In English “Love is not selfish”
Sandamakmak na ngayon ang nakikita kong estudyanteng ‘mag-jowa’. Kahit saan ako tumingin, may napapansin ako…
Paglumingon ako sa kanan, may makikita akong magkatabi sa bench (nagrereview), kapag lumingon ako sa kaliwa may makikita akong ngumunguya (nagmemeryenda), magkasama kumain ng lugaw sa kanto at meron ding nagsusubuan ng ice cream… oo, isang ice cream lang ang pinapapak nila. Pero meron ka rin paminsan-minsan na mapapansin, yung may ‘jowa’ na (yun ang alam ng bayan), pero nag-iisa lang…Hmmm… bakit kaya?
Sumasagi minsan sa isip natin, bakit kaya merong mga magkasintahan na hindi madalas na magkatabi? Sa aking palagay, BUSY ang isa sa kanila. Hindi naman requirement ang pagiging laging magkatabi ng magkasintahan (yung ultimong pagpunta sa comfort room ay sinasamahan…?!), pero ang pagkakaroon ng oras mo sa kanya ay parang ‘hangin’ sa inyong relasyon, kapag kulang…hindi ka makakahinga…kapag sobra…hindi ka makakahinga.
Mahirap hawakan ang mga bola sa kamay kapag marami ito. Kung hawak mo ang pag-aaral, pamilya, computer games /internet/Texting, girlfriend/boyfriend, trabaho ng sabay-sabay, malamang may isa kang masasakripisyo. Ikaw ano ang isasakripisyo mo? Kung sinasakripisyo mo ang kasintahan mo para sa mga bagay na nakakapagpasaya lamang sa iyo at nawawalan ka na ng oras sa kanya – ang tawag doon ay pagiging makasarili.
Paano malalaman kung nagiging makasarili ka?
1. Mahilig ka bang mag liwaliw? (Gimmick)
2. Madalas ka bang may katext/kausap na taong gusto mo kahit may GF/BF ka na? (Kerengkeng)
3. Lagi mo bang gustong mapag-isa at ayaw pakialaman ng iba? (EMO-EMOHAN)
4. BILMOKO ka ba? (Bili mo ako)
Kung ang sagot mo ay ‘OO’, malaking porsiyento, MAKASARILI ka. Selfish. Siguro ay dapat mo nang pag-isipan kung papaano ka magbabago. Kung TUTOL ka naman, ipapaliwanag ko sa iyo kung bakit ang apat na tanong sa taas ay naka-akibat sa pagiging makasarili.
1. Madalas na Gimmick
Sarap magpunta kung saan-saan no? Sa mall, sa sinehan, sa mga tambayan… Hindi naman masamang gumimick kung minsan, pero kung sobra na eh,.. ibang usapan na iyan.
Unang una, kapag umaalis ng bahay, hindi maaaring di ka gagastos. Pamasahe pa lang eh gastos na. Buti pa kung magdadate kayo sa ‘park’ o kaya sa ‘parking lot’, walang perang kailangan. Madalas pa sa hindi, ang mga kabataan ngayon kapag sinabing ‘gimmick’ eh gusto yata lahat ng pinupuntahan eh gagamitan ng gasolina at kuryente. Gusto lahat ng inumin may ‘sipa’ - may alak. Gusto lahat ng pagkain lunod sa gravy (Sosyal na pagkain). Lahat po iyon kailangan ng PERA at ORAS. Kung ang banat mo sa akin ay: “GUSTO NAMAN NAMING PAREHAS ANG GUMIMICK!”, eto lang masasabi ko sa inyo… Makasarili pa rin kayo. Bakit? Ito ang tandaan niyo, ang pag-dadate ay hindi umiikot sa pleasures ng katawan. Lumalabas kayo para hindi i-enjoy ang nasa paligid niyo (maling konsepto iyon), kung hindi para i-enjoy niyo ang pagsasama niyong dalawa at ang misyon niyo ay kilalanin ang isa’t isa –Mag-uusap kayo. Kung mas excited at mas natutuwa ka sa ‘iinumin mong starbucks coffee’ kaysa makasama mo ang GF/BF mo…MAKASARILI KA!
2. Madalas Kumerengkeng
Nakakainis ang salita! Kerengkeng? Ewww… Masarap iuntog sa pader ang ulo kapag naririnig mo ang salitang ito. Sabi nga ng isa kong co-teacher, ang tawag sa mga gumagawa ng ganito ay ‘higad’ (Caterpillar) / makati, hindi mapakali sa isa. Aminin na natin, minsan talaga kahit may BF/GF ka na, napapalingon ka pa sa taong mas maganda o pogi sa GF/BF mo (hindi naman masama iyon, lilingon ka lang naman, titingnan mo lang siya), Pero yung HINGIN mo yung cell number, makipag text, makipag chat, makipagdate ka para lang makipagflirt sa iba…makasarili iyon. Bwisit yung mga ganyan… (haha affected masyado eh no?) Imbes na kasintahan mo ang kinakausap mo at kikilalanin mo, nagawa mo pang bawasan ang oras niyo para sa isa’t isa? Kala mo butterfly ka nun? Hindi no! Higad ka! (affected talaga?)
3. Madalas Mapag isa
Ay ano ka? Taong bato? Anong kadramahan ang ginagawa mo at gusto mo laging mapag-isa? Kapag may kasintahan ka ang natural mong dapat gawin ay kilalanin siya, pero sa pagiging mapag-isa mo nagiging makasarili ka, wala kang time para sa kanya. Wala ng tanong-tanong pa kung bakit! Kaya kayo tinawag na partner dahil dalawang tao ang involve sa relasyon niyo. Isa lang ang naiisip ko na dahilan kung bakit gustong mapag isa ng isang tao kahit na may GF or BF siya, siguro hindi pa siya handa sa ‘commitment’.
4. ‘BILMOKO’
Ito ang pinaka nakakatawa sa lahat, yung relasyon na may kasamang bilmoko. Madami ding ‘parasite’ sa mundo ng Students’ Love story, gusto lahat ng pabor nakukuha nila from their GF or BF. Nakakadiri, kung yung kanina ‘higad’ ngayon naman tawag sa kanila ‘garapata’ o ‘linta’ (gusto laging ‘higop dugo’). Bilmoko niyan, bilmoko non, bilmoko nito… lahat pinapabili. Minsan yung iba kunwari pa eh lalambingin yung BF or GF (pacute-pacute) para lang makuha ang gusto. Masarap sigurong i-try ito: kapag nagpapabili sa iyo ng gadgets/mamahaling pagkain/damit….IBILI MO, pero pagkatapos mong bayaran sa cashier ibulong mo sa kanya…”utang yan ah”.
(Itutuloy...)
BINABASA MO ANG
STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)
Humor"Isa akong guro na nais 'i-describe' ang mga nakikita kong pag-iibigan (*buntong-hininga*) ng mga estudyante..."