Part 12: "Ang Pag-ibig ay Hindi Ikinatutuwa ang Gawaing Masama!

173 2 0
                                    

Ang Pag-ibig ay hindi ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

In English, Love does not delight in evil but rejoices with the truth.

Sa pangungusap na iyan hindi magkahiwalay ang ‘hindi ikanatutuwa ang gawaing masama’ at ‘ikinagagalak ang katotohan’. Ang kabaliktaran ng paggawa ng masama ay ang ‘truth’. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, ipanapakita na ang ‘kasinungalingan’ ay isang kasamaan at walang puwesto sa nag iibigan. In short, bawal ang sinungaling… (Dami sigurong tinamaan pagkatapos basahin ang talatang ito… Hihihi…)

White lies, lagi ko yang naririnig sa mga tao. Iyan yung kasinungalingan na mabait (white eh), I mean mga pagsisinungaling na 'makakabuti'. Kaso, minsan, hindi naman talaga white lies ang pagsisinungaling na ginagawa natin sa mga mahal natin sa buhay. Kinokondisyon lang natin na “white lies” kuno ang mga bagay na gusto natin itago.

“Wala! wala naman akong tinatagaong picture niya sa cellphone ko. Binura ko na lahat ng messages niya!”

Sa isip-isip mo, hindi mo sasabihin sa kasintahan mo na nag-iimbestiga dahil magagalit siya. Sa loob-loob mo : “Gagamit ako ng white lie, ayoko kasi makitang nagagalit ang kasintahan ko…”

Oh please, kaya nga sumikat ang mga katagang: “Sige na! sabihin mo na ang totoo! Hindi ako magagalit!” Pangontra kulam iyan katagang yan sa white lies kuno.

Hindi ba at gasgas na gasgas na ang kasalanang pagsisinungaling?

“Pare, hindi ko sasabihin yun totoo. Kasi panigurado ako masasaktan yung girlfriend ko. White lie naman itong gagawin ko para hindi siya masaktan.”

O di ba, mukha kang concern? CONCERN MO YANG MUKHA MO!  Instant iwas ka sa nagawa mong kasalanan!

Kung makakasakit ka na wala naman mabigat na dahilan, lalo ng ibang tao dahil sa pagsisinungaling mo, hindi iyan white lie, ang tawag diyan ‘PANLOLOKO’.

May dalawang uri ng pagsisinungaling.

Totoo ba ang SINASABI at totoo ba ang GINAGAWA o kilos mo?  (kala mo sa bibig lang lumalabas ang kasinungalingan at katotohanan? No… sa movements din…)

Magsimula tayo sa pinakamadaling pasinungalingan…

Sinasabi.

Bolero/bolera ka siguro? Malamang malaking porsiyentong masasabi nating ‘OO’, kasi kasama talaga ang ‘pagpuri ‘sa panliligaw, pagiging magkasintahan o pagiging mag-asawa. Di ba? Sus, kunwari ka pa… makapal na nga ang make-up at mukha ng clown ang girlfriend mo… sasabihin mo pa din: “You luk wanderpul!”

 Subukan mong sabihin: “I love you balyena” sa girlfriend mo, ewan ko na lang kung hindi magsimula ang world war 3.

Pero hindi naman nangangahulugan na kailangan mong magsinungaling sa girlfriend or boyfriend mo para lang maging masaya siya. Yung tipong tumutulo na yung sipon niya tapos sasabihin mo pang “You look good today my loves.”

 Marami akong kilalang ganyan, imbes na nakakatulong sa kasintahan na magbago, nakakasama pa. Sinasabi ko ang mga bagay na ito para maging handa ka, hindi rin para maghinala ka sa kasintahan mo, bagkos maiwasan o mabago mo ang masasamang gawa tulad ng panloloko o pagsisinungaling na maaaring nagagawa mo na ng hindi mo namamalayan.

Kasinungalingang mga SALITA na maaaring narinig mo na sa taong ‘Mahal ka’ (daw)

“Ang ganda/pogi mo ngayon!” (Hindi bukas, hindi noon.. “Ngayon” lang talaga,.. medyo totoo ata? haha)

“May gagawin ako mamaya.  Importante.” (Gamit na gamit na. Tapos yung gagawin mamaya, maglalakwatsa lang.)

“Low batt ako” (Kung ayaw makausap, biglang malolow power ang cell phone. Sabay tulog.)

“Sige mamaya” (Yang ‘Mamaya’, ‘Bukas’ iyan haha)

“Mahal kita” (Pinakamasakit. Hindi na kailangan ipaliwanag. Ang salitang ito’y nakakamatay.)

Ginagawa o Kilos.

Madalas nagkikita kayo araw araw, sweet siya sa iyo. Kulang na lang eh ipasan mo siya o magpakarga ka sa kanya kapag hinahatid ka (gagawin kang backpack bag), pero paano kung hindi totoo yung kilos niya at puro lang pala pagpapanggap? Hindi ba sobrang sakit? Yung date niyo at yung pagsusubo niya sa iyo ng fishballs hindi pala iyon sweet sa paningin niya…’nandidiri’ pala siya sa bibig mo! (Oh napakasakit!)

May mga kilos kasi tayo na para bang requirement na kapag may kasintahan tayo… Lalo na kapag estudyante, yung tipong requirement na: paghahatid-sundo. Hindi naman masama iyon, as long as BUKAL sa kalooban niyong dalawa. Uultin ko, BUKAL sa kalooban niyong DALAWA. Kapag hindi iyan mula sa puso, kasinungalingan na kilos yan).

Akala mo eh SWEET? Yun pala puro reklamo ang maririnig mo sa isang partido. Siguro sa ganyan, kailangang magpakatotoo ka sa sarili mo. Hindi naman masamang sabihing napapagod ka at nahahapo ang iyong katawan (REALITY CHECK: napapagod din ang katawan at BULSA!), pero siyempre kapag mahal mo dapat di ka dapat napapagod (iyan pa nga dapat ang nagpapagaan ng pakiramdam mo eh). Ang kasinungalingan, yung pinipilit mong gawin pero kabaliktaran ng nasa puso mo (Whew! Ambigat pre!).

Kasinungalingang mga KILOS na maaaring nakikita mo na sa taong ‘Mahal ka’ (daw)

Binili ka ng rose na white (Regalo niya sa iyo, kasi may bago siyang ‘katext’)

Pinunasan niya yung pawis mo. (Sa bahay tatapon na niya yung panyo. Nandiri.)

Lumuhod sa iyo at humingi ng tawad (Tapos after one month luluhod siya ULIT, hihingi ULIT ng Tawad).

Ang pagsisinungaling ay kasamaan at ang katotohanan ay kabutihan. Kung may nararamdaman ka, sabihin mo, gawin mo. At kung may dumi ang boyfriend / girlfriend mo sa mukha, sabihin mo, punasan mo… Huwag mo sabihing: “You look wanderpul today my labs!”

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon