!"

359 5 3
                                    

“Manahimik tayo sumandali, at alalahanin natin ang mga kakilala nating estudyanteng magkasintahan dati ……… na ngayon ay nag break na…”

Kung magkakahiwalay man ang mga estudyanteng magkasintahan, kadalasan may kinalaman ang mga taong nasa paligid nila. Papalaguin ang isang issue ng tsismis: “Uy, nakita mo ba sina ____ at _____? Magkasama sila kanina, di ba may GF na yun?” Paktay tayo diyan, para yang sigarilyo na naiwan sa kumot, mabilis lumiyab at kumalat ang apoy.

Minsan kasi nakakalimutan na nila ang sitwasyon sa eskwelahan: maraming projects, maraming research studies, maraming group works, kaya marami rin ang pagkakataon na may makasamang iba ang ‘BF/GF’ mo. Tsismis lang talaga ang ‘NAKAKAPAGPALALA’ ng lahat, pero, siyempre kung talagang nangangaliwa ang isang partido- ibang usapan na iyon.

Madaling intindihin ang pagmamahalan ng mga estudyante, para yang magpares na tsinelas na mahirap paghiwalayin, ‘kulang’ kapag wala ang isa. Pero nung nagtanong ako sa isa kong estudyante: “Bakit ba ayaw niyong maghiwalay?” , ang sagot niya sa akin: “Wala lang sir…”. Ansarap kumuha ng monoblock na silya at ihampas sa pader at gumawa ng ingay, ‘WALA LANG’, ayan ang salitang nagpapatunay na ang mag BF-GF ng ibang mga estudyante ay mababaw lang (Hindi ko nilalahat). Huwag na huwag kayong sasagot ng ‘wala lang’, ano iyon walang reason? Para kang sumakay sa jeep at sasabihin mong “wala lang” gusto mo lang sumakay (di ba parang MALI!).

Ang isa pang nakakainis na sagot ay yung sasabihin nilang “TRIP LANG” (believe it or not meron ganyan). Biruin mo, tatanungin mo, “Bakit kayo laging magkasama?”, “wala sir, trip lang”. Ako na nagpapayo sa mga babaeng estudyante, layuan niyo ang mga ganitong klaseng lalaki, isa yang malaking lamok na dugo mo lang ang habol (Metaphorical, hahaha).

 “Sir ano ang love? paano ko malalaman kung MAHAL ko siya?” Siyempre, todo explain ako sa kanya in a scientific way. Sa itsura ng nagtatanong parang hindi siya nakuntento. Napasubo ako, sabi ko: “Paano ko kaya ipapaliwanag ito ng mas madali?” ito ang aking sinambit: “Yung tipong nagbibigay ka sa kanya, lahat binibigay mo - oras at pagsisikap. Sa sobrang pagbibigay mo NASASAKTAN ka na!”. Mukha siyang natauhan, nagliwanag ang kanyang mukha. Natuwa naman ako, kaso lang, pagkatapos ng ilang buwan nalaman ko na lang na nagbreak sila (*hahaha*, wake-up call?)

Pagbre-break? Pagtatapos ba kamo? Maraming klase yan…

1.  MALUNGKOT NA PAGTATAPOS: Ilang taon na ang nakalipas, meron akong nakitang estudyanteng babae na umiiyak. Naawa ako, akin itong nilapitan at tinanong kung bakit, sabi niya nag-away daw sila ng BF niya. Umeksena ang mga kaibigan na akala mo ekspert sa ganitong klaseng sitwasyon “Good, look at the brighter side, makakapag-aral ka ng mabuti!” -mas lalo siyang humagulgol. Umentrada yung isang kaibigan (siyempre, nakapalibot ang friendships-‘Moral support eh’) Eto ang sabi niya:  “Okay lang yan hindi mo siya deserve!”, DESERVE? Sa isip isip ko, aba may ‘Match-maker’ pala itong kaibigan, magaling magpayo na HINDI deserve pero sa simulat simula pa lang hindi na niya PINIGILAN ang pagiging mag-on, ngayon tsaka siya magsasabi ng - ”Hindi mo siya deserve”. Ha! Aba, magaling ang ganyang klaseng kaibigan.

NOTE: Natapos ang kanilang relasyon sa payo ng kaibigan. Madrama, daig pa ang Metro Manila Film Festival, pwede silang manalo ng Best Actor/ Actress, yung kaibigan pwedeng Support Actress.

2. MAGKAGALIT NA PAGTATAPOS: Minsan naman may papasok  na estudyante sa classroom, galit na galit. Yung tipong gusto niyang ipaalam sa lahat na galit siya. Ayaw mamansin ng classmates, yung mukha parang natunaw na sorbetes, bagsak lahat (Isa lang ang ibig sabihin, nag away sila ng BF/Gf niya). Para sa mga guro, madaling i-handle yung ganito kesa sa umiiyak na estudyante. Kadalasan sila yung tinatawag ko sa recitation or yung pinaglelead ko ng prayer (oo, brutal ako, hahaha). Ikaw ba naman ang bombahin ng recitation, ewan ko na lang kung hindi maghalo ang galit at kaba mo. Nagkagalit sila dahil parehas silang mainitin ang ulo. Walang gustong magpakumbaba.

NOTE: Natapos ang ganitong klaseng relasyon sa ‘guidance counselor’.

3. MAGKAIBIGANG PAGTATAPOS: Sa lahat ng pwedeng mangyaring ending, ito ang isang beses ko pa lang nasaksihan na sa tingin ko ay hindi rin totoo. Biruin mo, sasabihin nila na ‘magkaibigan’ na lang daw sila? Sa matured na pag-iisip maaari itong mangyari, pero sa mababaw na pagsasamahan – ‘imposible’. Awkward moments ito para sa mga estudyanteng dati ay magkarelasyon. Akalain mo yun lalabas kayo ‘as FRIENDS’? Kain bubog na lang siguro (Hahaha).

NOTE: Natapos ang kanilang relasyon sa masinsinang pag-uusap na kadalasan puro kaplastikan ang laman (*ahem*).

4. MAGIC NA PAGTATAPOS: Maniwala’t kayo sa hindi, ito yung madalas na nangyayari, yung parang “walang nangyari”, para lang busog na dumighay at “poof’ wala ng LOVE, wala ng spark -MAGIC! Pero obserbahan mong mabuti, kung ikaw ay may matalas na pakiramdam, alam mong meron pa din, may ‘baga’ pa, konting paypay pa eh liliyab muli. Pano mo malalaman? Agawin mo yung cellphone at tingnan mo yung inbox – andun pa yung text messages. Masdan mo yung mata kapag dumaan yung dating BF/GF, napapalingon pa din, o di kaya todo iwas, kulang na lang mabali yung leeg. Kapag nabalitaan naman na meron ng ‘bago’ ang dating BF/GF - “IT HURTS!” , “MASHAKEET!”.

NOTE: Natapos ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng kadramahan, na kadalasan sila na rin ang sumuko- ‘Pagod na’.

 (Itutuloy...)

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon