Part 9: "Ang Pag-ibig ay Hindi Magaspang ang Pag-uugali!"

190 3 0
                                    

In English, “Love is not rude”

‘Magaspang ang pag uugali’, marahil ito na ang salitang nasa kabanatang ito ang may pinakamaraming kasinghulugan. Malawak ang salitang ito. Habang titingnan ko ito sa diksyonaryo, ang mga lumabas na kahulugan ay: “walang galang, bastos, marahas, malupit, walang pakundangan, brusko, impertinente”.

Kung ‘malikot’ ang iyong pag-iisip, lahat siguro ng masama na maaari mong pwedeng gawin na nakakasakit sa tao ay naka-akibat sa salitang ito.

Sa tingin mo ba, ang magaspang na pag-uugali ay: “kabaliktaran ng LOVE IS KIND”,? Tama ka…pero…hindi lubos na tama, (daplis lang ba.). Bakit? Ang kabaliktaran kasi ng KIND ay MEAN/BAD.

Ang rude kasi ay isa pa lamang halimbawa ng BAD attitude.

Siguro hindi ka maniniwalang may mga taong makakagawa ng kabastusan o pagmamalupit sa kanyang kasintahan… nasa isip mo… “Halang na ang bituka ng taong gagawa ng ganoon.” Masarap pakinggan at isipin kung sasabihin mong walang ganyang klaseng tao (sana nga…), pero ako na ang nagsasabi… Meron.

Nakarinig ka na ba nang nananakit na boyfriend, yung tipong bugbog o suntok? Nakarinig ka na ba ng girlfriend na minumura ang boyfriend sa harap ng tao o patago man? Eh…nakarinig ka na ba ng boyfriend na walang galang at bastos? Kung ang sagot mo meron na, puwes diyan sila napapabilang na klasipikasyon – RUDE.

Hindi naman talaga nawawala sa magkasintahan ang mag-away. Talagang kasama ang pagtatalo sa isang relasyon (Aba! Kung hindi pa kayo nag aaway o nagtatalo ng partner mo baka mamaya eh hindi yan tao…). Madalas, ang pagiging magaspang ang pag uugali ay lumalabas kung kayo ay nag aaway.

 Aminin na natin na meron talagang isa sa magkasintahan na mababa ang pasensya, mainitin ang ulo (o sadyang may sayad lang talaga haha). Ang hindi maganda sa ganitong pagkakalabuan ay ang ‘hindi pagkontrol ng mga ikikilos’-na nauuwi sa sakitan o bastusan.

“BANG!”

“PAK!”

“SLOUWWPPP!”
“PIYUKUT!”

“BLANGAG!”

“PUGAG!”

“TRATATATATAT!”

“SHLOP!”

Isangdaang porsiyento akong sigurado, hindi mo alam kung ano yung mga nakasulat sa itaas. Kung ang hula mo ay tunog ito ng GIYERA …MALI ka. Iyang mga yan ay mga tunog na maririnig mo kung merong nag-aaway na magkasintahan o mag asawa na pinapairal ang kanilang ‘magaspang na ugali’. Nakakatakot di ba? Parang papatayin ka sa nerbiyos kung maririnig mo yan lalo na sa gabi.

(PS.Kung alam niyo na kung saan nanggagaling yung ibang tunog na nakasulat sa itaas… isarili niyo na lang, please, huwag niyo nang itanong kung ano yung kilos na gumagawa ng tunog na “PIYUKUT!” at “SHLOP!”).

Halimbawa:

     1.       Ang pagmumurahan ng dalawang magkasintahan. (Kung MURAHIN yung kasintahan kala                  mo Mortal enemy mo.)

     2 .      Ang pangbabastos ng lalaki sa babae o babae sa lalaki. (Yung mga PANGHIHIPO!)

     3.       Ang pang gugulpi. (Kung makapanuntok minsan yung kasintahan, parang punching bag                     lang yung partner. Kulang na lang eh, ilagay sila sa loob ng boxing ring.)

Ito ang tatandaan niyo:

“Kapag nasasaktan ang BF/GF mo, dapat nasasaktan ka din. Ganoon ang pag-ibig... Kung hindi mo iyon nararamdaman kapag nasasaktan ang mahal mo…what are you waiting for? Hiwalayan mo siya dahil hindi mo siya mahal.”

(Itutuloy...)

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon