In English love it is not easily angered, it keeps no record of wrongs”
Siguro alam na nating lahat ang payo ng mga matatanda : ‘Ang babae hindi yan pinapaiyak, minamahal yan…’ Maganda sanang payo ito, KUNG gagawin ngang pangako. Kaso, may kasabihan: ‘Ang pangako ay napapako’, hindi natutupad.
Makikita sa mga magkasintahan ang ganitong sitwasyon: may isa sa kanila ang laging magagalitin o matampuhin. Normal lang naman talaga sa tao ang magalit, lalo na sa magkasintahan o mag-asawa, hindi yan mawawala. PERO, Kung mahal mo ang isang tao, hindi mamumutawi sayo ang pagkamuhi, kahit magkamali siya – mapapatawad mo siya (hirap magmahal no!). Sabi nga nila ang pagmamahal daw ay sakripisyo, ito na yun! Ang sakripisyong hinihintay ng lahat: ang pagkakamali at pagpapatawad mo sa taong mahal mo.
Ipapakita ko sa iyo ang ilang problema at sitwasyon (ng magkasintahan) na nagpapagalit sa estudyanateng babae o sa lalaki (gagatungan ko din ito, para maramdaman mo ang galit. Haha) at ang solusyon dito:
Problema # 1 : Nakalimutan ng BF/GF ang anniversary niyo.
Madalas yan sa magkasintahan, kahit sa mag-asawa. Ang kalimutan ang isang importanteng araw ng dalawang nag-iibigan ay marahil malaking bagay na para sa ibang tao.
Gatong: “Grabe nakalimutan niya! How dare him/her! Minsan na nga lang yang event na yan kakalimutan pa… eto pa, kung yung anniversary nga nakakalimutan, pano pa kaya yung iba pang events sa buhay niyo!”
Solusyon: Huwag magalit. Patawarin mo.
Problema # 2: Binato ka ng unan, saktong tumama sa mukha mo.
Aminin natin na masarap makipagharutan sa kasintahan. Cute! Lalo na yung kapag na aasar na ang isa.
Gatong: ‘Hala! Sobra yun! Nambabato? Sa simula unan lang ibabato sa iyo, pano pa kaya kapag mag asawa na kayo, ano na lang ang lilipad diyan sa mukha mo?’
Solusyon: Huwag magalit. Patawarin mo.
Problema # 3: Tinawag kang “GODZILLA’ dahil inaasar ka.
Pang-aasar, iyan ang simula ng pikunan, hindi lang ng mga nag-iibigan, ganon din ng mga magkakaibigan.
Gatong: Manlalait siya. Masakit ang tawaging Godzilla. Monster kaya yun. Nagbubuga pa ng apoy, baka ang nasa isip niya nagbubuga ka ng ‘bad breath’.
Solusyon: Huwag magalit. Patawarin mo.
Problem # 4: Hindi ka nilibre ng pamasahe ng BF mo, kahit sinabi niyang siya ang magbabayad ng lahat.
Nasanay na ang mga Pilipino na lalaki ang gumagastos lalo na sa pagdadate. Kaso, kung sinabi mo na iakw ang magbabayad, dapat ikaw ang magbayad!
Gatong: Bukod sa nagsinungaling sayo, minsan na nga lang kayo lumalabas, hindi ka pa makuhang i-libre. Tsk tsk. Kuripot…
Solusyon: Huwag magalit. Patawarin mo.
Ultimate problem: Kinuha niya ulit ang cell number ng ‘Ex’ niya.
Ang pagbubukas muli ng komunikasyon sa ‘Ex’ ay may 'kahulugan', maaaring gusto na lang niyang makipagkaibigan (o matured na talaga siya), at wala na sa kanya ang mga bagay na ito. Nagmove-on na. Maaari din, may naiwan pa siyang lihim na pagtingin dito.
Gatong: ‘ Aba! Aba! Ayan ang malupit. May GF/BF na, nakuhang pang manlandi sa iba?
Solusyon: Kausapin mo at itanong ang dahilan, Huwag magalit agad. Patawarin mo.
Iba pang problema: At kung ano ano pang bagay na nasaktan ka? Huwag magalit. Patawarin mo.
Hindi ko sinasabing magpakamartir ka... hindi na kailangan ng panibagong Jose Rizal, at hindi na kailangan ng bagong santo. Ang ibig sabihin lang niyan ay patawarin mo siya sa ‘maliliit’ na bagay.
Kung ang tanong mo eh : “PAANO KUNG MALALAKING BAGAY ANG NAGAWA NIYA AT NASAKTAN KA NG TODO TODO?” (ayan ha! nakacapslock para sa iyo, alam kong ayan ang susunod mo kasing itatanong…)
Katulad ng nakalagay sa ‘Ultimate problem’ sa taas, ang kailangan mong gawin ay ‘kausapin mo’. Magkaroon kayo ng pagkakaintindihan. Huwag ka magpadalos-dalos lagi at magagalit ka. Madalas, ang ‘hindi pagkakaunawaan’ ang problema ng magkasintahan at masosolusyunan lang ito sa pamamagitan ng masinsinang pag-uusap.
Halimbawa (Yung Ultimate Problem sa itaas):
May pagkakataon talagang magkita kayo muli ng ‘Ex’ mo or ‘ex’ ng kasintahan mo. Kadalasan kung sa school, mahirap, dahil para kang tinotorture (tinutusok yung puso mo, masakit yun!) . Nakakailang iyon sa simula. Pero eto…Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa ‘ex’ dahil nakakahawa ang galit. Hindi mo maaalis ang ‘dating’ ugnayan nila/niyo sapagkat naisulat na ito sa buhay mo/niya. Kung pipilitin mong kagalitan ang ‘ex’, dadaloy ito sa isip mo, sa kaibigan mo at pati na rin sa pamilya mo. Ang pagkamuhi ay parang lason na unti unti kang uubusin.
Pano kung nakita mong kinuha ng GF/BF mo ang number or nakita mo silang nag-uusap?
Kausapin mo pagkatapos ng palitan nila ng number or pag-uusap nila, at kung may TIWALA ka sa kanya, seryoso kang ‘magtanong’.
May magkasintahan na kasing nagkagalit dahil dito. Kinuha yung cell number ng dating ‘ex’ girl friend, nagkagalit ang magkasintahan at nag-away sila ng todo. Yun pala, kinuha lang ang number dahil meron silang ‘group presentation’ at kailangan nila yun sa school.
Huwag ding magtatanim ng sama ng loob: “Huwag bitter” ika nga nila. Huwag kang ‘ampalaya’ na sobrang pait ang lasa.
Kung patawad ka nang patawad, tapos babalik-balikan mo? Wala rin kwenta iyon! GALIT KA PA DIN. Iba ang dinidikta ng saloobin mo kapag pinapatawad mo siya ngunit hindi pa rin iniintindi ang kalagayan niya. Halimbawa: Kung lagi kayong nagkakagalit dahil nakakalimutan niya lagi ang Monthsary niyo (grabe, may monthsary na ngayon ang mga kabataan!), patawarin mo siya, intindihin kung bakit na nakakalimot siya lagi. Maging handa ka na rin, dahil kung talagang malilimutin siya at problema niya ito, mauulit at mauulit ito. Intindihin mo siya, mahal mo eh.
(Itutuloy...)
BINABASA MO ANG
STUDENTS' LOVE STORIES: Titser's view (TAGALOG)
Humor"Isa akong guro na nais 'i-describe' ang mga nakikita kong pag-iibigan (*buntong-hininga*) ng mga estudyante..."