Part 5: "Pritong Sile at Isang Mangkok na Hangin 2"

179 3 0
                                    

Madalas umuuwi tayo sa bahay na gutom dahil sa kapaguran sa work, sa eskwelahan, sa paglalaro ng sports at sa iba’t iba pang dahilan na nakakapagpapawis sa atin at nakakapagpalawit ng ating dila. Naranasan mo na bang umuwi ka sa bahay at may nakita kang ‘Mangkok’ sa lamesa? Sa sobrang gutom mo hindi ka na nagpaalam kung kanino man ang pagkain na iyon. Medyo mapapa-isip ka pa nga eh “Ano kaya ang laman nito? Sinigang? Adobo? Lomi? Lugaw?”. Pagbukas mo WALANG laman… hangin. PINAASA ka lang ng munting mangkok na nasa lamesa. Bigla na lang magdidilim ang paningin mo, iinit ang ulo mo, magsisimula ka ng maghalughog ng pagkain… sa kaldero, pero wala pa rin “bahaw at tutong ang laman”. Pupunta ka sa may ‘frigider’ (‘ref’ sa mga sosi), pagbukas mo may makikita kang lalagyan ng icecream, akala mo malamig na sorbets…- pagbukas mo ang laman… ‘hilaw na pusit’.

Lakas makapag-paASA di ba? Haha, ganyan ang kadalasang nakikita kong pag-ibig ng lalaki sa estudyanteng babae na nagiging dahilan ng break-up. Ang mga lalaki kasi ‘playful’ pagdating sa pag-ibig. Ewan ko ba kung bakit natural na sa amin na laging may gustong pinagtatawanan o pinaglalaruan (huwag kang ‘green minded’ nung binaggit kong ‘pinaglalaruan’).

Kabaliktaran ng pag-ibig na ‘Pritong sile’ ang “isang mangkok na hangin”. Ang nauna: may ibinibigay, Ang pangalawa: may ibinibigay pero walang laman. Kung iinitindihin mo sa pag-ibig: Ang mga estudyanteng lalaki na nagiging ‘dahilan’ ng break-up ay MADALAS lagi lang ‘NAGPAPA-ASA’. Akala mo ay tunay na pag-ibig, yun pala ‘wala’.

Ngayon kung iisipin mo parang ansama sama naman di ba? Puwes ibibigay ko sa inyo ang Love-meter ng mga lalaki para maintindihan mo:

Mangkok na hangin ang laman = Pinaglalaruan ka lang, baka mamaya nga pinagpustahan ka lang eh. Totoo yan. Dahil meron akong mga kaklase dati na ganyan ang ugali. Magbabarkada at pagpupustahan ka kung mapapasagot ka o hindi. Meron pa silang wallet na ang laman mga babaeng napasagot nila. O di kaya, hindi talaga siya handa sa seryosong relasyon, akala niya laro lang ito.

Mangkok na may kasamang malamig na sabaw = May interes siya sayo, gusto kang maging kaibigan. CRUSH ka (maganda ka eh, o maganda kang tabihan sa exam at kapag may project) Masaya kang kasama. Kaya kahit papaano, bibigyan ka niya ng oras at panahon. Pero hindi siya magpapakapuyat sa iyo (“ano ka sinuswerte?”). Kapag naubusan siya ng load… ano pang iniintay mo- loadan MO siya! Kapag naglalaro siya ng computer games or ng basketball…’Wait ka lang.’

Mangkok na may kasamang lugaw with egg = Lalaking gusto kang kilalaning mabuti. Bihira lang ang ganito kung ‘bata’ pa ang lalaki o hindi pa matured. Gagawa siya ng paraan para magkita kayo, minsan loloadan ka pa para lang makausap ka. Tatagal ang relasyon niyo dahil sa ganitong klaseng pag-ibig. Kadalasan lumalago ito at may magandang resulta.

Mangkok na may sinigang, mainit na kanin at may kasamang malamig na malamig na Coca Cola!  = Iniisip ka lagi at gagawin niya ang lahat para sa’yo. (HABA NG HAIR MO INDAY!). Magpapaload lagi dahil sa’yo. Reregaluhan ka ng ‘teddy bear’ sa valentine’s day, with matching ‘poem’ (tula, kahit walang rhymes). Sinasabihan siya ng mga kaibigan na ‘KJ’ dahil iniiwan niya ang laro para sa iyo (ikaw na!). Huwag ka nga lang magmamalaki at aabusuhin ang ganitong mga lalaki. Subukan mong maghain ng ‘pritong sile’…balik ka sa ‘mangkok na hangin’.

PAKAKATANDAAN: Ang dalawang klaseng pag-ibig na ito ay pwedeng  MAGKAPALIT, ibig sabihin, pwedeng ‘pritong sile’ ang ihahain ng lalaki sa babae, at minsan ‘mangkok na hangin’ ang inihahain ng babae sa lalaki. Pwede sa girl, pwede sa boy.

Eh TAYONG mga WALANG pag-ibig saan tayo napapabilang na klasipikasyon? nandoon tayo sa bagong flavor ng coke…..- ‘zero’. Pero sabi ko naman sa kanila: gusto naman talaga namin maging single. Gusto naming maging ‘Stick-O’, …stick to ZERO. 

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon