K E N
Hindi ako makapaniwala na nandito na kaagad ang matalik kong kaibigan na si Renz sa harapan ko. Ang buong akala ko, magtatagal siya ng sobrang tagal sa ibang bansa. Bakit ang bilis naman niya ata? Ilang buwan pa lang simula noong umalis siya.
"B-bakit parang ang bilis mo?" Tanong ko sa kanya.
Pinapasok ko na rin siya at pinaupo sa aming sala. Sitting pretty naman siya dahil sanay na siya dito sa bahay namin.
"Bakit, ayaw mo ba? Sabihin mo lang, babalik ako doon." Pabiro niyang sabi.
"Wala naman akong sinabi. Ang totoo, masaya ako na bumalik ka na. I'm just confused and curious at the same time sa kung anong nangyari sa'yo doon sa ibang bansa." Sabi ko sa kanya.
Ipinagtimpla ko siya ng kape. Sukat bumisita ba naman ng hatinggabi.
"Merry christmas, Ken. Na-miss kita, sobra." Seryoso niyang sabi habang nakatalikod ako sa kanya dahil nagtitimpla nga ako ng kape.
Medyo natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I want to tell him na na-miss ko rin siya pero ayokong bigyan niya iyon ng ibang dahilan.
Pagkatapos kong magtimpla ay humarap na ako sa kanya at ibinigay ang tinimpla kong kape. Umupo ako sa harap niya.
"Ako, hindi mo na-miss?" Tanong niya sa akin habang nakangiting nakakaloko.
"Hindi. Ilang buwan ka lang nawala." Sabi ko naman sa kanya.
He pouted, "Sus, duga mo. Ikaw nga isang araw ko pa lang hindi makita miss na kita. Unfair naman," sabi niya, at parang down na down ang itsura niya.
I chuckled. "Oo na, na-miss rin kita." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Good."
"Bakit naman kasi ngayon ka pa pumunta? Pwede namang bukas na. Ngayong alas dose pa talaga ng hatinggabi. Napagkamalan ka pa naming multo." Sabi ko sa kanya.
Medyo napatawa naman siya. "Syempre. Surprise. Haha,"
"Bakit nga ba ang bilis mo? Pwede mo bang i-kuwento sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin ng seryoso.
"Commotion. Palaging may commotion sa pagitan namin ni dad. Ewan ko ba doon at naiisipan akong i-match make sa anak ng pare niyang DOM doon. Hindi ko naman gusto 'yung babae dahil humihithit." Sabi niya.
"Humihithit?"
"Oo. Drug user ang DOM na tatay niya. Alam kong alam iyon ni dad. Kaya hindi ko malaman kung bakit balak niya akong imatch make sa anak ng adik niyang kumpare. At dahil nga ayoko sa gusto niyang mangyari, palaging nauuwi sa pagtatalo ang araw-araw namin doon hanggang sa napilitan na rin siyang pabalikin ako dito sa Pinas. Sino ba namang matutuwa na ama mo mismo ang mambubugaw sa'yo? Sa adik pa?" Sabi pa niya at napangisi siya.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magkuwento. Noong umalis siya dito, palagi kong naiisip na, siguro masaya na si Renz doon sa ibang bansa? Siguro unti-unti niyang matutupad ang mga pangarap niya doon. Na siguro, ang sarap na ng pamumuhay niya doon sa ibang bansa. Hindi ko lubos akalain na babalik siya agad dito dahil hindi maganda ang nangyayari doon sa pagitan niya at ng ama niya.
Pagkatapos niyang magkuwento ay natahimik kami parehas. Katahimikang naging dahilan upang ma-proseso ang lahat ng kinuwento niya utak ko.
"Dahil ang puso, hindi nauutusan." I said out of nowhere.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...