Part 7: "Ang Pag-ibig ay Matiyaga at Mabuti!"

343 5 5
                                    

Sa nakaraang mga kabanata siguro ay naiintindihan mo na ang nais kong ipahiwatig… Sa ‘Tula ng Estudyanteng Baliw sa Pag-ibig’, ipinakita dito ang very “superficial’ o napakababaw na uri ng pag-ibig (Pag-ibig nga ba? Or Crush lang?). Maaari nating sabihin na “Marami pa rin ang hindi nakakaintindi ng salitang pag-ibig o pagmamahal”, miski ako din, dumaan sa ganyan.

 Kadalasan, maraming nasasaktan dahil pumapasok sila sa relasyon na hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin.

Teka…

”Ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig?”

Ito marahil ang isa sa pinakasikat o pinakamadalas tinatanong ng mga tao. Marami ng nabwisit na mga tatay, nanay, ate, kuya, guro, kasintahan, at mga dyaryong tabloid ang katanungang ito. Pati ako dati hindi ko masagot ang tanong na ito. Natatandaan ko pa, may pinagtanungan akong ermitanyo (teacher ko) dati… ang sagot niya lang “Ang pag-ibig ay misteryo.” Sa tingin ko masasagot ito, at ito ang pinakamagandang sagot na maaari kong ibigay sa inyo:

“Ang PAG-IBIG ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.”

Ring a bell? ‘Parang’ narinig mo na ito? Kung ang hula mo ay galing ito sa banal na kasulatan o bibliya magaling …TAMA ka! Isa kang dakilang henyong banal. (Dapat pala kinanta mo muna ang ‘Aleluya’ bago mo binasa yung kahulugan ng pag-ibig).

Ang kahulugan ng pag-ibig sa talatang ito ay maaaring gamitin tulad ng: Pag-ibig sa Diyos, Pag-ibig sa pamilya, Pag-ibig sa kaibigan at Pag-ibig sa kasintahan. Ngunit ngayon, sa kadahilanang ‘Students’ Love stories’ ang pinag-uusapan natin tatalakayin natin ang ‘pag-ibig sa teacherl’…haha joke lang, I mean… ‘pag-ibig sa kasintahan’.

Upang maintindihang mabuti ang mga salita, kailangan natin itong himayin ng isa-isa. 

“Ang Pag ibig daw ay: Matiyaga”

In English, love is patient (take note, hindi pasyente ng ospital). 

Sabi ng isang salawikain…“Kapag may tiyaga, may nilaga”, sa pag-ibig, “Kapag may tiyaga, may love”. Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Nasisiyahan ka sa pagpapakapagod para sa taong iniibig mo (sarap pakinggan, parang telenovela).

Halimbawa:

May nanligaw na ba sa iyo? At sinabi niyang parang ‘mahal’ ka na niya? (bilis eh no? Mahal agad? Agad-agad!?). Akala mo parang tunay, kasi nung nanligaw nagdala pa sayo ng sulat na may tula (PINAGHIRAPAN niya iyon, natural kikiligin ka). Impressed ka agad sa ginagawa niyang effort on ‘Day 1’. 

Sumapit ang ‘Day 2’, dala sayo ‘rosas’ at tsokolate’ (BINILI, okay pa rin, pinagipunan niya siguro yun mula sa kanyang natitipid sa pamasahe, papiso-piso).

Day 3, nag text sayo at nag message sa facebook ng quotes (KINOPYA niya sa internet, parang wala ng effort?).

Day 4, nag-aabang ka, walang dumating ni ultimong ‘kalabit’ mula sa kanya, WALA. Daig niyo pa yung kanta ni Imelda Papin na may lyrics na : “Lunes, ng tayo’y magkakilala, Martes ng tayo’y muling nagkita…”

Anak ng kalabaw! di man lang kayo umabot ng isang linggo. Ganyan ba ang pag-ibig? Hindi.

Kung mula sa puso ang pag-sabi niya na ‘Mahal’ ka daw niya (na hindi rin ako naniniwala, sapagkat sobrang bilis), dapat siya ay MATIYAGANG nanligaw sa iyo!

“Ang Pag ibig daw may Magandang loob”

In English, love is kind.

Perfect! Dapat mabait…dapat mabuti…dapat maunawain…dapat…

Pero kadalasang ginagawa ng magkasintahang estudyante ‘Love is mean’. Parang ang pag gawa ng kabutihan sa taong minamahal ay utang na loob – mali iyon. Natural na kabaitan ang nararapat lumalabas sa iyo kung mahal mo ang isang tao. Hindi nababayaran ang pag-ibig, ‘Ipinagbabawal iyon’.

Laman ng diyaryo ang sari saring krimen ng patayan: magkamag-anak, minsan mag-asawa. Nakakatakot isipin na yung ‘kasal’ nila dati ay nauwi sa ganitong pagtatapos -‘saksakan’. Kung mahal mo ang isang tao, magiging mabuti ka sa kanya, sa lahat ng bagay. Una na dito, hindi mo siya sasaktan, pisikal man o emosyonal. Hahanapin mo ang kabutihan sa kanya, pipilitin mo. 

Halimbawa:

Kung may kasintahan ka, proproteksyunan mo at kapag inaapi siya ng mga kaibigan mo pagtatanggol mo, walang laglagan.

Kung sinabihan siya ng kaibigan mo ng: “Alam mo pre, mukhang bayawak yung girlfriend/boyfriend mo.” Ano ang gagawin mo? Pagkakalululo mo ba ang girlfriend/boyfriend mo? Ano ang sasagot mo?

A. “Oo nga eh, kulang na lang maging kulay green siya…”

B. “Hindi ko alam eh, mukha ba?”

C. “Of course not! Beauty is in the eyes of the beholder. I love her/him, she/he has a good heart, and I think that is more important than physical characteristics” (Walang-jo! Napa-english ka pa… haha…)

D. No Comment

Kung ang sagot mo ay:

‘A’ = Interpretasyon: Wala kang kwentang tao, mahal mo ba talaga yon? Pinagkalulo mo na nga, ginatungan mo pa.

‘B’ = Interpretasyon: Aba? Hindi ka sigurado? Meron ka sigurong pagsisisi at siya ang naging girlfriend/boyfriend mo ngayon.

‘C’ = Interpretasyon: Winner! (*Fireworks!*)

“D’ = Interpretasyon: Utak ipis ka. Wala kang alam.

(Itutuloy...)

STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon