[8] Hindi

5.7K 284 30
                                    


K E N

Hindi na ako nag-inarte pa at sinundan ko na si Vincent papunta sa kwarto niya. Wala naman na akong magagawa.

Pagkaakyat namin, binuksan na niya ang kwarto niya at pumasok na kami pareho. Ito ang unang beses kong makakapasok sa kwarto ng isang kaklase ko, maniwala man kayo o sa hindi.

Umupo ako sa kanyang kama. Siya naman, lumabas uli.

Oo, iniwan niya ako dito.

Napatingin na lang ako sa paligid. Malinis siya. Halatang maingat siya sa gamit. Hindi katulad nung kwarto ko na puro poster ni Mario Maurer. J3j3j3.

Nakakatuwa rin dahil ang daming stuffed toy dito sa kwarto niya. May mga teddy bear, may mga pagong, penguin, at mga super hero rin na stuffed toy. Siguro ninakaw niya ang mga ito sa claw machine. O dating claw machine itong kwarto niya?

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

May isang umagaw ng pansin ko. Isang bibe na stuffed toy na may tuka-tukang puso. Sino ba namang hindi maaagaw ang atensyon, diba? Ang cute kaya. Ang unusual. Kinuha ko yung stuffed toy at napansin kong may nakasulat palang pangalan doon sa puso.

Lhor.

Ahh. Baka brandname. O pangalan nung nagbigay sa kanya. Or pangalan nung shop na binilihan niya? I don't know.

Maya-maya, pumasok na rin si Vincent. Naka sando at boxers. Nakita niya rin, malamang ang hawak ko at laking gulat ko nang hablutin niya ito mula sa akin.

"What? Pahiram ako!" Sabi ko at inagaw ko uli sa kanya yung stuffed toy. Pero itinabi na nya ito sa itaas nung aparador nya. Wow.

"Mag-umpisa na tayo." Sabi niya.

Inirapan ko lang sya. Sa totoo lang, gusto ko siyang sapakin. Bakit ba kasi ganito? Kung mainit ang dugo niya sa akin, bakit ako ang pinili niya na magturo sa kanya? Kelangan ba talaga nya ng tutor? Hindi kaya mag-isa?  At saka, he's auditing class! Dapat hindi nya ginagawa ang mga ito. Sasapakin ko talaga si sir bakla eh.

Napa-tsk na lang ako at tumayo na ako.

Bago kami mag-warm up, tinuro ko muna sa kanya ang basics, fundamentals at kung ano pang kachenesan ng hiphop na 'to.

After non, nagwarm-up muna kami at tinuruan ko na rin siya ng steps.

Ang slow nya. Ang bagal nyang maka-gets ng step. Tapos siya pa tong may ganang magalit sa akin kapag hindi niya nagegets yung steps.

Masyado daw akong mabilis magturo. Siya lang talaga tong slow kasi step by step ko nang tinuturo sa kaniya.

Kaya bwisit na bwisit ako.

Nung na-gets na nya 'yung step, doon ako nagulat. Kasi marunong pala talaga siyang sumayaw. Nakikita ko kasi marami akong idol na dancers. Sina Kim Chiu, Vice ganda, Kris Aquino at K Brosas. Ang gagaling kaya nila. Balita ko nanalo na naman sila sa competition sa ibang bansa.

May mga tao talaga na denial sa una. Or hindi pa nila nadidiscover nila ang talent nila.

Ako kasi, hindi ko alam kung may talent ba talaga ako o wala. Pero malakas ang loob kong magsasayaw. Haha.

I sigh.

Maya-maya ay lumabas siya ng walang paalam. Pinunasan ko ang pawis ko at umupo na muna ako.

Kapagod. Kahit air-conditioned ang kwarto nya, pakiramdam ko ang init pa rin.

Pagbalik niya, may dala siyang isang jar ng cookies at dalawang canned soda.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon