Part 2: "Anong tawagan niyo? Panget?"

554 4 1
                                    

Sabi ng teacher ko dati : “Masarap daw umibig”, sa isip isip ko, totoo nga iyon, kasi kapag nakikita ko ang mga klasmeyt ko na mag-on at magkatabi parang relax na relax sila, sa kabila noon hindi rin naman yun 100 porsiyentong tunay. 

Kadalasan kapag tinotopak ang mga klasmeyt ko dating magkasintahan sila’y nagkukurutan at naghahampasan (siguro dahil sobrang ‘relax’ sila sa isa’t isa.). Ako na minsan lumalayo doon sa ‘mag syota’, kasi para silang sinasapian: minsan magkagalit (nagsaksakan ng ballpen ) at minsan sweet (nagsusubuan ng chippy). 

Kung nasa isip mo, para silang mag-asawa- Yes tama ka, nagtuturingan silang mag asawa. Tawagan nila? “ASAWA” minsan ‘hubby’ or ‘wifey’. Napapangiti na nga lang ako eh, (gusto ko sana ituro sa kabilang room yung ex nung lalaki at sabihing : “Eh yun…sino yun? Si ‘Kabity’ - pinagandang tawag sa kabit).

Ilan pang tawagan ng mga magsiyota na narinig ko na, base sa klasipikasyon:

Linya ng mga PAMILYA: “Ate at kuya, Mama at Papa, Mom(my) at Dad(dy), bunso, bebe / babe (baby)…”
Linya ng mga KENGKOY: “Mojacko, Pikachu, hello kitty, Winnie the pooh, Piglet, at iba pang anime characters…”
Linya ng mga PAGKAIN: “Honey, sugar, apple, candy, chocolate..."
Linya ng mga NUMERO:" Kuwatro, Siyete, One, Sixteen, nag-iisa..."
Linya ng mga CORNY:” Pogi at ganda, Sweet, Mahal, Irog, sinta, pangga, dodong at inday, …”
Linya ng mga ANIMAL at Tunog nito: “Poink, Oink, Aw-aw, Meow, baboy , puppy, teddy bear, bear, daga, at batty (paniki)...”
Linya ng mga PANLALAIT: “ Panget, , baduy, salbahe , taba, payat, itim, negro at negra…”

Natural, sa hindi magkasintahan hindi nababagay ang ganitong tawagan. Kapag tawagin ba naman akong ‘Poink’ ng estudyante ko baka magdilim ang paningin ko.

Kung iisipin natin (tayong mga 'walang pag-ibig') corny ito. Pero para sa kanila nakakapagdagdag ito ng kilig factor. Natural, yung may tawagan na ganito at pinaparinig sa iba, isa lang ang ibig sabihin – ‘announced relationship’. Merong ‘unannounced relationship’, yung tago pa at bawal pa malaman, bakit? Kasi baka ‘Makasakit ng iba’ (yes, si ‘kabity’). 

Yun namang malapit ng maging magkasintahan ganito din ang tawagan (Explanation: Paraan ng lalaki ito para makapagpapansin). Tulad yung ‘Panget’, kabaliktaran yun, ibig sabihin nun maganda yung babae (effective yan lalo na kung may gusto yung babae sa lalaki). Sabihan ka ng ‘panget’ ng di mo gusto, ewan ko lang kung di mo siya batuhin ng sapatos. 

Madami ang lihim na relasyon pero alam na alam mong ‘sila na’, kasi magkasabay kumain, magkasabay umuwi at magkasabay mag-gimmick. Minsan, todo tanggi pa nga sila eh. Masarap sanang barahin ng “WEEEEEEHHHH?” kapag tumatanggi, o kaya tumayo sa teacher’s table at sumigaw ng “HANSWEET!” kaso di puwede, unannounced nga di ba? 

Kadalasan, yung mga lihim na relasyon ang hindi nagtatagal. Kasi, nagkakabukingan din. Malaking dagok yan sa kanila kapag nalaman ng madla, dudumugin sila ng publiko (parang showbiz), at pag-uusapan.

‘Tsismis’, ang ‘kalaban’ ng lahat ng relasyon: Ito ang tinik sa lalamunan na di maalis, ang langaw na nalunod sa iyong sopas, ang mantsa sa puti mong uniporme, ang alikabok na nakapuwing sa iyong mata. Madami na itong nasirang pagsasamahan, at ito rin ay sumisira sa pag-iibigan ng mga estudyante. Ika nga ng mga gustong manggulo…”Isang TEXT ka lang”. Yan lang ang bala mo para makasira ng lovelife.

(Itutuloy...) 

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon