K E N
Tumingin ako kay Vincent. Seryosong seryoso siya ngayong nagd-drive pabalik sa school.
Minsan napapaisip ako. Paano nya kaya nam-manage na palaging serious look all the time? Hindi ba nangangalay ang mukha nya? Kahit konting ngiti lang, maipakita nya sana.
Actually nakita ko na ang ngiti nya eh. Sobrang sobrang konting time lang. Nung first encounter namin. Pilit pa 'yun.
Gwapo naman sya. Palagi nga lang naka-poker face.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Bumuntong-hininga na lang ako. Well, it's Vincent after all.
Napatingin ako sa aking phone. 1:21 pm na. By 2pm, may klase kami sa CS2E.
Nadaanan na namin 'yung convenience store kung saan nakapark ang kanyang kotse kanina. Hint na malapit na kami sa school. Akala ko titigil siya, pero diniretso na nya.
Aba dapat lang! Ano, bababa kami tas mamamasahe uli papuntang school? Aba matinde.
Nang makarating kami sa school, at pagkatigil na pagkatigil nya sa pagd-drive ay walang paalam na akong bumaba mula sa kotse. Napatingin ako sa paligid at maraming mga college student na naglipana. Lunch na siguro or vacant nila.
Sinabi ko kay Vincent na uuna na ako. Hindi uli siya sumagot at pinark na nya ang kotse. Hindi ko na sya hinintay at dumiretso na ako sa cafeteria.
Kakakain ko lang ng tatlong burger and yet, gutom pa rin ako. Feeling ko hindi enough ang tatlong burger lang for lunch and breakfast.
Umorder ako ng pagkain. 'Yung kasya lang sa dala kong pera.
Pagkatapos kong kumain ay ready na akong kumain sa usual spot ko tuwing lunch -- ang benches. Sana nandun Paul. Ahihihi.
Hindi pa man ako lubusang nakakalabas ng cafe ay biglang may tumawag sa akin.
"Ken, hey there!" Boses ng isang babae.
Nilingon ko ito at nakita ko 'yung babae. Hindi lang pala isa. Tatlo sila. At sa itsura nila, feeling ko malalandi sila. Well, judgemental na ako kung judgemental pero promise, kung makikita nyo sila ayun din magiging first impression nyo.
Sinenyasan nila akong lumapit sa kanila. Ako namang si tanga ay sumunod.
"Sabay ka na samin, we wanna talk to you." Sabi nung isa.
Ayoko man, sumunod na lang ako. Ayoko namang magpaka-rude sa kanila.
"Tama diba? Ikaw si Ken?" Tanong nung isa sa kanila. I can't identify who's who. Magkakamukha kasi sila.
Tumango ako.
"Ahh, so ikaw nga 'yung close kay Renz babe? 'Yung ex basketball varsity captain?" Sabi nung isa.
"Pati 'yung bago gurl. 'Yung masungit. Vincent something ata name nun." Sabi naman nung isa.
Ngumiti ako. "Oo. Bestfriend ko si Renz since junior high. Pero si Vincent hindi ko close." Sabi ko naman.
Umirap yung isang babae.
"Hay nako bakla, hindi na uso 'yang mga ganyang paandar nyo! Basta may lalaking muscular go na agad kayo. Don't us. Pakunyari pa kayong bestfriend pero ang totoo, hinihithit nyo na." Sabi nung isa pa.
Natigilan ako. Literal.
Napatigil ako sa pagkain ko at napatingin ako sa tatlong babaeng 'to. I knew it, sila 'yung mga kadalasang nae-encounter ko dati nung highschool. Same reason -- they're jealous of me and Renz being bestfriends.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...