K E N
Napatingin ako dito sa katabi ko na kakaupo lang.
Ano na naman bang meron sa ulol na 'to? Nahihibang na naman ba sya? Eto na naman tayo. Tapos ang lakas ng loob nyang sabihin na ginusto ko yung ginawa nya dati.
"H-ha?" Sabi nung lalaki.
"Sabi ko back off. Pagmamay-ari na 'to ng iba, wag mo nang guluhin." Sabi ni Vincent at inakbayan ako.
"Ahh pre, wala naman akong ginagawa. May tinanong lang ako."
"Parang ganun na rin 'yon. Dun 'yon nag-uumpisa eh. Binabalaan na kita hangga't maaga pa."
Hindi na nagsalita 'yung lalaki.
Huminga ako ng malalim at tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Vincent.
Tumingin ako dun sa lalaki.
"Tama ka. Nagpanggap lang sya na boyfriend ko nung time na 'yon. At oo, hanggang ngayon tinutuloy nya kagaguhan nya." Sabi ko.
Tumingin naman ako kay Vincent, "At ikaw, alam mo bang siraulo ka? Unang-una, hindi ko ginugusto 'tong ginagawa mo. Pangalawa hindi ako nag-aassume. Pangatlo, hindi nakakatuwa ang trip mo sa buhay. Ano naman kung kausapin nya ako? Unless, gusto mo talaga ako at tunay na nagseselos ka?" Sabi ko.
Vincent smirked, "As if."
"Ano?!"
"Wala." Sabi nya.
Hindi na ako nagsalita. Hindi ko na rin sila tiningnan. Ang awkward.
Naiinis na talaga ako dito kay Vincent. Namumuro na sya. Ewan ko ba kung bakit nya ginagawa 'to. Baka trip lang nya. Sa pagkakaalam ko, nasa proseso sya ng moving on dahil nga, you know, pumanaw ang love of his life. *katok katok* Pero tingnan mo ngayon, kung mantrip wagas.
Hanggang sa makarating kami sa babaan ay hindi ko na sila pinansin. Bahala sila sa buhay nila.
Tumawid na ako at sumakay ng tricycle papunta sa amin.
Nang may bigla akong maalala.
Oo nga pala. May ibibigay nga pala ako kay Renz na remembrance. Wala lang. Gusto ko lang, bakit ba?
Ang corny pakinggan pero wala lang. Mahilig kasi ako sa mga ganung stuffs. Ang balak kong ibigay na remembrance sa kanya ay 'yung sobrang liit na stuffed toy na binili ko lang sa tiangge kahapon. Ang galing nga eh. Binili ko talaga 'yun para may key chain ako. Pero dahil nalaman kong paalis si Renz, sige kanya na lang. Cute naman eh.
Mura lang naman. 15 pesos lang. Maliit lang sya na penguin. You know, para lang talaga mag-serve na remembrance. Hindi naman kailangan ng bonggang bongga.
Pagkarating ko sa bahay ay hinagilap ko kaagad 'yung binili kong maliit na stuffed toy. Dapat pala ginamit ko na kaagad, no? Para the moment na malaman kong paalis si Renz, binigay ko na sa kanya agad.
Bago pa ako maunahan. Sabi nga ni Paul, maganda 'yung palagi akong handa. Haha. Scout lang.
Nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng jacket. Pupunta ako kina Renz dahil kukunin ko na 'yung mga aklat na hiniram niya sa akin dati. Dala ko na rin 'yung remembrance keme ko.
I headed to Renz's home.
Ipinagpapasalamat ko na malapit lang ang bahay nila sa amin. Hindi naman sobrang lapit, magkaibang street pero sobrang walkable naman. Walkable?!
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...