V I N C E N T
Habang naglalakad ako papunta sa kanya, ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang ito na lang ang tanging naririnig ko at wala nang iba. At bigla-bigla, napalitan ang nararamdaman ko ng matinding lungkot.
Miss na miss ko na siya. Ang dami kong gustong gawin sa kanya noong makita ko siya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan at ayoko na siyang pakawalan pa. Pero ang daming pumipigil sa akin. Sa dami nila, hindi ko na maisa-isa.
Marahil napakatanga ko dahil hindi ko pa sinulit ang pagkakataong nakasama ko siya kahapon. Dahil kasi sa kagustuhan kong makatakas muna sa lahat ng pinagdadaanan ko ay sinubukan ko muling mag-anyo bilang si Paul at naglibot-libot. Nakakatawa nga na 'paglilibot-libot' pa talaga ang sinabi kong dahilan sa sarili ko. Ang totoo ay gusto ko lang talagang makita uli si Ken kaya naman sinadya kong mapadpad ang mga paa ko sa kanilang lugar.
At nang makita ko siya, punung-puno ng lungkot ang mga mata niya. Kung may lungkot rin akong nararamdaman, sa tingin ko ay wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman niya.
I knew it. Hindi ko man alam ang lahat ng ugat ng kalungkutan niya ay sigurado akong napilitan lang siyang sabihin sa akin ang lahat ng nasabi niya noon. Dahil kilala ko si Ken. Hindi agad-agad nagbabago ang nararamdaman niya. Kung naramdaman ko noon na mahal niya ako, ramdam ko pa rin iyon hanggang ngayon at hindi nagbago.
Nang magkasalubong kami kahapon ay laking gulat niya nang makita niya ako. Hindi ako umaktong nasurpresa. Bagkus, sinubukan kong magpaka-casual. Binilhan ko pa siya ng burger para gumaan ang pakiramdam niya. At pagkatapos niyang kainin ang ibinigay ko sa kanya ay ikinuwento niya sa akin ang lahat ng hinanakit niya.
Lahat-lahat. Sinabi niya na nasasaktan siya. Kung paano siya maguluhan sa lahat ng nangyayari at nalilito na siya kung paano niya ito lulutasan lahat. Wala siyang nabanggit na kahit ano tungkol sa aming dalawa. Hindi ko na rin naman sinubukang buksan ang usapang iyon.
Pinakinggan ko lamang siya. Sinet-aside ko ang awkwardness na nag-uumpisang mamuo noong oras na 'yon. Pinagaan ko ang pakiramdam niya at pinaramdam ko sa kanya na kilala niya ako bilang ibang tao.
How I wish I was really a different person. So that I will be able to be with Ken as much as I want.
I sigh. Naniniwala ako na matatapos rin ang lahat ng ito.
Umalis na ako sa terrace at bumalik na sa aking kwarto. Doon ay nakita ko si Lionne na nakaupo sa kanyang wheel chair, hinang-hina sa sarili at namumutla.
"Sa isang linggo na ang kasal," sabi niya.
Tiningnan ko siya. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin.
"Huwag kang umarte sa harapan ko. Alam ko ang lahat ng kalokohan nyo ng walang hiya mong ama." Sabi ko sa kanya at akmang palabas na ako ng kwarto ko.
"Bakit, sino bang mapu-purwisyo? Hindi ba, kayo rin? Wala kang choice. Wala rin akong choice kundi ang sumunod na lang sa utos ng mga nakakatanda sa atin. Dahil kontrolado nila tayo." Sabi niya na nagpatigil sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako ng mapait.
"Kontrolado? Tangina. Baka ikaw. Ikaw lang. Dahil ako, ipaglalaban ko kung ano ang gusto ko. Ipaglalaban ko ang karapatan ko dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Ikaw? Sunud-sunuran ka lang sa matandang 'yon."
"Vincent--"
"Alam kong nahihirapan ka na rin sa kondisyon mo. Kaya kung ako sa'yo, itigil mo na rin 'yang pag-arte mo. Wala 'yang panama sa akin dahil alam ko ang totoong pakay nyo." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...