V I N C E N T
Hindi na ako nagbalak pang lumabas ng kwarto simula nung umalis si Ken. Bigla ulit dumilim ang pakiramdam ko. Nanlulumo na naman ako.
Ang tagal na non. Grabe. Pero sariwang-sariwa pa rin sa utak ko 'yung nangyari. Miss na miss ko na sya. Miss na miss.
Gusto ko siyang makita uli, gusto ko siyang mayakap.
Pero alam ko -- kahit anong dasal ko, wala na. Hindi na maibabalik.
~*~
SATURDAY MORNING.
"Anak, may bisita ka." Sabi ng isang matandang lalaki sa panaginip ko.
"Anak.." Sabi uli nito.
"5 minutes." Tugon ko naman.
"Vincent Saavedra, 12:48 pm na."
Biglang napamulat ang mata ko at tumingin ako sa orasan. Hindi pala ako nanaginip. Ginigising na pala ako ni papa.
Bumangon ako at napahawak naman ako sa ulo ko. Napasarap ba ang tulog ko o late lang talaga ako nakatulog?
"Sinong bisita, pa?" Tanong ko kay papa.
"Ken daw." Sabi nya at lumabas na sya ng kwarto ko. Kumunot naman ang noo ko.
Ken? Ano namang ginagawa ng batang yun dito?
Tuluyan na akong bumangon at inayos ko na ang sarili ko. Wala akong suot na t-shirt o sando. Tanging boxer brief lang ang suot ko. Wala akong pake. Basta maayos ang mukha ko ok na.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pagkababa ko, nakita ko si Ken na nakaupo sa sofa. May dala siyang isang folder at... isang balot ng saging.
At anong meron sa saging?
Kausap niya ngayon ang papa ko at mukhang enjoy na enjoy siya.
Napadako ang tingin ni Ken sa akin at ngumiti siya.
Lumapit na ako sa kanya.
"What are you doing here?" I asked him. The usual annoyed Vincent that I am.
"D-dinala ko lang to." Sabi niya at ipinakita niya 'yung dala niyang folder.
"Notes 'to. Basic elements ng hiphop. Bale magkaka-quiz kasi next friday. Tatamarin na kasi ako pag weekdays kaya ginawa ko na kahapon at dinala ko na rin ngayon." Sabi niya, and I can sense him avoiding my gaze.
Ako namang si *ehem* tuso, lumapit sa kanya at tinabihan siya.
"Asan, patingin nga." sabi ko at inabot ko yung folder.
Lumayo si Ken ng onti, "Yun lang naman. Hinatid ko lang talaga yan. Sorry kung naistorbo kita sa pagtulog. Sorry." Sabi nya at tumayo na siya.
Aktong paalis na siya pero pinigilan ko siya.
"Sinabi ko bang umalis ka na?" I told him.
Hindi siya agad humarap sa akin. Pero paglingon niya, I can clearly see his cheeks blushing.
I smirked. In my mind. Ang familiar ng scenario na 'to.
"Hindi," sabi nya.
"Yun pala eh." Sabi ko. Kinuha ko 'yung folder at pinatong ko sa ibabaw ng speaker.
Pumasok ako sa CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos non ay nagtimpla ako ng kape at bumalik na rin ako sa sala.
"Vincent, I'm off. Pakainin mo 'yung bisita mo." Sabi ni papa at tinapik nya ako sa balikat bilang paalam.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...