Part 8: ""Ang Pag-ibig Hindi Mayabang at Hindi Mapagmataas!"

151 3 0
                                    

In English, “Love is not boastful/proud.”

Girl: “UY! Bebe, tingnan mo nakuha ko! 95% !!! Ikaw anong nakuha mo?”

Boy: “65% ako hon, bagsak…”

Girl: “Hahaha…kahit ano talagang gawin mo, mas matalino ako sayo…”

(kung biro…Biro, pero sa kabilang banda…masakit.)

Marami sa atin ang mahilig ipagmalaki ang ating natatamong tagumpay sa buhay. Isa na ito sa gawain ng tao, lalo na sa henerasyon natin na puro na lang kompetisyon.

 Ang pagpapakita naman ng mga natamong  karangalan ay hindi naman masama kung ito ay tunay at maaaring makapagbigay ng motivation sa mga tao.

(In short, “Kung kaya ko - kaya niyo rin, love you all…”, sarap pakinggan di ba?)

Ang pagiging mayabang ay naiiba sa dalisay na pagpapakita ng iyong tagumpay, sapagkat ang ‘pagmamayabang’ ay: Pagpapakita ng iyong kataasan, upang mapakita ang kahinaan ng iba - ito ay nakakasakit at nanghahamak ng ibang tao” (In short, “dragon”…halimaw).

May mga tao kung saan ginagamit lang nila ang kanilang partner. Ipinapakita lang nila ang kahinaan ng kasintahan upang  i-angat ang sarili.  Ito  ay  isang uri ng pagmamayabang.

“Nakikita niyo ba ang kasintahan ko? Matalino AKO, siya’y hindi!”

(MAG-INGAT: Iyan ay hindi pag-ibig!)

Huwag na huwag mong ipagyayabang na mas magaling ka sa isang bagay kaysa sa kanya, para lang mapatunayang mahina siya at ikaw ay malakas, bagkos pakita mo ang galing mo para magaya ka niya at parehas kayong magtagumpay!

Ito ang tatlong bagay na nararapat mong gawin kung: Mas talented, maganda/pogi, matalino, sikat ka kaysa sa kasintahan mo:

Una, pipilitin mo siyang i-angat.

(Tuturuan mo siya, magiging titser ka niya. Kung matalino ka, mag-aaral kayo ng sabay. Hindi yung tipong papakopyahin mo siya ng assignment at mandadaya kayo, sasamahan mo siyang mag-aral sa ilalim ng puno ng Balete…(Ang sweet, magdala na rin kayo ng tsitsirya at samalamig…) instant date!

Pangalawa, magpapakababa ka at dadamayan mo siya.

(Hindi ko ibig sabihing ‘magpapakapanget ka’! o magpaka-bobo ka!, Kung siya ay SIMPLE at mahilig kang magdamit ng mamahalin, dadamayan mo siya at magdadamit ka din ng ‘simple’ tulad niya.  Samahan mo siyang mamalengke, pakita mong kaya mo rin ang kanilang pamumuhay. Sabi nga nila: Dapat  magkasama kayo ‘SA HIRAP AT GINHAWA’.

*TIP sa Palengke date: For instant kilig factor, bumili ka ng bulaklak ng Kalabasa, yung sariwa, haluan mo ng Alukbati. Itali mo sa dahon ng Ampalaya at ipormang bouquet, bigay mo sa kanya at sabihin ang sumusunod na kataga…”Para kang Gulay ng buhay ko, nagbibigay kulay at sigla sa aking mundo!” (Sa umpisa korni, pero pagkatiwalaan mo ako, hindi niya yan makakalimutan hanggang tumanda kayo haha.)

Pangatlo, pagtatanggol mo siya sa kaibigan mo habang isinasagawa ang ‘Una at pangalawa’ mong tasks.

(Maging mahinahon ka sa lahat ng oras dahil ang ‘matuto’ at ‘mag-adjust’ sa isang bagay ay hindi nangyayari ng isang araw. Darating ang pang-aasar sa inyo ng tao. Sa panahong iyon, masakit para sa kasintahan mo ang ganito. Ipakita mo sa kanyang kaya niya - habang ipinagtatanggol mo siya.)

Sa eskwelahan hindi mawawala ang payabangan, marami talagang mayabang. Yung iba nga, nagwawagi sa kayabangan nila. Mas nakikita sila ng tao. Mas napapansin dahil masyado silang mahangin, daig pa nila ang ‘tornado’. Kasama yan sa ‘masukal at madamong’ pakikipagsapalaran ng mga estudyante sa eskwelahan, pero sana, ang relasyon niyong magkasintahan huwag mo ng gawing ‘gubat’.

(Itutuloy...)

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon