Sabik ka sa pagpasok sa eskwela,
Dahil sa aral ng Siyensya at matematika
Kaibigang masayang kasama,
Pagkain, baon at pera.
Interpretasyon: (NABUBUHAY KA SA BAON AT HINGI.)
Una, pinipilit mong isipin,
Mga magulang at adhikain.
Makatapos sa mga aralin,
Makagraduate, maani ang naitanim.
Interpretasyon: (SA UNA LANG YAN.)
Dumating ang isang babae/lalaki,
Sa buhay ng walang pasintabi,
Lagi mo ng sinasabi,
Crush lang yon ‘Walang mangyayari!’
Interpretasyon: (CRUSH! DIYAN NAGSISIMULA LAHAT.)
Lumipas ang mga araw,
Madaming beses mo siyang tinatanaw,
Sambit mo ay NORMAL ang iyong galaw.
Ngunit sa paningin ng iba ika’y magaslaw.
Interpretasyon: (KINIKILIG LAHAT NG PARTE NG KATAWANG LUPA MO.)
Gusto mong magkalapit kayo,
Pero hindi maaring mangyari ang ganito
Mababa ang self esteem mo.
Baka hanap niya ay matalino.
Interpretasyon: (OH BAKA MUKHA KA KASING KABAYO.)
Dumating ang pagkakataon,
Nagkatulakan ang mga kaibigan mo’t kampon.
Itinulak ka sa crush mo, siya’y napalingon,
Kunwari ka pa gusto mo naman iyon.
Interpretasyon: (SANA SUMUBSOB KA SA LIPS NIYA? AMBISYOSA.)
Ikaw ay Napansin!
Sa wakas nangyari na rin!
Palakpakan tenga mo’t labas ipin,
Mukha kang baliw, tulo laway ka pa rin.
Interpretasyon: (IN SHORT PARA KANG ASONG MAY RABIS. Haha)
Lumapit siya sa lugar mo.
Para kang asong nalilito,
Ibinigay niya ang number at sambit sayo:
“Minsan naman text text tayo.”
Interpretasyon: (GANDA/POGI MO!)
Nagtatalon kang umuwi sa bahay.
Parang nalolokat’, As usual tulo laway.
Nagpaload pang one to sawa’t panghabang-buhay,
Nagtext ng tama lahat ng spelling, walang sablay.
Interpretasyon: (NAGPAPANGGAP NA MATALINO ANG KURIPOT NA BALIW.)
Inintay ang reply niya buong gabi,
Naiiyak ka na nga sa isang tabi.
Baka binigay na cel number ay mali,
“Huhu” ang lumabas sa iyong labi.
Interpretasyon: (AY? MAY PA-IYAK IYAK NA? FEELING BF/GF NA? )
Nagvibrate ang cellphone mo’t tumunog.
Kinuha, in-unlock, nangangatog.
Ang dibdib mo’y kumakabog,
Siya na kaya ito? Puso mo parang sasabog.
Interpretasyon: (MAY-PANGATOG NGATOG PANG-EFFECT?)
Lord siya na nga, thank you!
Magsisimula ang pag-uusap kahit malayo.
Ang akala mo text sayo “I love you.”
Ang nabasa mo lang “Hu U?”
Interpretasyon: (BWAHAHAHA!)
Hanggang madaling araw kayo ay nag-usap.
Mga titik, letra’t lahat nasagap.
Kahit ang mga mata’y umaandap-andap,
Nag-aasam ka na ang pagibig sa kanya ay lumaganap.
Interpretasyon: (ASSUMING…)
Pagpasok mo sa eskwelahan, ikaw ay masaya,
Si crush agad ang hinahanap, walang palya.
Bukod sa ‘mataas na grade’ na nakakapagpaligaya,
Ang inspirasyon mo ngayon ay SIYA.
Interpretasyon: (SIYA ANG MAGIGING DAHILAN NG PAGBAGSAK MO.)
Laking gulat mo, crush mo ay may KATABI,
Isa sa sikat at nilalapitan ninyong kaklase.
Sa kaibigan pinagtanong tanong mo’t pinasintabi:
“Sino iyon, linta kung makadikit at ang arte!”
Interpretasyon: (ABA? NAGTEXT TEXT LANG KAYO, NAGSESELOS KA NA?”)
Sagot ng iyong kaibigan: “Ah iyon? KASINTAHAN niya!”,
“Nagligawan, kelan lang naging sila!”
“Oh bakit namumugto ang iyong mata?”
“Uy….parang nagseselos siyaaaaa!”
Interpretasyon: (KAIBIGANG MASARAP I-UNTOG SA PADER!)
Panaginip lang ba ang lahat?
Mga text niya sayo at mga banat?
Luha sa mga mata mo ay kumalat,
Pati langit, sumabay sayo: umulan-kumidlat.
Interpretasyon:
KANTAHIN MO NA LANG ANG SINAKTAN MO ANG PUSO KO’ BY MICHAEL V…
Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo,
Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo
CHORUS:
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso koAng brutal pala ng kantang yun…haha…basta tandaan mo… ”TULOY ANG BUHAY!”
BINABASA MO ANG
STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)
Mizah"Isa akong guro na nais 'i-describe' ang mga nakikita kong pag-iibigan (*buntong-hininga*) ng mga estudyante..."