[3] Totoo

7.1K 323 23
                                    

V I N C E N T

Humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon. Fuck.

Ganitong itsura ba talaga ang inihaharap ko sa mga tao ngayon? Ano kaya ang iisipin nila kung ang tanging nakikita lang nila sa akin ay ang blangkong mukha?

Pero wala akong pakialam. Basta ako, may sarili akong mundong ginagalawan.

Naririnig ko sa kanila na ang sungit sungit ko daw. Mga lapit naman nang lapit sa akin. Kunyari pa.

Takot na takot sa akin ang mga nagiging kaklase ko. Ewan. Bahala sila. Wala akong pake.

Bumuntong hininga ako at inayos ko ang buhok ko pataas. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko at ngumiti ako saglit.

Nagawa ko na 'to kanina.

Napailing na lang ako at lumabas na ng CR. Kakatapos lang ng training sa basketball at halos mag aalas-siyete na ng gabi.

"Badtrip, ang talkshit ni Ken. Hindi na naman sumipot," Rinig kong sabi nung captain habang nagpupunas ng pawis.

Lumapit na rin ako sa kanila at niligpit ko na 'yung mga gamit ko at nag-umpisa na rin akong umuwi.

"Bro, wala kang kasabay?" Sabi ni captain at umakbay sya sa akin.

Na isa sa pinaka-ayokong ginagawa sa akin.

I just nodded.

"'Diba galing ka sa benches kanina, have you seen my Ken?" Tanong nya.

Ken. Kilala ko 'yung Ken na sinasabi nya. Siya 'yung wirdong lalaki. The jeepney encounter. The ID. The armrest. The talk.

"N-no. Hindi ko siya nakita." Sabi ko at tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"'Wag mo siyang hanapin sa akin. Maraming tao sa bench kanina, hindi lang ako. Isa pa, hindi ko kilala 'yang Ken na yan." I told him.

"O...kay?" Sabi nya.

Nauna na akong maglakad palabas ng gate.

Kanina ko pa na-text si dad na sunduin ako ng quarter to 8 kaya siguro, naghihintay na siya sa may gate. Pagkarating ko sa labas, hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang nakaparadang kotse sa harapan ng waiting shed at nakita ko si Dad na nakasandal sa pinto noon.

"Training, training. Puro training. Mabubuhay mo ba ang sarili mo sa kakabasketball mong 'yan, Vincent?" Bungad ni dad sa akin.

"I'm sorry." Sabi ko na lang at sumakay na ako sa kotse. Ito na naman tayo.

Bwiset na buhay 'to. Palagi na lang akong napapakialaman. Lahat na lang ba sila? Nakakapikon eh.

Pumasok na rin si dad sa loob ng kotse at nagsimula na siyang magdrive. At sa kalagitnaan ng pagd-drive, walang tigil ang panenermon niya sa akin.

Naririndi ako. Wala naman siyang ibang sinasabi kundi tumigil na ako sa pagbabasketball. Magfocus na lang daw ako sa academics ko at imaintain ang pagiging dean's lister.

Bakit? Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Kung tutuusin merits pa nga ang pagiging atleta.

Nang makarating kami sa bahay, bumaba na ako at pumasok sa kwarto ko. Napabuntung-hininga ako nang makita ko ang kwarto kong sobrang gulo.

Bote ng alak, balat ng mga sistsirya. Pinggan at mga baso. Pitsil.

Napapikit ako. I know, it's a sign of depression. Pero wala. Nilalamon talaga ako.

Matagal na panahon na rin ang nakalipas simula noong mawala ang taong mahal ko. Nang dahil sa akin.

Ang boses nya, paghawak nya, lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanya ay nami-miss ko. Si Lhor. Kaya lang, sa sobrang bait ng panahon sa akin, namatay naman sya.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon