R E N Z
Lubos akong nagpapasalamat sa author ng istoryang ito dahil binigyan ako ng pagkakataong mailahad ang aking nararamdaman. Haha.
"Bakit ka nga nandito? Tanghaling tapat nandito ka." Kunut-noong sabi ni Ken at umupo sya sa tabi ko.
Tinitigan ko siya. Pinagpapawisan siya at pinapaypayan niya ang sarili niya.
"Hindi ko sasabihin sayo kung bakit ako nandito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Hindi ako naniniwalang galing ka sa date. Tingnan mo nga itsura mo, pawis na pawis ka, tapos naka short ka lang tsaka t-shirt na pambahay. How come na nakipag-date ka?"
Napatigil siya saglit at napatawa siya.
"Okay, ok fine. May hinatid lang ako kay Vincent Saavedra na folder. Panigurado kasing magkaka-quiz next week. Speaking of next week, diba sa monday na 'yung league?"
The moment na masabi ni Ken ang salitang 'league', biglang kumirot ang puso ko.
Pilit akong ngumiti, "Yes, at kailangang-kailangan ko ang suporta mo dun. Hindi ka pwedeng mawala!"
"Ok, sige, fight!" Sabi niya.
"Ngayon, ikaw naman tatanungin ko. Bakit ka nandito?" Dagdag nya.
I smiled, "Kumain ka na ba?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa nga eh. Dalawang pandesal nga lang 'yung nandiyan, tapos nilalanggam pa. Wala pang sinaing haha. Wait magsasaing lang ako,"
Akmang patayo na siya ay pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"Wag na, kain na lang tayo sa labas. Treat ko."
~*~
Matagal ko nang gustong gawin ang makakain sa labas kasama siya. Na para bang nagde-date kami. Haha. I think, it's about time na rin talaga na mag-take ako ng risk. Sa tingin ko, mas maganda na 'yon kesa hayaan ko ang sarili kong kimkimin lang 'tong nararamdaman ko.
Bakit kasi ganito? Sa dami ng taong nakasalamuha ko, bakit siya?
Wag na tayong magtanga-tangahan, Renz. Kasama ko siya sa halos lahat ng oras. Kapag may problema ako, wala akong ibang pinagsasabihan kundi siya. Alam ko kasing matino siyang magbigay ng payo.
Kapag bored ako, china-chat ko siya at pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Manonood kami, maglalaro o magku-kwentuhan.
Kaya tingin ko, hindi imposible 'to. Hindi imposibleng mabuo 'tong nararamdaman ko sa kanya.
"Anuna, Renz? May balak ba tayong kumain o uupo na lang tayo rito?" Sabi bigla ni Ken.
Napabalik ako sa huwisyo ko nang mag snap sya sa harapan ko.
"Eto na, eto na. Nakapili ka na ba ng iyo?"
"Kung ano 'yung sa'yo, ayun na rin ang akin. Hindi naman ako maarte sa pagkain." Sabi niya. I smiled at ako na ang umorder ng pagkain.
Pagkakuha ko, bumalik na ako sa puwesto ko at binigay ko kay Ken yung pagkain niya.
"Huy, lunch lang! Parang kasama na dinner dito sa dami nito eh," sabi nya.
Napatawa ako ng mahina.
"It's ok. Libre ko naman. Kaya kumain ka lang nang kumain."
"Ok." Sabi nya.
Nagsimula na rin akong kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla akong may maalala.
"Ken, pwedeng magtanong?"
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...